What a day! Pt. 1

1 0 0
                                    


RIA'S POV:



"Dreaming without an Effort is useless! Para kang nagantay malaglag ang bayabas sa bibig ni Juan nun."


Nasa lobby kami at nagiisip ng paraan. Hindi kami pwedeng manggambala ng mga nagkaklase sa 3rd floor kaya naman bumaba muna kami. "Ria ano ng gagawin natin? Yare ako sa nanay ko! Umaasa pa naman sya na maayos ang takbo ng school year ko." Iyak ni Crizy sakin.


Inabutan ko sya ng tissue at tinignan ko si Ingrid na umiiyak mukang natakot talaga sila ni Jane kay Ma'am Anchete. "Wag na kayong umiyak! Wala lalong manyayare kung ngunguyngoy lang tayo. May isa akong naiisip pero hindi ko tiyak kung uubra." Sabi ko at naupo ako sa hagdan.


"Ano namang naiisip mo Ria? Sana magwork kasi kawawa naman ang nanay ko saka baka mabigla yun buntis pa naman." Nagpupunas luhang sabi ni Ingrid. "Susubukan natin! Pero wag nyo sana kong sisihin kung hindi magwork." Saad ko.


"Okay lang try lang naman. Ano bang naiisip mo?" Sagot ni Jane. "KC alam mo ba ang room ni Ms. Viloscio? Yung may hawak sa Open High list?" Tanong ko sa kanya. "Oo alam namin ni Roux yun! May klase sya ng ganitong oras. Baket?" Nagtatakang tanong nya.


"Naiisip ko lang hindi tayo tatanggapin ng ibang teachers ng walang authorized nya. Magagaya lang tayo sa ibang nagtry sa taas. Hindi rin tayo tatanggapin." Saad ko. "Tama ka Ria bat nga ba tayo aakyat na lang basta ng walang bala sa kanila." Saad ni Roux na kanina pa kunot ang noo.


"Kung Authorized nya kahit pano may laban tayo. Sa 2nd floor hindi tayo pwedeng sumubok dahil ang nandun ay last section kung san tayo galing at ibang section ay section 1-3 paniguradong aangal sila. Sa 3rd floor naman negative ang kanan dahil section 4, 5, 6 yun. Sa 4th floor naman ang natirang mataas na section. Pero sa left corner ng 3rd floor may 2 mababang section ang room 307 at room 308." Saad ko.


"Kung ganon pala eh puntahan na natin sila!" Sabi ni Ingrid na nagmamadaling tumayo. "Teka kelangan nga muna natin planuhin ang sasabihin natin. May 1 ½ chance lang tayo dahil yung adviser sa room 308 ay si Ma'am Binetez yung teacher natin sa TLE. Mainit din ang tingin nya satin. Kaya kelangan na natin gandahan ang paawa effect natin dito. Dapat din kayong magingat sa mga sinasabi nyo dahil parehas tinuturuan ni Mrs. Anchete sa math ang mga klase na yun." Sabi ko.


"Pano mo nalaman na naglelesson sya dun Ria?" Tanong ni Crizy. "Nabasa ko kasi yung time slot nya habang pinapaayos nya yung index card natin." Sagot ko. "Hala ano pang inaantay natin puntahan na natin si Ma'am Viloscio!" Sabi ni KC at tumayo.


"Hindi tayo lahat pupunta kay Ms. Viloscio. Kami ni Crizy at Roux ang aakyat. Jane bantayan mo ang gamit natin. KC at Ingrid pwede bang kayo ang pumunta sa iba nating classmate? Yung mga interesado lang, Sigurado akong makikinig sila sa inyo KC. Ayos lang ba?" Tanong ko. "Sige ganun na lang ang gawin natin." Sabi ni Ingrid. "Great! Time saver yun. Wag nyo isama ang mga cuttingero at cuttingera." Sabi ni Crizy.


"Saan tayo magtatagpo?" Tanong ni KC. "Pagnakulekta nyo na ang mga classmate natin pagtipunin nyo sila kasama ni Jane. Sumunod naman kayo sakin sa taas ng HB Hall sa room ni Mrs. Viloscio. Jane! Siguraduhin mong walang aalis." Sabi ko at tumayo na ko. Kinuha ko ang papel at ballpen ko.

The Story Of Us || Young Love Book 1Where stories live. Discover now