Chapter 6

1 0 0
                                    

I woke up with no cael in my side, baka nasa trabaho. Pupunta na lang ako mamaya, isusurprise ko.

Naligo ako at nag suot lang ng simple white dress. Bumaba ako at nakita si manang na nag hahanda ng makakain.

"Manang, you should eat that na lang po. Sasabay na po ako kay Cael, sa office na lang po ako kakain," i said

"Oh sya, kayo talaga. Hinire nyo pa ako hindi naman kayo nag sisikain dito," reklamo ni manang.

"Naku loli! Tayo na lang ang kumain at isipin na date natin to!" ani ni mang robert.

Inirapan sya ni manang loli at natawa naman ako sa kanila, kahit silay may edad na eh para parin silang mga teenager. Kami naman ni Cael ang tumatanda.

Nag grab lang ako papunta sa office dahil ayoko abalahin ang date nila mang robert. Nang makarating ako ay binati ako ng gwardya at tumango lang ako sa kanya.

"M-Mam! buti po at naka dalaw kayo!" bati ni grace sa akin ang secretary ni Cael, hindi ko na sya muli pang pinagsalita at pumasok na da opisina ni Cael.

Nalula ako ng nakita kong nag hahalikan silang dalawa, Napatingin sa direksyon ko si Cael at itinulak si chiya palayo sa kanya.

Nginitian ko sila ng pagtamis tamis na akala mo'y ayos lang ako at hindi nasasaktan. Pinipinigil ko ang mga nag babadyang luha sa aking mata.

"P-Pasensya n-na. . . A-Akala ko walang tao. . ." naiinis ako sa sarili ko dahil nautal utal ako

Tumalikod ako sa kanila at nag mamadaling mag lakad sa elevator ng bumukas ito ay papasok na sana ako ng elevator ng hawakan ni Cael ang pulsuhan ko. Hinarap ko sya at nginitian

"U-Uh... Una na ako Cael ha, uhm m-mamaya na lang," sagot ko dito at hinila ako pulsuhan ko at sumakay sa elevator

Wag ka iiyak please, wag dito. . . Wag sa harap ng maraming tao, please.

"Wag kang iiyak sa harapan nila Dorothea, iisipin nilang mahina ka." paalala sa akin ni Daddy.

Nag lakad ako ng Nag lakad hanggang sa makarating ako sa palagi kong pinupuntahan, sa harap nito ay may bangin at may puno na may nakasabit na swing.

Tumayo ako sa harap at bangin at tuluyan ng napaluhod

"Ahhhh! Ang sakit sakit na!" sigaw ko na akala mo'y may makakarinig sa hinanakit ko.

"Dyos ko, ano ba ang nagawa ko at bakit nyo pinarusahan nyo ang isang kagaya ko?! Nag mahal lang naman ako ng isa sa mga ginawa nyo!" sigaw ko ulit.

Hunagulgol ako ng humagulgol hanggang sa hinabol ko ang aking hininga. Lahat yata ng hinanakit ko ay inilabas ko sa lugar na ito simula ng pinanganak ako.

Ilang oras na yata ako dito sa lugar na ito at nakita kong mag gagabi na, tumayo ako at inayos ang sarili. Kinuba ko ang telepono ko at tiningnan ang mga missed calls nila

You missed a call with Cael💗 (40)
You missed a call with Manang loli (24)
You missed a call with Mother in law (12)

Cael 💗

Where are you?

Adel.

Answer my calls please.

Pati si tita ay nag aalala sa katangahan ko. Sumakay ako ng grab at umuwi na. Nakita ko ang nga nakaparadang mga sasakyan sa gate namin. Anong meron?

Pumasok ako sa loob at nakita ko ang mga taong na nakatayo at paikot ikot, Napako ang atensyon nilang lahat sa akin at nginitian ko naman sila.

"Jusko, Thea anak saan kaba nag punta. Halos halughugin na namin ang buong pilipinas kakahanap sayo!" sabi ng mama ni Cael at niyakap ako.

"Sorry po, Nakauwi naman po ako ng buhay haha. Wag na po kayo mag alala."
sagot ko, nakaramdam ako na parang may mga patalim na nakatingin s akin kaya sinundan ko ito at nakitang naka tingin si Cael.

Nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay lumambot ang kanyang tingin na akala mo'y humihingi ng tawad gamit ang mga mata nya. Pagod ko syang nginitian kaya umiwas sya ng tingin.

Napatingin sila sa amin ni Cael, "Nag away na naman ba kayo ni Cael, Thea? sya na naman ba ang may gawa?" tanong ni tita

Balak na sanang mag salita ni Cael ng unahan ko sya,
"Hindi po, mag papalit na po muna ako,"
sagot ko at tinalikuran silang lahat

Umakyat ako sa kwarto at naligo, sinuot ko ang pajamas ko at lumabas sa banyo. Nakita ko si Cael sa kama at nakaupo habang nakayuko at hawak ang kanya ulo.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya at umiling sya.

"How are you?" tanong nya na syang kinatigil ko kakablower ng buhok.

"Ayos naman ako. . . Kumain ka na tapos tulog na tayo hmm?" saad ko dito at tiningnan nya ako na punong puno ng awa kaya nginitian ko sya.

Humiga ako sa tabi nya at nakatagilid paratalikuran sya, mabili akong nakatulog dahil sa pagod.

Bago ako nakatulog ay nakaramdam ako ng may humalik sa aking ulo, "I'm sorry"

Married to HimWhere stories live. Discover now