Touch Down Maldives

632 56 25
                                    

Kitang kita ni Anj ang malawak na asul at kumikinang na karagatan na nakapalibot sa mga maliliit na isla ng Maldives. Aliw na aliw ito sa nakikita kaya naman nagulat ito ng mag anunsyo ang piloto na lalapag na sila. Inayos nitong muli ang seatbelt niya at huminga ng malalim dahil nararamdaman nanaman nito pakiramdam na parang nahuhulog siya mula sa itaas. Mahigpit ang paghawak nito sa kanyang upuan habang pababa na ang eroplano.

Hindi naman maiwasan ni Teddy na mapatingin sa dalaga. Pilit niyang iniiwasan matawa sa nakikitang ka-weirdohang ginagawa ni Anj. Weird iyon para sa kanya dahil sanay na siyang sumakay ng eroplano at hindi niya maalala na naging ganoon siya sa unang byahe niya sa eroplano.

Matapos ang ilang kaba at pagpipigil sa hininga ni Anj, nakalapag na rin sila sa Airport ng Malé, Maldives. Hindi agad nawala ang kaba niya at nakita iyon ni Teddy kaya minabuti nitong kumustahin ang dalaga.

"Ya' good?" Kinalabit niya ito sa balikat para mapansin siya nito. Mahinang tango lang ang naging sagot ng dalaga. "Okay na, nakalapag na tayo." Ipinatong nito ang kanyang kamay sa balikat ni Anj. "Ha oo nga." Mariin na hinawakan ni Anj ang kamay ni Teddy. "Ito kasing friend ko nag send ng movie clip sa'kin. Final destination pala! Baliw talaga!" Pinisil niya ang kamay ng binata.

Sa pagpisil ni Anj sa kamay ni Teddy nakaramdam ito ng biglaang kaba. Hindi lang basta kaba kungdi malakas na kabog ng dibdib na kasabay ang pagpawis ng kamay nito. Mabilis nito binawi ang kanyang kamay. Hindi sanay si Teddy sa 'touchy feeling' sa ibang tao, dahil sa isang babae lang siya naging gano'n at hindi maganda ang kinalabasan.

Hindi na masyadong pinansin ni Anj ang nangyari. Pinilit nitong irelax ang kanyang sarili at kinumbisi na okay na siya at wala ng mangyayaring masama sa kanya. Isa-isa ng magsitayuan at magsilabasan ang mga pasahero ng eroplano.

Sumalubong sa mukha ni Anj ang katamtamang init ng klima at malakas na hangin. Buwan ng Marso at ito na ang buwan kung saan pinaka mainit sa Maldives. Hindi gan'on kainit ang panahon para kay Anj dahil mas mainit sa Pilipinas kumpara dito. Malalaking puno na may malabong na dahon ang nakapaligid sa lugar. At huni ng mga ibon ang sasalubong paglabas ng palapagan.

Hindi nakalimutan ni Anj na kausaping muli si Teddy matapos nilang daanan ang mahigpit na security.

"So, I guess this is goodbye?" Tanong ni Anj na may ngiti sa kanyang labi ngunit may bahid ng lungkot ang kanyang mata.

"I guess." Matipid na sagot ng binata na nakapako ang tingin sa mata ng dalaga. "Saang isla ka ba pupunta?" Dugtong nito.

"Kuredu Island sa Kanuhura Hotel. Iyon kasi yung pinili ni Mama sa'kin. Maganda daw dun. Kaw ba?"

"Dito lang sa Malé, di ako sanay mag bangka." Ngiting sagot ni Teddy.

"Ah ganun ba?" Nalungkot si Anj. "So goodbye na talaga. Salamat ulit Teddy." Saglit itong ngumiti. "Ingat ka ha." Nag alinlangan pa ito kung hahalik o yayakap siya sa binata.

"I-ikaw din. Ingat." Si Teddy na ang saglit na yumakap kay Anj.

Magkaibang taxi ang sinakyan ng dalawa. At bago paman sila tuluyang sumakay dito, muling nagtama ang kanilang mga mata. Winagayway ni Anj ang kanyang kamay habang si Teddy naman sandaling itinaas ang kanyang kamay.

Sabay silang sumakay sa kani-kanilang taxi. Hindi maipagkakaila ng dalawa ang lungkot na kanilang nararamdaman na kitang kita sa kanilang mukha. Nagmistulang mabigat na bato ang kanilang mga dibdib dala ng lungkot. 

At bilang isang daan lang ang daraan ng kanilang mga sinasakyan. Nagkalinya pa ang kanilang taxi. Nasa bandang kaliwa ang taxi ni Anj habang nasa kanan naman ang kay Teddy. Parehas na nagtinginan ang dalawa at parehas din silang pilit na ngumiti sa isa't isa. Ramdam ng dalawa ang lungkot at tahimik na umaasa na sana'y tumigil ang oras. Ngunit naging berde ang ilaw at unting unting gumana ang oras. At sa bawat minutong lumilipas marahan din silang pinaghihiwalay ng pagkakataon. Sa dulo ng daan doon naghiwalay ang kanilang landas. At sa kanilang huling sulyap sa isa't isa bahid parin ang kalungkutan.

Pinilit na isinantabi ni Anj ang nararamdaman at inenjoy nalang ang gandang taglay ng Malé. Kahit masikip ang lugar at puno ng maliliit na gusali maganda at malinis parin ito. Dinala siya ng taxi sa tabing dagat kung saan naroon ang mga katamtamang laki na bangka na maghahatid sa kanya sa kanyang destinasyon. Napakaganda ng panahon na para bang sinadya iyon.

Parang ginuhit lang ng isang pintor ang makikita sa kalangitan na karugtong ng dagat. At sa halos isang oras na byahe ni Anj sa karagatan may mga nakasabay itong mga tropical whales katulad ng spinner whales at blue whales. Maswerte nga raw ang grupo nila Anj dahil agad nilang nasilayan ang mga ito. At sa paglapit nila sa maputing buhangin ng isla kitang kita ni Anj ang mala kristal na kinang ng asul na tubig na sobrang linis na nagmistulang salamin na makikita na ang mga coral reefs at iba pang lamang dagat sa ibaba.

"This place is so beautiful!" Hindi naitago ni Anj ang galak nito sa ganda ng kalikasang sumalubong sa kanya. Isa isang inalalayan ng lokal na bumaba ang mga pasehero ng bangka. Mayroon isa pang lokal ang sumalubong sa kanila at dinala sila sa Kanuhura Hotel. Sa pagpirma ni Anj sa log book naalala nito ang nangyari nang kasama pa niya si Teddy. Muling rumehistro sa isipan niya ang mga ngiti ng binata. Nakaramdam nalang ng pag-init ng mukha si Anj na nagpabalik sa ulirat nito. "Are you okay ma'am?" Puna sa kanya ng receptionist na napansin ang pagpula ng mukha ng dalaga. "Y-yes." Agad umalis doon si Anj pagkabigay sa kanya ng susi ng kwarto niya. Sumakay ito ng elavator at nagtungo sa floor kung saan ang kwarto niya.

"Hala! Namumula ako?!" Anito matapos itong makapasok sa kanyang silid at habang nakatingin sa salamin. "Makapag pahinga nga muna." Humiga ito sandali at nagpahinga, "Ano nang gagawin ko ngayon?" Naisip nito na sana pala nagpa register ito sa mga tourist activities na meron ang lugar katulad nang inalok sa kanya ng kanyang mama. Matigas ang ulo ni Anj at hindi siya pumayag sa gusto nito kahit pa alam nito na maraming siyang nalalaman dahil nagtatrabaho ito sa traveling agency.

"Makapag lakad lakad na nga lang. Sayang ang view!" Tumayo si Anj at dinala ang kanyang DSLR camera. Nagtungo ito sa tabing dagat at walang sawang nag picture ng mga magagandang tanawin. Katulad nalang ng mabuhangin na karagatan, asul na kulay ng tubig, mahabang boardwalk na papuntang gazebo na nakatayo sa ibabaw ng tubig, at magagandang cottages na nasa ibabaw din ng tubig pati narin ang mga nasa baybayin.

"Infairness ang ganda ng kuha ko." Anito habang binabalikan sa kanyang camera ang mga kuha niyang litrato. Biglang lumabo ang paningin ni Anj at mabils nitong kinurap ang kanyang mga mata upang subukang ayusin ang paningin nito. Ngunit bigo siya, lalo lang lumabo ang paningin nito na naging dahilan upang mapaupo ito sa buhangin. May mga turistang sumubok na tumulong sa dalaga at maging mga empleyado. Pero ayaw ni Anj na pagpatulong sa kanila dahil okay na naman daw siya. Sa mga taong nakapalibot sa kanya, may pamilyar na boses siyang narinig,

"Anj?"


When Love SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon