"A" IN KC'S LIFE

1 0 0
                                    

KING'S POV:




" Her smile drives me crazy! Her cute voice is a piece of music to my ear. The way her hair flips makes me overwhelmed. She is my everything."


9:00 am palang pero sobrang excited ko ng pumasok. Sa wakas kasi pumayag na syang ipakilala ko sya kahit sa mga friends ko lang. Mas excited siguro ako kung maipapakilala ko na sya sa magulang ko.


Maaga akong kumilos tumulong pa ako kay mama maghugas ng pinggan at maglinis eto nga at nagwawalis ako habang nakikinig sa marry me ni Bruno Mars. Eto namang ate ko kanta ng kanta nasisira tuloy ang kanta. Kaya tinapos ko ang pagwawalis at kinuha ang phone ko para icheck. Nakita ko na may message sya agad akong napangiti.


"Hoy KC! Kanina ka pa ngiti ng ngiti jan ah saka parang ang saya mo ah! Baket? Anong meron ha?!" Sabi ng ate ko na may nakakalokong ngiti habang pinupunasan nya yung lamesita namin."Wala to ate!" Nakangiti kong sabi. "Wews! Utot mo KC! Yan ba yung Ria na kinukwento mo kay mama? Ha?" Lumawak lalo yung paepal nyang ngiti at lumapit pa para sana agawin yung phone ko.


"Ang barubal mo pati utot ko dinadamay mo pa. Hindi to si Ria ate." Sabi ko at nagreply sa girlfriend ko. "Sus! Kundi si Ria sino? Eh si Ria lang naman ang kinukwento mo kay mama. Wag ka nga KC!" At bigla nyang inagaw ang phone ko. Ang bilis ng babaeng to daig pa snatcher."Ate Kass ibalik mo ang phone ko. Bulingit kang tyanak ka!" Sigaw ko habang hinahabol ko sya patakbo sa kusina. "Ayie! Hindi raw Ria pero may text. Sa kanya KC AGAHAN MO PASOK MAY GROUPINGS TAYO NA TATAPUSIN." Sabi nya habang nakikipag patintero sakin.


"Ate akin na yan! Bat ka ba nangbabasa ng text ng may text." Hinarang ko yung bangko ng di sya makaalis. "No. Over my hot and sexy body! Excited ka lang mag reply eh. Don't worry nireplyan ko na sya ng Oo!" Tumuntong sya sa lababo. What the... Bat sya nangealam?


"Kass, KC! Ano yan?" Rinig naming sigaw ni Kuya Keigi sa may hagdan. Lagot na nalintikan na kami ni BuNak. BuNak? Bulinggit + tyanak yun. "Wala kuya naglalaro lang!" Sabi namin ni ate ng sabay.


"Anong wala? E rinig na rinig namin kayo sa taas ni mama." Sabi ni kuya na may hawak ng walis. Lagot mukang alam ko na kasunod palo na yan. "Kass bumaba ka jan at akina yang phone." Utos nya kay BuNak. Bumaba naman si BuNak at inabot yung phone ko kay kuya.


"Ikaw naman bitawan mo yang bangko. Hindi ko to babalik hanggat di kayo nagpapaliwanag sakin." Sabi ni kuya at pinasunod kami sa sala. Aangal sana ko kaso baka mapalo ko ng walis kaya wag na lang.


"Baket kayo nagtatalo??" Tanong ni Kuya Keigi habang nakatayo sa harap namin. "Si Ate kasi kuya kinuha nya yung phone ko at binasa ang messages ko tapos ng aasar." Paliwanag ko ng hindi na ko mapalo.

Hi! Chums!

This story is under reconstruction Please wait on 03-20-24 for re-lauch of chapters..

I hope all of you can forgive me for the inconvenience...

Thank you so much for all the supports Stitches and Gummies!!!

Sincerely,

Scarlet Chrome 💋

The Story Of Us || Young Love Book 1Where stories live. Discover now