Penmate

690 58 36
                                    

Hindi na nakasagot pa si Anj sa mga huling sinabi ni Teddy sa kanya dahil narin pinaupo na sila ng flight stewardess. Naunang bumalik sa upuan si Anj nakita nalang niya na pumasok si Teddy sa banyo.

Hindi malaman ni Anj kung maawa o magagalit ba siya sa binata dahil sa mga nalaman niya. Sobrang naawa ito dahil naramdaman ni Anj ang sakit na binase niya sa expresyon ng mukha at garalgal sa boses ng binata. Pero nananaig din ang galit dahil nandoon parin ang pakiramdam na nabastos siya.

Sa pagpasok naman ni Teddy sa banyo. Walang humpay ang pagpigil nito sa bugso ng kanyang damdamin. Ayaw niyang makita ng kahit na sino na nasasaktan siya at pinaka ayaw niyang maramdaman sa kanyang sarili na nagiging mahina siya. Para sa kanya ang pag luha ay isang kahinaan at sinyales ng pagsuko.

Malapit lang ang upuan ni Anj kung saan naroroon ang mga banyo ng eroplano, kaya naman narinig nito kahit papaano ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Napasinghap nalang si Anj ng makitang lumabas si Teddy at naglakad pabalik sa upuan nito. Hindi makuha ni Anj kung anong emosyon ang nasa mukha ni Teddy. Hindi nito makita ang saya gayun din ang lungkot. Tahimik lamang itong umupo sa may likuran ni Anj ngunit kasabay nito ang malalim na paghinga ng binata.

Sa paglipad muli ng eroplano, hindi mapakali si Anj sa upuan nito. Maya't maya itong nagbabalak na lumingon sa kanyang likuran. Habang tumatagal lalong dumarami ang mga tanong sa kanyang isipan. Katulad nalang nang kung kamukha niya nga yung babaeng sinasabi ni Teddy, kung anong nangyari sa kanila, kung bakit siya pupunta ng Maldives. Lumalabas ang pagka chismosa ni Anj kung pag-ibig ang pag-uusapan lalo na kung lovelife ng iba.

"Is there something bothering you madam?" Tanong ng stewardess nang mapansin si Anj.

"Uh no. I'm fine." Biglang sagot ni Anj. Ngumiti ang babae sa kanya at tumalikod, pero hindi pa man ito nakalayo tinawag siyang muli Anj. "Miss, could I get some wine or beer please?" Galak na tumango ang stewardess at umalis upang kunin ang request ni Anj.

Nang marinig naman ni Teddy ang request ng dalaga. Sinipa nito ang upuan sa kanyang harapan. Sinadya niyang lakasan ang pagkakasipa dito para makuha ang atensyon ni Anj. Pero hindi lumingon sa kanya ang dalaga. Nakakita ng tyempo si Teddy na makalapit kay Anj nang umalis para mag banyo ang matandang lalake katabi ng dalaga. Mabilis pa sa alas kwatro nakaupo si Teddy sa tabi ni Anj.

"Oh! Anong ginagawa mo dito?!" Taas kilay na tanong ng dalaga.

"Kailangan talaga wine? Beer?! Juice nalang!" Demanding ang tono ng pananalita ni Teddy.

"Aba?! Bakit? Sino ka ba para pagbawalan akong uminom?" Masungit na bulalas ng dalaga.

"Ako lang naman ang asawa mo." Nakita ni Teddy sa gilid ng mata nito na pabalik na ang stewardess na inutusan ni Anj. "At buntis ka! Baka makasama sa baby natin yan!" Nilakasan ni Teddy ang boses nito sakto lang para marinig siya ng stewardess.

"Baby? Is she pregnant? I'm sorry. Let me just get you another drink."

"Let me have that." Tinuro ni Teddy ang dalang alak ng stewardess. Ibinigay naman niya ito sa binata at umalis muli.

"Ahhh. This is good." Anito matapos ubusin ang laman ng baso na para bang iniinggit si Anj.

"Ha.Ha.Ha Funny." She said sarcastically. "Umalis ka na nga dyan. Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sa'kin." She said pouting her lips.

"Ano bang pwede kong gawin para patawarin mo ko?"

Napaisip ang dalaga. Pumasok sa isipan nito na pahirapan ang binata para makabawi man lang siya. Pero naawa naman ito kaya nag isip nalang siya ng iba.

"Tell me everything." She finally said after a long pause.

"Alin?" Ani Teddy.

"Yung tungkol sa babaeng mahal mo."

When Love SucksWhere stories live. Discover now