Ako si Aliyah, 17 taong gulang at isang grade 12 student na nasa HUMSS strand.
Nakakastress man sa klase ngunit lagi kong inaalala na para naman ito sa kinabukasan ko at ng pamilya ko.
Unang araw ng klase namin ngayon at nagmamadali akong pumasok sa aming eskwelahan ng may nakabangga sa akin.
Nahulog ang mga hawak kong gamit at akmang kukunin ko na sana ito ng sabay kaming napatingin sa isa't isa.
"A-ako nalang ang ku-kukuha ng gamit ko" naiilang na sambit ko sa kaniya
"No, I insist miss" he coldly said
"Okay." Tanging sagot na lumabas mula sa aking bibig
Kinuha niya lahat ng mga gamit kong nahulog at inaayos niya muna ito tsaka tinignan kung may mga nasira bang mga gamit ko.
Ng matignan na niyang kumpleto ito ay agad nitong ibinigay ang aking mga gamit.
"I'm sorry if I hurt you, btw I'm Fernan, and you are?"
"Aliyah."
"Nice to meet you Miss Aliyah, I have to go"
"Maraming salamat muli!"
Isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa akin bilang huling sagot niya.
Nagmamadali na akong pumasok sa room at mabuti nalang talaga ay wala pang teacher.
"Bulaga!" Panggugulat ni Wineah
"Ahhhhhh! Jusko ka Win! 'wag kang manggulat baka atakihin ako sa puso ng dahil sa'yo"
"Sorry hihi"
"Bakit ngayon ka lang Aliyah?" Pagtatanong nito sa akin
"Nalate kasi ako ng gising tsaka alam mo naman na hindi lang ang sarili ko ang aking inaasikaso kundi pati na rin ang mga kapatid ko"
"Ay oo nga pala, btw may bago daw tayong classmate, galing sa ibang school"
"Hmm, sino daw? Tsaka babae or lalaki?"
"Hindi ko pa Kilala pero lalaki daw"
"Sana maging kaclose ko HAHAHAHA"
"Halos lahat naman Aliyah kaclose mo, friendly mo ba Naman"
Tinawanan ko na lamang ang kaniyang sinabi at naghintay na lamang sa aming guro. Maya-maya lamang ay dumating na ang aming guro na si Ginang Buenavista, ang aming adviser sa aming seksyon.
Nagpaliwanag ito sa aming mga class schedules at iba pang mga rules hanggang sa napunta ang kaniyang sinasabi sa aming bagong kamag-aral.
"Class, I would like to introduce to all of you, your new classmate, Fernan"
At biglang pumasok ang lalaking kaninang bumangga sa akin.
'Kaklase ko siya?!'
"Hi." Malamig niyang sambit sa lahat
'Ang gwapo niya bhie'
'Crush ko na ata siya HAHAHAHA'
'I think I'm fall Inlove to you'
'Naks! May bago na namang pwedeng tropahin dito mga pre'
'yan ang karamihan sa mga bulong-bulungan nila.
"Bhie, Ang gwapo niya" kinikilig na sambit ni Wineah
"Hmm, oo nga kaso wala akong interes sa kaniya" bored kong sagot sa kaniya
"Palibhasa, panay ka aral ng aral, sana all ulirang istudyante" pasigaw na sambit nito sa akin
Hindi ko na lamang ito pinansin at hinahayaan na lang na pakinggan ang pagpapakilala nito.

YOU ARE READING
Short Stories Compilation
RandomShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.