Gelatin

554 49 13
                                    

"She's with me." Inusog ni Teddy ang mga taong nakapalibot kay Anj para mapuntahan ito. Tiningala nito ang dalaga bago tuluyang binuhat na para bang bagong kasal sila't papuntang honeymoon.
"Teddy? Bakit nandito ka? Akala ko ba," napayakap si Anj sa leeg ng binata para hindi ito mahulog. Kitang kita ni Anj ang pag-aalala sa mukha ni Teddy.

"Ma-maganda raw dito eh." Nakaramdam ng pamumula ng pisngi si Teddy at umiwas ito sa tingin ng dalaga.
"Sabi mo takot ka sa bangka."
"Wala akong sinabing takot ako." Dipensa niya. "Nag helicopter ako. Wag ka ng magtanong."

"Ang sunget." Umismid ng kaunti ang dalaga bago nito hinigpitan ang pagkakayakap niya sa leeg ni Teddy.
Inupo siya ng binata sa maliit na kubo hindi kalayuan sa pangpang. Humingi rin ito ng maiinom para sa dalaga. Gumagabi na at papalamig na ang klima pero kapansin pansin parin ang pawisan na katawan ni Teddy.

"Umupo ka nga muna. Kung maka-worry ka naman parang totoo." Biro ni Anj matapos abutin ang isang baso ng tubig na dala ni Teddy.
"Ano ba kasing nangyari sa'yo?! Napano ka ba?!" May pag aalalang tungon ni Teddy na hindi mapakali sa pagkakatayo nito. "Dalhin na kaya kita sa clinic."
"Concern?" May pagkapilyang tanong ng dalaga na nagpatameme nang saglit kay Teddy.
"Hi-hindi ha! Ano kasi," nagisip ito ng sasabihin. "Yung eksena mo kasi kanina, nakakahiya. Akala mo artista." Pabagsak na umupo si Teddy sa kabilang upuan na nasa tabi lang dalaga.
"Ang sama nito. Akala ko masunget ka lang. Pati pala yung ugali mo masama din." Kunot noong bulalas ni Anj na nag nguso pa ng kaunti. Hindi na siya sinagot ni Teddy dahil hindi nito alam kung paano niya itatago ang namumula niyang mukha sa dalaga.

"FYI hindi ako nagda-drama! Totoo namang nahilo ako eh! Gutom kasi ako, hindi pa kasi ako nagdi-dinner!" Reklamo ni Anj.
"Tumayo ka nga dyan!" Ani Teddy sabay tayo habang nakahanda ang kamay nito na kuhanin ni Anj.
"Bakit?! S'an mo ko dadalhin?!" Itinago ni Anj ang kamay nito sa gilid ng kanyang tiyan at wala itong balak ibigay sa binata nang walang nakukuhang matinong sagot.
"Kakain tayo." Bulong ng Teddy.
"Ano? Kanin?"
"Sabi ko, kakain tayo." Paglilinaw ni Teddy.
Umaliwalas ang mukha ng dalaga pagkarinig kay Teddy. Dali-dali itong tumayo at hindi man lang inabot ang kamay na nakahanda para kunin niya. Lumagpas ito sa nagmala-estatwang binata. Tumigil at lumingong muli si Anj kay Teddy at napa ngiti pa ng kaunti.

"Drama. Halika na nga!"
Hinablot ni Anj ang kabilang kamay ng binata saka ito hinila palayo sa lugar na iyon.
Nagmistulang umaga ang gabi, dahil sa liwanag na bumalot sa dalaga na rumehistro sa mata ni Teddy. Naging minuto ang mga segundong lumipas kasabay ng paglipad ng mga hibla ng buhok ng dalaga. Mahigpit ang pagkakahawak ni Anj sa kamay ng binata. Nararamdaman nito na muling namamawis ang kanyang kamay kaya naman mabilis niya itong hinablot pabalik sa kanya.
"Ang arte mo talaga." Nakangiti si Anj nang saglit itong lumingon sa binata.

~
Hindi alam ni Anj kung ano ang pagkaing kukunin niya, ang daming nakahapag sa Thin Rah o main restaurant ng lugar. Malawak ang variety ng pagkain mayroong seafood, tuna, fusion dishes, salads at siyempre pagkain na pinagmamalaki ng Maldives. Aliw na aliw at pansamantalang nakalimutan ni Anj ang gutom nito dahil sa live cooking ng mga chef na naroon. Kaso kumalam ang tiyan niya sa gutom.

Pinili niya na subukan ang pagkain ng Maldives, pamilyar dito si Anj dahil gata, tuna at curry ang mga sangkap na ginamit sa iba't ibang putahe. Kumuha din siya ng sushi at siomai. Samantalang si Teddy naman kumuha ng malaking hipon na may sawsawan sa gilid at burger and fries. Binigyan sila ng wine na galing pa sa ibang bansa ngunit umiling si Anj at um-order na lang ng fresh fruit shake.

Open air ang interior at parang malaking kubo ang lugar may distansya sa dagat. Nakikita muna sa lamesa nila ang kinang ng dagat dahil sa buwan at maging ang kinang ng mga bituwin. Busog na busog si Anj at halos hindi na niya maubos ang pagkain niya. Tumayo si Teddy pagkatapos nitong maubos ang pagkain niya.

"San punta mo?" Ani Anj na habang nagpupunas ng bibig matapos makainom ng pineapple juice nito.
"Doon sa bar, sama ka?"
"Ayokong umiinom. Dito na lang ako."
Nagpunta na ng bar si Teddy habang si Anj nag stretching sa gazebo habang nakatingin sa malawak na dagat. Mayroong magkasintahan ang naglalakad sa baybayin. At kahit medyo malayo roon si Anj nakikita parin niya ang mga ito. Mag aaway sila, nakita ni Anj na sinampal nang babae ang boyfriend nito.

Nalungkot bigla si Anj nang maalala ang huling pagkikita nila ng ex niya. Ganun din ang eksena nila pero sa highway, sa tapat ng gay bar. Gabi din noon at pinanonood sila ng iba pang bading na nakatambay sa daan. Hindi na inisip ni Anj noon kung ano ang magiging itsura niya, basta nagmakaawa siya pero mas pinili parin nito ang bading. Siyempre nagbunyi yung mga bading, patunay daw na mayroon ding mga bading na nananalo over girls.

"Miss are you okay?"
Natigil ang pagmumuni-muni ni Anj nang may lalaking tumabi sa kanya. Nakasando lang ito at naka board shorts at may hawak na bote ng beer. Tiningala siya ni Anj, at agad na napa-wow si Anj sa kanyang isip. Ang tangkad at ang gwapo ng lalake. Parang morenong artista sa gwapo.
Napanganga at nautal na lang ang naging pagsagot ni Anj. Kulang na lang pumasok yung langaw sa laki ng pagnganga niya.
"Hey Pretty, okay ka lang ba?" Muling tanong ng gwapo.
"Uh. Yeah!" Sa wakas nakagalaw narin si Anj sa segundong pagkaestatwa. "Pinoy ka din?"
"Yeah, half american. Ikaw anong half mo?"
"Wa-wala eh." Nahihiyang sagot ni Anj.

"Meron kaya! Na sa'yo ang half ng puso ko." Lalo pang nilapad ni gwapo ang kanyang ngiti. Nagblush naman si Anj sa narinig niyang iyon. "I'm Hale by the way." Inoffer nito ang kanyang kamay.

Kinikilig namang inabot ni Anj ang kamay niya at nagpakilala.
"Anj. Suits a pretty face like yours." Bahagyang inangat ni Hale ang mukha ni Anj saka ito nginitian. "Are you alone?"
Tila nahypnotize naman si Anj sa mga hirit at tingin ni Hale. "Oo eh." Pero bigla niyang naalala si Teddy. "No! I'm not. I mean yes." Kulang na lang hilingin ni Anj na bigla na lang siyang maglaho roon dahil sa hiya.

"Napasobra ka na ata sa alak Anj." Biro ni Hale.
Todo iling naman si Anj. "I'm not drunk. Meron kasi ako kasama," hinanap ni Anj si Teddy sa bar na pinutahan nito pero hindi niya ito makita. Nilawak pa niya ang tingin at nakita ito na nakaupo kasama ang isang magandang babae. Napataas na lang ng kilay si Anj sa nakita.

"Meron akong kasama, kanina. Pero ngayon wala na." Anito nang maibalik na ang tingin kay Hale.
"Would you mind if I join you?"
"No." Bumaling muli ang tingin ni Anj kay Teddy. Narrowing her eyes focusing on Teddy. "Not at all."

~
"So your name is Teddy. So cute!" Gigil na gigil ang kausap ni Teddy. Americana at sobrang sexy sa suot niyang cocktail dress.
"Yea, Mary is a nice name too." Pangiti ngiting pagsabi ni Teddy bago lumagok ng alak. Kinilig at tumawa naman ang americana saka nakipag toast ng alak kay Teddy.
Kahit na nakatuon kay Teddy ang mata ng americana hindi naman siya makafocus dito dahil kitang-kita niyang nakikipag kwentuhan si Anj sa gwapong kasama nito. Naparami ito ng alak dahil na rin sa nakikita.

Maya't mayang titingin si Anj kay Teddy at ganoon din ang binata. Sadya pa itong tatawa ng malakas para pa-ingitin si Teddy.
Mas ilalapit naman ni Teddy ang upuan nito sa americanang kasama kapag nakita niyang titingin si Anj sa kanya.
Gaganti rin si Anj, ilalapit din nito ang upuan kay gwapong Hale.
Natigil lang ang pag parinigan ng dalawa nang biglang tumayo si Anj na ikinagulat din ni Hale. Namula ang maputing balat nito at nahirapang huminga. Mabilis na tumayo at tumakbo si Teddy papunta sa dalaga. Iniwan niyang magisa si Mary na nabuhusan pa ng alak na matumba. Tinabing niya ang kamay ni Hale na nakahawak kay Anj.

"Allergy." Unang tingin palang alam na ni Teddy ang mga pantal sa katawan ni Anj. "San ka allergic?!" Alalang alala si Teddy.
"Ge-ge-la-tin." Hindi na makapag salitang maayos si Anj dahil namaga na ang throat nito dahil sa Allergy niya.
Mabilis na rumisponde ang mga empleyado ng hotel at agad na dinala si Anj sa pinaka malapit na ospital.

"Are you with her?" Tanong ng isang staff matapos maipasok si Anj sa ambulansya.

"Yes!" Mabilis na sagot ni Teddy.

"Are you her brother?"

Dinako ni Teddy ang tingin niya kay Anj na nakahiga sa loob ng ambulansya at nahihirapang huminga. Malakas ang kabog ng dibdib niya at gusto nitong samahan ang dalaga

"No. I'm her husband."

When Love SucksWhere stories live. Discover now