Kabanata 26

115 46 1
                                    

Chapter 26

Dream


"Wala ako—" Bago ko pa ipaalam kay Isagani na wala naman akong nobyo ay bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina.


Bumungad sa amin ang naghahabol ng hininga na si August. Ang dalawa kamay niya ay nakatukod sa kaniyang dalawang tuhod habang tumatagaktak ang pawis sa kaniyang noo.


Nang makabawi siya ng kaniyang hininga ay agad siyang tumungo sa aking harapan upang umalis naman do'n si isagani. Umupo siya sa harapan ng aking paa upang suriin ito.


"Anong nangyari rito? Ayos ka lang ba? Hindi ba masakit?" He said while trying to massage one of my legs.


Inilayo ko ito sa kaniya upang subukang tumayo ngunit masakit pa rin ang aking pwetan. Kaya naman inalalayan niya akong makatayo. Nilagay niya ang kanan kong braso sa kaniyang balikat at ang kaliwa niyang kamay sa aking baywang.


Someone coughed behind us to turn our attention to it. Nakahukipkip ang lalaking nakataas ang kilay habang ang mata ay diretso ang tingin sa kamay ni August sa aking baywang.


"Ay, salamat pala Isagani sa pag-alalay sa girlfriend ko." My eyes widened. In his dreams! I'm no one else's girlfriend.


Nang humarap siya sa akin ay pinandilatan ko siya ng mata. Ngumiti lamang siya ng nakakaloko sa akin. Kung wala lang masakit sa akin ay malamang nakurot ko na siya ngayon.


"Let's go, babe, ako na ang hihilot sa sugat mo. 'Yong hilot na gusto mo." Kumindat pa siya sa akin.


Oh god, what is he even saying now? Someone might have misunderstood him!


"Aray!" Lumipad sa kaniyang ulo ang isang pares ng sandals.


Teka, sandals ko 'yon! It's hermes for goddamn's sake of who throws it! Habang hawak sa kaniyang isang kamay ang kapares ng sandals ko ay nilakad niya ang harapan ng aking paa. Dinampot ni Isagani ang kabiyak nito, 'yong ibinato niya kay August.


He gently held my foot and placed my sandals on it. When he stood up, he looked at the man's hand on my waist for a moment before walking inside his room.


Parehas kaming nagulat ni August nang halos masira na ang pintuan sa pagkakasara niya. Anong problema ng isang 'yon?


"Gago, galit na si Colonel." Aniya habang humahalakhak pa.


Kumunot ang noo ko. Ano namang tinatawa ng isang ito? Oh god, magkakaibigan nga sila! Mga hirap intindihin, hindi mo malaman kung anong tumatakbo sa isipan!


"Can you stop laughing? Kanina ka pa," nang makalabas kami sa opisina ni Isagani ay hindi na tinigilan ni August ang pagtawa.


Nababaliw na ba siya? Hindi ba sumasakit ang tiyan niya?


Fall Into His Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon