Chapter Six

14 6 4
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Chapter Six

Ang Confession at Juice

"I like you so much, Aldrin! Please date me!"

Napangiwi si Aldrin sa narinig na sinabi ng babaeng nakayuko sa harap niya ngayon. May hawak na letter ang mga kamay nito at nakalahad sa kanya.

Bibili lang siya ng melon juice, naharang pa siya ng isang 'to.

"Ah, miss?" aniya. Mabilis itong tumayo nang maayos at malawak na ngumiti sa kanya. Napangiwi si Aldrin. Umaagaw na rin sila ng atensyon mula sa mga taong malapit.

"Yes?" anitong ngiting-ngiti.

"Give me one valid reason why should I date you?"

Lumapit ito at kinuha ang mga kamay niya. Nakangiwing hinawakan naman ni Aldrin ang sulat.

"I'm beautiful. Bagay tayong dalawa."

Walang reaksyon niyang itinaas ang sulat, hinawakan ang gitna nito at pinunit sa harapan ng babae ang confession letter nito. Suminghap ang babae at marami naman ang napanganga sa ginawa niya.

"Wrong answer. Tingin mo makikipag-date ako sa taong hindi ko kilala? Sino ka ba?"

Nangilid ang luha sa mga mata ng kaharap. Wala namang epekto sa kanya iyon. Sanay na siyang mang-turn down ng mga babaeng panay ang aligid sa kanya.

Akala ni Aldrin ay tapos na siya sa ganito noong malipat siya sa eskwelahang ito. Hindi pa pala.

"B-But... give me a chance, Aldrin... I really like you!"

Ngumisi siya at nilapit ang mukha sa babae. Bakas ang gulat nito sa ginawa niya. Hinawakan naman niya ang buhok nito kasabay ng salitang nagpaiyak dito.

"Pero hindi kita gusto."

Tumayo na si Aldrin nang diretso at naglakad palayo sa babae. Dinig naman ang likhang ingay sa ginagawa nitong iyak.

Iba't ibang bulungan ng mga tao ang narinig niya.

Some said that he's heartless, a jerk, an asshole. Some even called him stupid because the girl he just turned down was the sweetheart of the school.

Ano namang pakialam niya roon? Ni hindi nga niya kilala ang babae tapos magtatapat itong may gusto sa kanya?

Napabuntong hininga siya bago tumuloy sa pupuntahan niya.

Pabalik na si Aldrin sa classroom nang sumabay sa kanya si Franco, isa sa barkada ni Ervin.

"Nakita ko iyong ginawa mo kanina, P're," natatawang sabi nito.

"Ang ano?"

Tinapik siya nito sa balikat. "'Yong pag-reject mo sa babae. Pota, ang lamig mo roon! Napahiya si Pia. Hindi mo ba alam na maraming nagkakagusto d'on tapos ikaw, binasted mo. Ang cold mo, Pare."

A Twist of Fate (BxB) Where stories live. Discover now