Kabanata 17 - Ang Pagbuo

16 5 0
                                    

ERIKA ROMULO'S POV

Halos hindi na kaibigan ang maituturin ko kay Akihiro sa sobrang tagal na pinagsasamahan naming dalawa. Parati niya akong nililibre ng pagkain at minsa'y rosas pa sa buong Libertad. Pinagkakamalan kaming magkasintahan sa kung ano ang trato naming dalawa.

Sa una ay hindi ko siya maintindihan dahil sa sobrang sungit at ang lakas makipag-bardagulan ito sa akin. Ngunit noong tumagal, nakikilala ko siya lalo. Nalaman kong may pinagdadaanan siya noong nasa dati niyang paaralan, nakaranas ito ng bullying at diskriminasyon dahil sa kanyang kutis. Para sa akin, wala naman ako problema sa kanyang kutis dahil hindi naman ito malaking bagay.

Dahil sa kanya, unti-unting humihinto ang dark side ko at mas gugustuhin ko pang makasama si Akihiro kaysa sa kung ano ako noon bago ko siya makilala. Mas gugustuhin ko pang makasama siya kaysa sa ginagawa ko tuwing gabi. Siya lang ang naging dahilan bakit hininto ko ang mga bagay na hindi puwede at ikakasira ng aking imahe.

****

Enero, 1989...

Back to school na ulit namin dahil sa Christmas and New Year holiday week, hindi dumalo si Akihiro sa Christmas Party due to bumalik siya sa QC para roon sila magdiriwang ng pasko nila. Hindi ko na lamang pinilit pa si Akihiro dahil pamilya niya ang makakasama niya at nakikita kong masaya siya roon kaysa sa dumalo sa Christmas Party namin.

Dahil walang project na iniwan ang mga teacher namin at tanging ako lang ang nag-iisang estudyante sa silid namin, balak kong gumawa na naman ulit ng Penpal kay Akihiro.

Ngunit noong pagkakuha ko ng papel at ballpen, dumating ang isang lalaki sa silid. "Erika..." pagbungad niya.

Lumingon ako sa lalaking iyon at hindi ko akalaing si Akihiro pala iyon. Dito na naman buo ang araw ko. New Year na new year ay buo na kaagad ang araw ko.

Nakangiti lang si Akihiro sa akin at sabay umupo siya sa tabi ko. "Ang aga mo naman, Erika," ngiti niyang wika. "Ikaw ah! may binabalak kang ka-sensoran rito sa school ah?" saad pa ni Akihiro na mayroong ngisi.

"H-hindi ah!" sagot ko naman habang ako'y na-uutal sa pagsasalita. "Hindi ako ganun rito, Akihiro."

"Ay sus! Kunwari ka pa, Erika. Tapos iimagine mo ako habang gumaganoon ka?" Ang tapang ni Akihiro na sabihin niya ito sa akin. Hindi ko alam kung sadyang ganito si Akihiro sa magiging taon na ito. "Erika, Bad yan!" hagikgik pa ni Akihiro sa akin.

"Ano pinagsasabi mo, Akihiro?"

"Pero infairness ang cute mo ngayon," kaagad niyang wika at bigla na lamang akong tumahimik at namula ang pisngi ko nang marinig ko ang sabi ni Akihiro sa akin. Bumibilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa kanya. "Erika, may kamukha kang artista."

"Si Alice Dixon ba?" ngiti kong sagot.

"Yeap!" Nilapag ni Akihiro ang kanyang bag sa upuan nasa tabi ko at rito siya umupo. "Lamang lang siya sa ka-sexyhan pero kung cute ang pag-uusapan eh ang layo ng akwat ninyo between you and her," ngiti niyang wika.

"Akihiro, huwag akong bolahin," kaadga kong sagot habang ako'y tumatawa at halos manginig na ang aking katwa sa mga narinig ko. "Hulaan ko, may gusto ka sa akin, 'no?" kaagad kong tanong sa kanya at tumahimik na lamang si Akihiro habang nakatitig siya sa akin. "Akihiro, totoo ba?"

"Hindi ako pumapatol sa pokpok," ito ang kanyang naging sagot kaya biglang sumabog ang katawan ko sa sobrang inis.

Napatayo ako bigla at biglang naiba ang pakiramdam ko nang marinig ko iyon. "ANG LAKAS MONG MAMBOLA KANINA SA AKIN TAPOS NANG-ASAR KA NAMAN NGAYON!!!" sigaw ko kay Akihiro ngunit tumawa naman si Akihiro dahil sa akin. "ANO TINATAWA-TAWA MO? GUSTO MO BA MAG-ASAWA?" sigaw kong tanong.

Reconnect The Bond [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon