16-Agree

76 5 0
                                    

Agree

Bagsak ang tumutulo niya pang buhok halatamg kagagaling palang sa banyo para maligo.

Bakit parang ibang iba naman ang itsura niya kaysa sa lalaking nakita ko nong isang araw na kasama ni Govannie.

"Can't you read this sign?" turo niya sa karatula. "Gusto mo na bang mamatay ha?"

Ang angas mo naman pre? Yan ang gusto kong sabihin pero nag bago ang isip ko nong maalalang may pinatay siyang tao sa likod ng building nong unang araw ko dito.

"Hindi mo ba muna ako papapasukin?"

Tinaasan niya ko ng kilay bago tignan mula ulo hanggang paa at niluwagan ang pag kakabukas sa pintuan niya.

"What do you want? Why are you here? Who are you?"

Hindi ko alam kung alin sa mga tanong niya ang una kong sasagutin, ganon ba dapat? Sunod sunod muna yung tanong? Can't he see? Hindi pa nga ako halos makaupo.

"Hinay-hinay naman sa dami ng tanong mo mas gugustohin ko nalang ang lumabas kaysa sagutin lahat ng yan," sumbat ko dito. "First, ikaw ang sadya ko. Second, may gusto akong hinging pabor sayo. And lastly, I'm Amanda Vens but you can call me Amanda."

Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos kong sabihin lahat ng sagot sa mga tanong niya bago maupo sa isang single sofa.

Kung maluwag ang dorm ko di hamak na mas doble ang luwag nito, mukang mamahalin lahat ng gamit at mga paintings na nakasabit sa pader.

Hindi na nga dapat ako mag tataka dahil lahat ng mga Saturn Students ganito ang ayos ng gamit dahil bawat parangal na natatanggap nila may natatanggap ding gifts.

"----sayo.. Are you listening?"

Hindi ko namalayan na dahil sa pag hanga sa mga nakikita hindi ko na pala namalayan na kanina niya pa ako kinakausap.

"Ano nga ulit ang sinasabi mo?

"Ang sabi ko kung hindi importante ang sadya mo umalis kana dahil ayokong mainvolve sayo," pag uulit niya.

Nag tataka naman akong tumingin rito. "Bakit ba lahat kayo ayaw mainvolve sakin? Muka ba kong may criminal record ha? Ang linis kaya lahat ng record ko."

"Pero school record hindi."

"Wow ha, nag salita yung may mga pinatay sa likod ng building."

Matik na napatabon ako ng bibig dahil sa pag kakadulas, mukang hindi na ko makakaalis ng buhay sa dorm na to hindi dahil sa patibong kundi dahil sa pag kitil ng buhay ko nitong lalaking to.

"Anong sabi mo?" para akong tinakasan ng dugo dahil sa biglang pagiging seryoso ng boses niya.

Hindi na ko nag balak pang mag salita dahil pag mag salita pa'ko hindi ko na alam kung mapipigilan ko paba iyon.

"Ano ang mga nakita mo?" pag lapit nito sakin.

"I-i saw you pinapatay mo yung mga almost dead persons sa likod ng building," napiyok pa ko dahil sa kaba.

Narinig ko ang soft laugh nito bago umalis sa harap ko at bumalik kung saan siya kanina nakaupo.

"Dapat sekreto lang yun pero alam mo na ngayon, ayokong kumalat ang lahat lalo na pumatay ako hindi sa Arena at walang gang fight."

Parang may malaking bumbilyan nag liwanag sa utak ko dahil sa mga sinabi niya. Darn! Magagamit ko ang mga yun panakot sa kanya at para din makuha ko ng mabilis ang sagot niya.

"Well, kung ako sayo matatakot na ko dahil sa subrang ingay ng bunganga ko marahil makakarating agad to sa iba pang mga students dito."

Nanlaki ang mga mata niya ngingisi na sana ako dahil akala ko kakagat siya sa mga sinabi ko pero wala ako, me make face and laugh loudly na para bang isa akong big joke o joker na nag papatawa sa harap niya.

Naging seryoso ang muka niya bago itaas ang isang kilay. "Subukan mo ng mag kaalaman tayo," umayos siya ng upo bago balingan ako ng kakaibang tingin. "What do you want from me? Want to be my new girl? I'm sorry hindi pa ko nakakamove on."

HAHAHAHA

Hindi ko alam pero naging malakas ang tawa ko dahil sa sinabi niya. Muka bang nandito ako para maging babae niya? Yucks!

"Nandito ako para kay Odeza gusto niyang makalaban ka sa coding at video games ata, nakasalalay sa pag payag mo ang pagiging kompleto ng grupo namin kaya kung akala mo nakikipag biruan ako sayo about don sa crime na ginawa mo, then try me bro. Try me ng malaman mo ang mga kaya ko," mahaba kong salaysay dito bago tumayo at pag-pagan ang sarili.

Kumaway ako dito ng patalikod at dinahan dahan lang ang pag lalakad para marinig ang magiging tugon niya sa sinabi ko.

"Kailan?"

Sumingkit ang mga mata ko bago nakangiting humarap dito.

"Kailan ko siya makikita para matapos na to at hindi na maexpose ang kagaguhan ko?"

Pumalakpak naman ako dahil sa sinagot niya, ito ang mga gusto ko yung hindi tumatanggi at puro laban lang.

"Mamayang six ng hapon sa science laboratory si Summy ang bantay don kaya safe."

"Why are you doing this?"

"Doing what?"

Tinaasan niya ko ng kilay bago umiling iling at binuksan ang beer in can na kanina ko pa tinitignan, ang buong akala ko display lang ang mga iyon kaya hindi ko ginagalaw.

Nilahadan niya ko pero tinanggihan ko lang ito. "Umalis kana bago pa malaman ni Chase na nandito ka baka mapatay ako non nang wala sa oras."

Kahit hindi naiintindihan ang ibig niyang sabihin at kung bakit lagi nalang nadadamay ang lalaking nasa office kanina tumango nalang ako bago lumabas.

I called Summy and ask her to pick me dahil hindi ko alam kung anong daan ang pupuntahan ko, kung saan liliku at papasok.

[Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan? Alam mo naman na nasa building nayan ang gagong yun tapos gusto mo pang kunin kita diyan?]

"Wala siya dito dahil hindi ko naman nakita, hindi ko kasi alam kung saang lupalup ako iniwan ni Govannie eh!" pag mamaktol ko.

[Pano pag bigla na naman siyang dumating na parang kabute like before?!] inis niya.

"Pag sinabi kong hindi, hindi kaya puntahan mo na ko kung ayaw mong sampalin kita pag mag kita tayo. May good news din ako sayo kaya bilisan mo."

I ended the call tapos nag hintay kung nasan man ako ngayon. Ang ganda ng paintings na to hindi ko alam kung pano siya ginawa pero for sure maganda din ang story behind this paintings.

Maya maya lang dumating na ang hinihingal na si Summy kasama si Ethel na masama ang tingin sa akin.

"May good new ka daw?" Bored na tanong nito.

"Oo nga master sabihin mo na, kapagud kaya pumunta dito lalo na kung maingay ang kasama mo."

"Wow ha! Ako pa talaga ang maingay! Ihampas ko kaya sayo itong sapatos kong may takong?!"

Pumikit ako dahil sa kaingayan na naman nila, jusko wala ng pahinga ang tinga ko mula kanina hanggang ngayon.

"He agree!"

Natigilan sila sa sinabi ko.

"He what?" Summy.

"Pumayag siya, si Frank pumayag sa gusto ni Odeza."

Tila naging isang malaking hudyat ang sinabi ko para mag yakapan ang dalawa at sunggaban din ako ng yakap at sinali sa kanila.

Damn, hindi ko alam na ang pananakot na iyon ang magiging dahilan ng pag payag niya, ang hihintayin nalang namin na amani samin ang panahon at payagan kaming maging kompleto bago pa matapos ang buwan na ito.

Gangster Series 1: School of GangstersWhere stories live. Discover now