Chapter 16
Hands
I'm scared. Scared of admitting to myself that I like him already for a long time before he confesses. Maybe because I don't see myself falling in with him. I never imagined it, in fact.
Ngunit sa paglipas ng mga araw, hindi ko namamalayang nabubuo na pala ang nararamdaman ko sa kaniya. Na ang mga nararamdaman ko palang kakaiba ay senyales na nahuhulog na ako sa kaniya.
I didn't like Isagani at first because of the way he treated me. He was so annoying that every time we saw each other, he acted like I had done something wrong.
However, he has already stated that his hatred of my family is the cause. Hanggang ngayon kaya lalo na't gusto niya ako?
Confusion drew into my head.
He dislikes my family, so is he just attempting to break my heart, or does he actually like me?
Umiling ako. Hindi naman siguro. Ang sabi naman niya sa akin ay gusto niya ako bilang ako. He might despise my family or the way he sees my father working, but not me. I can tell by looking into his eyes that he truly admires me.
Bahagyang uminit ang pisngi ko. Muli kong naalala ang hapong 'yon, kung paano niya ako tingnan sa mga mata habang isinusuot sa akin ang papel na singsing. Hindi ko 'yon suot-suot ngunit itinabi ko ito sa aking kabinet.
Bumalik ako sa aking wisyo nang maramdaman ko ang isang mahinang kurot sa aking tagiliran. Ngayo'y nasa tabi ko na si Dorothea habang malawak ang ngisi.
"Napapansin ko talaga, blooming ka nitong mga nakaraang araw. Anong meron, ha? In-love ka?!" Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya.
Kahit ako rin naman ay pansin na may kakaiba sa aking mukha nitong mga lumipas na araw. Tila'y tala ang aking mga mata sapagkat lagi itong nagniningning tuwing makikita ko sa malayo si Isagani o di kaya'y nababasa ko ang kaniyang mensahe sa akin.
"Sinagot mo na siguro si Galen, ano?"
Umiling ako. Ayaw ko pang sabihin sa kanila ang totoo pero ayaw ko ring pagkamalan nila na ibang tao ang dahilan nito.
"O baka naman may hindi ka sinasabi sa amin?" Usisang muli ni Dorothea.
Bahagya akong napakagat sa aking labi. Dapat ko na bang sabihin sa kanila? Ito na ba ang tamang pagkakataon?
Ano kayang magiging reaksyon nila? Matutuwa ba sila... o hindi?
"A-ah... ano kasi, g-ganto kasi 'yon–"
Dorothea cut me off, "Sussie? Si Sussie nga!"
I glanced at the way she was pointing and to my surprise, I saw Sussie together with Yasu... and they were holding hands?!
BINABASA MO ANG
Fall Into His Waves
RomanceTazara Mallari, the governor's daughter, is the quintessential embodiment of an elegant, sexy, and almost-perfect young lady in her hometown. Halos karamihan ng lalaki ay agad na nahuhumaling sa kagandahang mayroon siya. Ngunit, walang sinuman ang n...