Chapter Ten

17 5 6
                                    

Chapter Ten

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Chapter Ten

Ang Pag-amin

Hindi na hinintay pa ni Ervin na lumingon si Aldrin. Ito na mismo ang humatak sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Hindi nakahuma si Aldrin dahil dito.

Nabigla siya sa ginawa ni Ervin. Hindi niya inaasahan. Pinilit niyang kumawala ngunit mahigpit ang kapit nito sa katawan niya.

“Bago ka naman umalis at tumalikod sa akin, hintayin mo naman ang sagot ko, o,” nagmamakaawa ang boses nito. Aldrin bit his tongue to keep himself from calling out Ervin's name.

Nagpatuloy si Ervin.

“'Y-yong sinabi mo… t-totoo ba 'yon?” bulong na tanong nito, nag-aalangan.

Para namang naumid ang dila ni Aldrin. Ngayong nagtatanong na si Ervin sa kanya nang ganoon ay hindi niya alam kung bakit hirap siyang ulitin ang inamin kanina.

Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya at saka marahang bumitaw.

“S-Sabi ko na nga ba, mali ang dinig ko…” mapait ang pagkakasabi noon ni Ervin. Makailang ulit na bumuga ito ng hangin at napasabunot sa buhok. Patalikod na sana ito nang si Aldrin naman ang pumigil dito. Hinawakan niya ang dulo ng uniform ni Ervin at mahinang hinatak iyon.

“M-Mahal kita…” aniyang pabulong, nakayuko ang ulo.

“Tang ina…” bulong din ng isa. Nabigla na naman si Aldrin nang yakapin siya ni Ervin sabay nang pagsapo sa mukha niya.

Ngumiti ito nang malawak. Iyong ngiting masisilaw ka. Napabilis lalo ang pagtibok ng puso ni Aldrin dahil doon. Naghuhurumentado ito na pakiramdam niya ay ikabibingi niya.

Kaya noong sumigaw si Ervin nang malakas na parang nanalo sa Lotto at tuwang-tuwang humalakhak, tsaka lang nagising sa sandaling pagkakatulala si Aldrin.

“H-Hoy, a-ano ba?!” sita niya rito. Ngunit hindi nagpaawat si Ervin. Patuloy pa rin ito sa pagsigaw at sumusuntok pa sa ere.

“Mahal mo ako!” ngiting-ngiting anito.

Napangiti na rin si Aldrin. He can't help it. Seeing Ervin like this, he's happy, too. Nabura sa mukha nito ang kadiliman na parang bitbit kanina.

Kaya nang umulit muli itong yumakap sa kanya, niyakap din si Aldrin pabalik ang isa.

Hindi naman ito masisiyahan nang ganito kung wala ring nararamdaman sa kanya, hindi ba?

“Ako rin… may aaminin sa'yo…” bulong nito.

***

Kanina pa nakamasid si Ervin kay Aldrin na hanggang ngayon ay naghihintay sa sasabihin niya.

“Aren't you gonna talk or what?” masungit na anito. Imbes na mainsulto, natawa si Ervin. Isa ito sa kakaibang ugali ni Aldrin na nagustuhan ni Ervin.

A Twist of Fate (BxB) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن