Chapter 11

1K 88 79
                                    

#war4wp

Chapter 11

Like

Tiningnan ko ang relo ko at pinigilan ang inis na nararamdaman.

"Go home," I say flatly. Inangat ko ang tingin ko sa second floor ng mansyon para magkunwaring hinahanap si Agnes kahit na ayaw ko lang talagang tingnan si Boaz.

Because I freaking need to distance myself from him. He messes with my composure.

Ang alam ko, galit ako sa kaniya. Bakit ganito ang reaksyon ko?

"I'm sorry," narinig kong sinabi niya pero wala akong interes sa paghingi niya ng tawad.

I sigh. "Let's talk tomorrow. I'm too tired to deal with you."

And I do not have enough energy to choose my words.

But before I can even take another step, I halt when I accidentally graze him a look.

Nanatili ang titig ko sa gilid ng labi niya nang may mapansin doon. Mapula 'yon at unti-unti nang nagmumukhang pasa.

I tilt my head, wondering what it is.

"Ida. . . Sorry. Hindi. . ." He's stuttering. Halatang sinusubukan niyang humanap ng salita para ipaliwanag kung bakit niya dinala si Joaquin Salustiana sa akin.

But I don't care about that now.

Agad akong lumapit sa kaniya, hindi inaalis ang tingin sa pasa sa gilid ng mga labi niya.

"Hindi ko inasahan na pupunta si Joaquin kanina. Sinabi ko sa kaniyang ayaw mong makipagkita sa kaniya pero. . ."

I raise my hand and I lightly touch the side of his lips.

"Ida."

"Who the hell did this to you?" galit na tanong ko.

Gulat akong tiningnan ni Boaz at agad na umangat ang kamay niya para hawakan din ang gilid ng labi. Napadaing siya nang hawakan 'yon at agad kong sinampal ang kamay niya para palayuin sa sugat niya.

Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Boaz at nakita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa ginawa ko.

"Don't touch it!" galit na sabi ko sa kaniya.

I push him to sit on the sofa. Sumunod naman siya kaagad at tahimik na hinintay kung ano ang susunod kong gagawin.

Agad akong nagpatawag ng kasambahay at nagpakuha ng gamot. Kunot na kunot ang noo ko habang inaayos ang mga gamot na gagamitin. Patuloy kong iniisip kung sino ang posibkeng gumawa no'n sa kaniya.

"Ida. . . Sorry," sabi ni Boaz habang inaayos ko ang gagamitin kong bulak at gamot.

Hindi ko siya pinansin at nilagyan na ng gamot ang bulak.

"Hindi sapat 'yong paliwanag ko. . . pero alam kong kailangan mo ring malaman. Hindi ko na talaga pinagbibigyan si Joaquin kahit pinipilit niya akong tulungan siyang kausapin ka. Nakita niya 'yong pictures natin n'ong birthday ko. . . kaya nagalit siya sa 'kin at—" Agad siyang napapikit nang idiin ko ang bulak sa gilid ng labi niya.

"Shut up."

Nakita ko ang panlulumo niya at tuluyan nga siyang tumahimik.

"I'm not in the right mood to hear your explanation. I'm angry."

Tumango si Boaz at tahimik na hinayaan akong gamutin ang sugat niya. Nasa ibaba ang titig niya dahil hindi niya ako matingnan sa mga mata. Panay pa ang lunok niya dahil siguro kinakabahan sa galit ko.

In Love And War (War Series #4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant