Kabanata 12 - Tamis na Pag-ibig

18 6 0
                                    

ERIKA ROMULO'S POV

Noong matapos ang klase namin ay naglalakad na kaming dalawa ni Akane palabas ng unibersidad para kami'y umuwi sa aming mga bahay. Habang ganoon ay nag-uusap kami tungkol sa nililigawan niya, hindi niya nabanggit kung sino kahit ang pangalan ng nanliligaw sa kanya. "May nanliligaw na pala sayo?" Tanong ko sa kanya ngunit tumango na lamang ito ng tahimik bilang kanyang sagot. "Saan mo nakilala ang nililigawan mo?" Tanong ko pa sa kanya.

Dahil sa tanong ko sa kanya ay tumahimik na lamang siya, hindi makasagot at nakayuko ang ulo niya habang naglalakad. Tumaas ang isang kilay sa kanya kung bakit hindi siya makasagot sa tanong ko. "A-akane?"

Hindi talaga makapagsalita si Akane sa akin, ni kahit bulong o isang salita ay wala siyang tinugon o sinagot.

Mamaya-maya, may isang lalaki na tumawag sa pangalan ng Bestfriend ko. "Akane!" Narinig ko ang sigaw niya at ako'y lumingon doon ngunit biglang naglakihan ang aking mga mata sa aking nakita, hindi ko alakaing pumunta siya rito para tawagin niya ang aking bestfriend.

"At bakit na naman nandito, aber?" Lumapit ako sa lalaki na nasa harapan namin at tinuro ko siya habang nakangisi lang ito sa ako. "Ako ba ang hinahanap mo?"

"Si Akane ang inaabangan ko rito," sagot naman ng lalaking kausap namin. "Nga pala Erika, ako na ang humihingi ng pasensya sa nangyari noong nakaraan dahil nadala ako ng galit noong nakita kita, paano ba naman kasi eh nagpawala ka ng counter attack." Nagawa pa niyang

"And so, Akihiro Landez?" Si Akihiro nga ang kausap ko ngayon.

Kaagad pumunta si Akane sa tabi ni Akihiro at humarap naman siya sa akin. Wala akong ideya bakit pumunta si Akane sa tabi ng lalaking ito.

"Erika, siya ang lalaking nanliligaw sa akin," sagot ni Akane bilang kanyang paliwanag.

Bumuka bigla ang aking bibig at lalong naglakihan ang aking mga mata sa sinabi ni Akane dahi si Akihiro ang tinutukoy niyang nanliligaw sa kanya. "Nagpapatawa ka ba, Akane?!"

"Erika, paumahin kung ngayon ko lang ito sinabi." Pumikit ang kanyang mga mata at ang kanyang kamay ay nakalagay sa kanyang gitnang dibdib. Humarap si Akane kay Akihiro at pinanood ko na lamang silang dalawa. "Saan ba tayo mamasyal?" Humarap si Akane kay Akihiro at bakas sa kanyang wangis ang kasiyahan. Tumahimik na lamang ako habang pinapanood ko silang dalawa na halos mag-asawa na ang turin nilang dalawa.

"Sa Bay Area tayo, Akane?" tanong naman ni Akihiro bilang kanyang pag-anyaya kay Akane.

"Gusto ko roon dahil maganda ang tanawin roon marahil napakaganda ng baybayin lalo na't papatak na ang takip-silim," ikinatuwang wika naman ni Akane. "Ako'y nasasabik na makakasama kita sa isang lugar na ating gusto," karagdagan pa ni Akane habang bakas pa rin sa kanyang mukha ang kanyang pagiging masaya.

Kaagad na lamang tumakbo ako palihis sa kanila at daling lumayo para makaalis na, iniwanan ko na lamang silang dalawa sa kinaroroonan nila dahil ayaw ko pang makita ang pinaggagawa nila.

Habang tumatakbo ay naaalala ko ang lahat noong araw na magkasama kami ni Akihiro. Ako talaga ang nag-adjust para sa kanya pero ako pa pala ang sumuko. Kasalanan ko talaga ito dahil makasarili ko at uto-uto akong tao, nasaktan ako ng tao dahil sa ginawa ko. Mukhang tama nga siya, nagpauto nga ako sa nanay niya at sumuko ako kaagad kahit pinaglalaban pa niya ang pag-iibigan noon.

"Hindi!" Kaagad huminto ako sa sidewalk na walang tao. "Bakit nga pala ganoon ang iniisip ko eh siya lang naman ang may kasalanan kung bakit magkahiwalay kami, siya nga... BASTA! Ayokong mangyari kay Akane ang naranasan sa akin."

"Papatunayan ko na manloloko si Akihiro." Kaagad hinawakan ko ang Necklace ko. Lumingon-lingon ako sa kung saan-saan para makahanap ng taguan. Hanggang sa may nakita akong madilim na eskinita kaya't nagpunta ako dokn at pumasok. Kaagad na pinindot ko ang button sa Necklace na hawak ko at naging si Fanatic Girl muli ako. Mabuti naman ay walang nakakita sa akin. "Akane, huwag mong sasagot si Akihiro kung ayaw mo masaktan." Kaagad lumipat ako paitaas para hanapin silang dalawa. Si Akihiro ang manloloko at hindi ako, ako na nga nagbigay ng lahat pero siya pa ang ganoon.

Reconnect The Bond [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon