07-Searching

105 7 0
                                    

Searching

Lantang gulay ako habang nag lalakad pabalik sa dorm, kainis naman natapos nalang ang unang araw ko na puro kamalasan ang nangyayari.

Ang hirap naman kasi sa school na'to nag sabi ka lang ng totoo mag dudusa kana, hindi pwedeng mag panggap akong gusto ang laro nila pero ang totoo halos antukin na ko dahil sa subrang boring.

Pag sinabi kong subrang ganda at nakaka gaan ang laro nila, hindi lang sa sarili ko ako nag sisinungaling pati rin sa ibang students na napipilitang manuod.

Problema ko tuloy ngayon kung paano ko sisimulan ang pag hahanap ng member ng gang, mabuti sana kung may facebook page sila ng school para mag post nalang dun ng Searching For Member ang kaso hindi ko alam kung meron o wala.

Ang mahirap pa baka mga kulukoy makuha ko wala pa naman akong masiyadong alam kung paano makipag usap ng mabuti, mag isa lang ako sa mansion wala pang kaibigan kaya wala talagang pag-asa na makausap ako ng matino.

"I don't love you anymore cause i never loved you, isa ka lang sa mga laruan na nasa luob ng collection ko so wipes your tears and stop following me."

Pamilyar ang boses na iyon pero hindi ko lang matandaan kung saan ko ba narinig. Kahit naman hindi matalas ang memorya ko marunong akong kumilatis ng boses lalo na pag sa ibang tao.

Tumigil ako sa pag lalakad tumingin muna ako sa paligid bago sinundan ang pinag gagalingan ng sigawan, nag babakasakali na may patayan na namang nagaganap.

Pag silip ko babaeng naka upo sa duyan ang naabutan ko, wala na yung lalaking sumisigaw kanina. Base sa dinig ko kanina nag hiwalay sila iniwan siya ng lalaki.

Bakit naman ganyan lang ang reaksiyon niya? Siguro hindi niya talagang mahal ang lalaki nayun kaya ganyan. Well ganyan ang klasing babae ang kailangan ko, i need a strong one a girl who never let her emotions eat her personality.

"I can live without him, ilang buwan ko palang siya kilala kaya walang mawawala sakin pag bitawan ko na siya." kibit balikat niyang sabi bago tumingin sa kalangitan.

Huminga muna siya ng malalim bago tumayo para umalis. Luh! Mabilis akong tumakbo papuntang deriksiyon niya para habulin ito.

I badly need her for my unbuild gang. Malakas siyang tignan at maganda din ang tindig niya hindi ko dapat sayangin ang ganitong pag kakataon.

Sabi nga nong Fres na candy, Grab the chance kaya talagang iga-grab ko to kahit anong mangyari. Kahit need ko pa siyang habulin.

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nag hahabul kaya ang swerte talaga ng babaeng to hindi din naman ako maeffort na tao pero dahil sa searching member na'to wala na, nasisira na dignidad ko.

I grab her arms and smile at her habang siya nag tatakang naka tingin sakin at sa kamay ko na nasa braso niya.

"Hi? Pwede mag tanong?" panimula ko.

Kinalas ko ang pag kakahawak sa kanya dahil muka siyang natatae, maybe i made her uncomfortable lalo na't hindi niya ko kilala pero hinawakan ko na siya ng ganon.

"Anong kailangan mo?" tanong niyang sagot sa tanong ko.

"Are you from Mercury section?"

Tila nag iba ang timpla ng muka niya dahil sa tanong ko. What? May mali ba sa tinanong ko? Wala naman akong masamang sinabi diba?

"Bakit mo natanong? Yes i'm from Mercury okay na? Pag tatawanan mo din ako gaya nila? Natanggal ako sa Gang dahil bumaba ang grades ko at tinapon ako sa Mercury!" gigil niyang sigaw.

Kumurap kurap ako habang naka titig sa kanya na hinahabol ang kanyang hininga. How fucking dare her to shout at me? Kung hindi ko lang siya kailangan baka dito ko na siya mismo pinatay.

She should be thankful dahil mas nanaig sa tinga ko ang sinabi niyang nakick siya sa Gang, so she's a gangster? Well done Amanda ang galing mong pumili. For sure hindi na ko mahihirapang sanayin siya.

"Do you want to join my Gang? Hindi ko ikakahiya na may member akong Mercury kasi Mercury din naman ako at mga ganong member ang hinahanap ko." ako.

Mahina siyang tumawa bago nanunuyang tumingin sakin. "Katatapos ko lang diyan kaya pass lang muna ako mag hanap ka nalang muna ng iba."

Tumalikod siya sakin at ambang lalakad palayo ng bigla kong hatakin ang kamay niya. Wala na kong ibang choice kundi ang sabihin ang mga to kahit naman alam kong hindi sa lahat ng oras effective pero baka pumayag siya ng dahil dito.

"Talaga bang ganon ganon lang iyon? He left you remember? Imbakin mo lahat ng sakit sa mga sinabi niya. Alalahanin mo kung ano ang mga sinabi niya sayo kanina lang at isipin mong pag hihiganti lang ang susi para mawala ang sakit nayan."

Para akong si Satanas kung maka bulong sa tinga niya, ramdam ko ang galit at gigil niya dahil sa nakikita ko na ang nag sisilabasang ugat sa mga kamay niya.

That's it, ganyan nga magalit ka para makuha ko ang matamis mong Oo at masimulan ko na ang pag hahanap ng iba pang myembro.

Ang galit mo ang mag sisilbing tulay para makuha ko ang mga gusto ko, para malaman ko ang mga kailangan kong malaman at makaalis sa lugar na'to.

"Tutulungan kitang mag hanap ng magiging myembro mo pero hindi ko pa sigurado kung makakasali ako, kahit dati akong gangster walang ibang ginawa ang grupo namin kundi linlangin ang kalaban at atakihin ito ng patalikod." saad niya bago dahan dahan na umupo pabalik sa duyan na inupuan mo kanina.

"Basta tutulungan mo ko tutulong din ako hanggang sa makakaya ko, ako ang bahalang mag turo kung paano lumaban ng patas basta ikaw ang mag hanap ng myembro na madaling turuan at marunong umintindi, mga taong maaasahan at hindi tayo tratraydurin."

Tumango tango siya bago tanggapin ang kamay kong iniabot sa kanya. Nauna akong umalis para umuwi at pag planuhan kung ano ang mga ituturo ko bukas.

Binigyan ako ng isang buwan para turuan ang mga members na lumaban, manalo at makamit ang rango.

Mabilis akong pumasok sa elevator at pinindut ang top floor, dapat may magawa na akong planner bago mag gabi dahil alam kung aantukin na ako pag nag kataon.

Mission number one, searching for new member. Successed!

Gangster Series 1: School of GangstersWhere stories live. Discover now