CHAPTER 3: His feelings for her

19 4 0
                                    

AIVAN'S POV...

Search: Macy Joyce Saison

Your search did not match any profiles...

"Damn it!" napadabog nalang ako sa resulta.

Macy's actions keep flashing on my mind. The way she eats cupcake and play with a pen. Ugali ni Monicka ang kainin ang tinapay ng cupcake bago ang icing nito. She also used to continuously click the push button of a pen whenever she was bored at ganun din ang ginagawa ng Macy na iyon.

"Aivan?" sigaw ng isang babae mula sa labas ng kwarto ko. It was my mom. "Are you okay?" siguro ay narinig nito ang pagdabog ko kanina.

"Yeah I'm fine!"

"Bumaba kana kakain na tayo ijo!"

"Yes Mom. Just a minute!" pinatay ko muna ang computer bago ako lumabas ng kuwarto at nagtungo sa dining area.

Tahimik lamang kami habang kumakain at tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig kaya binasag ko ang katahimikan.

"Dad.'' napalingon ang lahat sakin pati na rin ang kapatid kong tahimik na kumakain.

''Yes son?''

''Do you still remember Moni's case?''

Napakunot ng noo si Dad. ''Three years ago pa yun pero oo naaalala ko pa.''

''Sigurado ba kayong bangkay ni Monicka ang nahanap?''

''Son,'' hinawakan ni Mommy ang kamay ko. She is sitting beside me, ''do you still believe that Monicka is alive?''

Hindi ako sumagot.

''Aivan. I'm the investigator of Moni's case before, I investigated it thoroughly and carefully for you,'' Dad sighed, ''and the investigation proves that one of the victims is Monicka. The DNA said so.''

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa narinig at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.

⸙⸙

Macy's P.O.V

"Macy!"

"Macy!"

Dalawang beses akong tinawag ng boses...boses ng babae.

"Sino ka?" tanging nasambit ko. At mula sa dilim ay lumabas ang isang magandang babae. Monicka!

"Macy makinig ka! Ikaw at ako ay iisa!"

"Monicka?"

"Ako nga Macy. Alagaan mo sila, mahal na mahal ko sila!"

Bigla nalang akong nagising pagkatapos ng huli niyang sinabi. Nakatulog pala ako habang naka-upo at nakapatong ang kamay sa lamesa.

"Monicka. Why do you keep visiting my dream? May gusto ka bang sabihin sakin?"

Ilang ulit na akong paikot-ikot dito sa kama dahil hindi na ako dinadalaw pa ng antok. Why do I always end up waking up because of nightmare?

''Ano baaahh!'' bulalas ko at muling napa-upo. Sumandal ako sa headboard ng kama at inabot ang cellphone ko mula sa side table.

I was about to call my Mom when someone knocked at my door. Teka, wala ngayon si Tita Joyce ah? Sino ang nangangatok? Pinasok ba kami?

''Sino yan?'' kinakabahang tanong ko. Agad akong tumayo at lumapit sa nakasaradong pinto. No one's answering.

*Knock*

''Who's that?'' ulit ko. But again, nobody answered. Hindi kaya magnanakaw?

Kinuha ko ang walis tambo mula sa gilid ng cabinet, natatakot man ay binuksan ko ang pinto at agad na inihampas ito sa lalaking nasa labas.

His Innocent GirlWhere stories live. Discover now