11-Hacker

111 5 0
                                    

Hacker

"The fuck are you doing?! Pag malaman ni Odeza itong ginagawa natin baka sakalin ako non!"

Ngumisi lang si Summy bago pinag patuloy ang ginagawa sa computer, she's doing everything para lagyan ng virus ang computer ni Odeza, isang hacker na kaibigan ni Ethel.

Odeza Manuel, our last choice siya nalang ang kulang para magawa na namin ang training na pinag planuhan ko.

"Easy, ako naman ang haharap pag malaman niya," Summy smirk.

Tahimik ko lang na pinapanuod ang dalawa at pasimpling sinukunan ng litrato, need ko to para sa album na hinihingi ng propesor.

Nong isang araw lang may nakausap akong propesor, sinabi niya sakin ang mga kailangan gawin at dpaat unahin para bumuo ng malakas na grupo.

At kung nag tataka kayo kung bakit niya ko pinag sasabihan ng ganon isa lang naman siyang kaibigan ng aking lolo. Hindi man kapanipaniwala pero iyon ang sinabi niya.

"Shit! Mission accomplished! HAHAHA tanggal angas nitong Odeza pag makita niya nangyari sa files niya."

Tumayo ako para tignan kung ano ang ginawa ni Summy sa mga files ni Odeza, natawa nalang din ako ng makitang pinalitan niya ng mga nudes picture at videos ang mga laman ng files.

May nabasa pa kong files name na 'School Purposes' pero mukang napalitan narin ang laman ng mga yun.

"Siraulo ka talagang babae ka," ani ni Ethel bago mag walk out.

Ngumiti lang si Summy sakin bago bumalik sa pag kalikot ng computer niya, hindi ko alam na sa galing niya sa computer hindi siya sumasali sa ibang mga club na related sa computer or coding.

"Bakit?" biglaan niyang tanong sakin.

"Anong bakit?"

"Bakit ganyan ka makatingin sakin? May gusto ka bang sabihin o itanong?"

"Ang balita ko hindi ka masiyadong active sa mga gawain bilang officer?"

Natigilan siya sa tanong ko.

"Sino naman nag sabi sayo?"

Nag kibit balikat lang ako at bumalik sa kinauupuan ko kanina, kung ayaw niya sa tinanong ko pwede naman siyang tumahimik nalang at di mag salita.

"Can you do me a favor? Gusto ko ng tumigil sa pagiging muse, wala naman akong ibang ginagawa eh hindi din naman tinatanggap ni Pres ang mga suggestion ko."

"Ano naman ang matutulong ko sayo? I'm just an ordinary human being," biro ko.

She laugh and hit me, wow naman feeling close yan? Batukan ko din kaya to ng malaman niyang masakit mabatukan ng walang dahilan.

"Stop glaring at me! I want to ask you if pwede mo bang palitan lang muna ako bilang muse? Maganda ka naman, matino at mukang malakas ka. Magagawa mong suwayin ang president sa ano mang masamang gusto niya," she said.

No, ayoko dahil hindi iyan ang plano ko wala akong planong pumasok sa pagiging officer at kung mag kataon man gusto ko yung pinag hirapan ko mismo, yung dahil sakin.

Ang plano ko talunin ang unang rango hindi ang mag laro sa opisina at mag kunwaring mahina.

"Hindi ko matatanggap yang offer mo, gusto kong pabagsakin ang unang rango bilang isang gang leader hindi bilang isang officer," sagot ko.

"Pag isipan mo muna," saad niya bago ako iwan.

Mag isa nalang ako dito sa lobby at nag iisip-isip kung ano ang mga susunod na gagawin, mabilis lang lumipas ang oras, minuto, segundo kaya pag hintayin ko lang na dumating ang tamang panahon without doing anything walang mangyayari.

Niligpit ko na ang computer na ginamit nila kanina, pinasok niya nga sa bag pero hindi naman sinarado.

Binalik ko ito sa dating lalagyan bago ayusin ang ibang upuan para pumuntang mall at mamili ng pwede gamitin o mga kailangan.

"Ikaw ba ang nag lagay ng virus sa mga files ko?! How fucking dare you?!"

Biglang tumabingi ang pisngi ko dahil sa isang malakas na sampal na bigay ng isang babaeng hindi ko naman kilala.

Who the fucking fuck is she? And why did she do that?! Bakit niya ko sinampal, eh, hindi ko naman siya kilala?!

Galit ko naman siyang binalingan ng tingin bago dilaan ang dugong nasa labi dahil sa sampal niya, fuck. Her slap is strong as fuck

"Who are you?" malamig kong tanong.

"Una kitang tinanong kaya sumagot ka ng maayos," balik niya sakin.

"Deserve mo ba?" sarkastiko kong tanong bago tumawa ng malakas.

May narinig akong kalabog mula sa pintuan at  niluwa non ang dalawang nag babangayan habang nag tutulakan.

Isip bata!

Parehong natigilan ang dalawa ng nakita ang galit kong muka at ang babaeng nakatalikod sa kanila. Fuck, huli na kayo nasampal na ko!

"H-hi Odeza my friend," awkward na bati ni Ethel sa babae.

Agad namang lumingon ang babae sa kanya bago nag tatakang tumingin sakin, tsk. Si siya si Odeza? Wala namang nakakapag sabi sakin na malakas pala siyang sumampal.

"What are you doing here Ethel?" the girl named Odeza ask.

"Ikaw? W-what are you doing here? Ha?" feeling inosente na tanong nito.

"That fucking bitch ruin my files. Don't tell me na kilala mo ang babae na to?"

I tsk bago lumapit sa gawi nila at mahigpit na sinipitan ang tinga ni Summy, damn because of her nasampal ako at nasugatan ang labi ko.

"Edi wag mong sabihin, and to inform you hindi ako ang sumira ng files mo. See this girl? Siya ang may kasalanan so how fucking dare you?! Get out!"

Nanlaki naman ang mata niya bago masamang tumingin kay Summy na hawak ko parin hanggang ngayon.

"Hi, i'm Summy. Peace tayo ha?"

"Tangina mo asan na angas mo ha? May pa iharap mo siya sakin kapa kanina ha?" Ethel.

"Mukang masakit sumampal eh, tignan mo pumutok ang labi ni master," bulong nito pabalik.

Mas hinigpitan ko pa ang hawak sa tinga niya bago siya iharap sa nagagalit na si Odeza.

"Why did you do that?" medjo kalmado niya nang tanong.

Wow ha, yung sakin tudo sigaw tapos wala pang pag dadalawang isip na sinampal tapos kay Summy na siya naman talaga ang gumawa kalmado? What the fuck?!

"Si Ethel! Siya nag sabi sakin na pag sinira namin file mo ikaw na mismo mag hahanap samin," nguso niyang paninisi.

Mag sasalita pa sana siya ng pigilan ko ito, walang magandang kalalabasan to pag puro pag uusap lang. Masasayang ang oras pag puro lang sila alitan.

"Join our gang," out of the blue moon kong sabat.

Tinaasan lang ako nito ng kilay bago ako ikutan ng mata.

"What?!" tanong nito.

"Join our gang, we need a great hacker."

Nilagay ko sa table ang calling card na ginawa ko kanina lang, nakita kong tumingin siya doon pero hindi niya parin ito kinukuha.

Ayokong mamilit ng tao kaya kung tumawag o mag text siya ibig sabihin sasali siya, pero kung hindi mag hahanap ako ng taong mas alam kong magaling kaysa sa kanya.

Gangster Series 1: School of GangstersWhere stories live. Discover now