Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang lungkot at pangungulila sa tono ng boses ng boyfriend ko. Oo, may mga oras na nagtatampo ako dahil hindi niya ako nasasabihan or kumbaga na-uupdate sa mga ginagawa niya pero kapag nalaman ko ang reason niya, naiintindihan ko naman.
Kasalukuyan ko siyang kausap sa call, hindi ko alam pero kailangan ko ng sagot niya kung totoo ba or hindi ang naiisip ko. Puno ng kuryosidad at pagdududa pero kailangan kong isipin kung ano nga ba ang katotohanan.
"Tanungin nga kita" sambit ko sa kabilang linya
"Hmm, ano 'yon mahal?"
"Kailangan ko ng sagot mo, bakit may ibang babae sa search list mo?"
"sino, mahal?"
"si nick, nakita ko kasi 'yon sa search list mo"
"wala, taga bayan lang 'yon"
"Sigurado ka? Umayos ka, pup*tulin ko 'yang kaligayahan mo" pagbabanta ko sa kaniya
Ngunit imbes na mainis ay tawa lamang ang nakuha kong sagot mula sa kaniya.
"Mahal, may ikekwento ako sa'yo"
"Spill" masungit kong sambit sa kaniya
Ikinuwento niya sa akin kung paano niya nakilala ang babae na 'yon. Walang nakakaalam sa kahit sino man sa mga katrabaho or kakilala niya na may girl friend na siya. Nakakalungkot man dahil legal siya sa akin pero sa side niya ay hindi pa ngunit iwinaksi ko na lamang ang nararamdaman kong iyon.
Pagkatapos ng pagkekwento niya, hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito sa akin.
"Mahal"
"Hmm?"
"I love you"
"Huwag mo'kong mabiro, badtrip ako sa'yo tapos pinapatawa mo'ko"
"Thankful ako na dumating ka sa buhay ko"
And that word make me stop for a second.
Wait. Is that true? Siya lang ang taong nagsabi sa akin ng ganiyan.
"Hindi man ako perpektong boyfriend but atleast sinusubukan kong magkaroon ng oras sa'yo although busy ako sa trabaho kadalasan"
"Kaya gumagawa talaga ako ng oras para sa'yo kasi ayokong mag-overthink ka ng mag-overthink ng dahil sa'kin"
"Dahil lahat ng iniisip mo ay hindi 'yan totoo"
"Mahal na mahal kita, mahal"
At dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilang ilabas ang mga ngiti na kanina ko pa pinipigilan.
Ang sabi ko sa sarili ko ay magtatampo ako ba't naman ngayon ay nakangiti na'ko? HAHAHA.
Mahal na mahal din kita, mahal.
Salamat sa tiwala although palagi akong nag-ooverthink ng dahil sa'yo.
Kahit malayo man ang distansya natin, palagi kong iisipin na mamahalin natin ang isa't isa ng walang limitasyon.
Special Dedication to: My honeybunch sugarplum sweetiepie Engineer Enrico II C. Gesta
Wakas

YOU ARE READING
Short Stories Compilation
RandomShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.