ERVIN • 1 •

9 2 0
                                    

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


Part I

Hindi na alam ni Ervin ang gagawin pa sa buhay. Ngayong araw lang din inilibing ang nanay niya. Dumagdag pa na nakita niya ang lalaking sumira sa buhay nila na gusto siyang kunin. Ang kapal din ng mukha ng lalaking iyon na magpakita pa pagkatapos silang iwan ng nanay niya?

Ang tigas ng mukha na sabihing sumama na lang daw siya dito dahil hindi niya raw kayang mabuhay mag-isa? Bakit, nasaan ba ang tarantadong iyon noong naghihirap sila ng nanay niya? Missing in action, 'di ba? Tapos ngayon magpapakita para lang gawin siyang sunod-sunuran? Kung hindi niya pa alam na gusto lang siya nitong kunin dahil siya ang magdadala ng apelyido nito dahil sa kawalan nito ng anak na lalaki sa pangalawa nitong pamilya, baka nauto pa siya.

Dahan-dahan niyang binuka ang nakakuyom na kamao at ipinunas iyon sa basang pisngi. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha sa mga mata niya dahil sa magkahalong lungkot, galit at kawalan ng pag-asa.

Tumingala si Ervin sa langit at pansin niyang malapit nang maggabi. Lalo niyang tinaklob ang hood na nasa ulo niya at hinatak pa ang lace nito para hindi gaanong kita ang mukha. Nakayuko siyang lumakad at pinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng hood.

Ano na kayang gagawin niya sa buhay niya? Wala naman nang kwenta kung magpapatuloy pa siya. Ano kaya kung maglaho na lang siya? Tutal wala naman na ang nanay niya. Ito lang naman ang nagmamahal sa kanya, e.

Merong mga kaibigan si Ervin pero kahit mawala man siya at malungkot man ang mga 'yon, lilipas din iyon. Malalagay na lang din siya sa alaala nila. Matatapos din ang problema niya kapag wala na siya. Isa pa, makakasama na rin niya ang nanay niya.

Sa isiping iyon, dahan-dahang naglakad si Ervin patungo sa gitna ng kalsada. Maraming sasakyan na mabilis na tumatakbo sa daan dahil rush hour ngayon. Magpabunggo na lang kaya siya?

Nagkaroon ng munting ngisi ang blangkong mukha ni Ervin. Mas umigting pa ang plano niyang mawala na lang ngayon.

Humakbang pa siya at naririnig niya ang isang paparating na malaking sasakyan kahit malayo pa ito. Nang malapit na siya...

"Caught you!"

May biglang humatak sa likod ng damit niya sanhi para maialis siya sa daan ng papalapit na sasakyan. Sumubsob si Ervin paupo sa gilid at nagasgas pa ang kamay niyang pinangtukod para hindi siya mapahiga.

Masamang tingin ang pinukol niya sa taong pakialamero pero natigil siya nang imbes na mukha ng tao ang sumalubong sa kanya, ang nakalahad nitong kamay na may hawak na juice ang nakita niya.

"Iyo na lang. Baka gumaan ang pakiramdam mo pagtapos mong inumin 'yan."

Wala sa sariling kinuha ni Ervin ang juice. Ramdam kaagad niya ang lamig nito nang mahawakan niya ito.

"That's my favorite flavor. Wanna get up?" Hindi na nito hinintay na kumibo siya, ito na mismo ang nagtayo sa kanya mula sa pagkakaupo.

Hindi alam ni Ervin kung ano ang gagawin. Ni hindi niya mahanap ang boses para kausapin ito at tanungin kung bakit siya nito pinakialaman? Bakit nito pinigil ang pagpapasagasa niya?

A Twist of Fate (BxB) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang