1

518 7 0
                                    

- Jhoana -


"Umagang umaga naka-simangot ka, Ate." Jaja said.


"Paanong hindi ako sisimangot kung ang unang balitang malalaman ko ay makakasama ko sa Ateneo yung gunggong nating kababata."

"Oh, di ka pa ba nakaka-move on? Tagal na nga natin di nakikita si Ate Bei. 3 years na. Hanggang ngayon ba naman magkaaway pa din kayo?"

"Ja, buong pagkabata natin hanggang mag-highschool, walang ibang ginawa yung bwisit na yon kung hindi asarin ako. Sinabihan pa akong bubuntisin nya daw ako. Gagong yon kala mo nakakabuntis talaga."

"Malay mo, crush ka pala kaya ka laging inaasar. Tsaka nakakabuntis naman ata yon. Pogi eh."

"Gaga! Paanong makakabuntis daliri non? Baliw ka ba?"

"Ay! Ayan. Lagi kasi kayong magkaaway kaya di kayo nakakapagkwentuhan. May alam akong di mo alam."

"Ewan ko sayo. Bwisit." sagot ko kay Jaja para matapos na ang usapan naming dalawa.



Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ng kapatid ko. Masyado nyang kinakampihan yung asungot na Bea na yon.


Simula bata pa kami, wala na talagang ginawa ang Bea na yun kung hindi asarin lang ako. Bastos pa at napakayabang kaya asar na asar ako tuwing nakikita ko sya or kahit naririnig palang ang pangalan nya.


Madami naman talagang babaeng mga nakakandarapa sa kanya at hindi ko alam kung ano ang nakita nila. She's into girls daw kasi kaya siguro madaming mga baliko ang bet sya. Basta ako, straight ako.


Hindi ko rin naman maintindihan sa mga magulang ko kung bakit push na push sila kay Bea para sa akin. Alam naman nilang direcho ang landas ko at gusto kong magka-anak. Tapos ipipilit nila ko sa tomboy na babaero. Ewan ko ba.

Ang totoo nyan ay mabait naman ang pamilya ni Bea. Siya lang ata ang bukod tangi na walang hiya sa kanila.

..............

"Jho, nabalitaan mo na ba? May bago daw tayong teammates!" —Kim

"Yes, nabanggit nga ni Ate Ly."

"Lady Eagles, gather up!" —Ate Ly

"I would like to introduce to you the new addition to our team. Please meet Madeleine Madayag, Therese Gaston and Deanna Wong." —Ate Ly


Isa isa namang nagpakilala ang bago naming mga teammates hanggang sa mapansin kong may parang kumakaway naman sa may bench.


"Jhoana! Baby! Come here!"


Hindi ako natutuwa sa nakikita ko kaya naman tinaasan ko lang sya ng kilay.


"Ikaw pala yung girlfriend nya!" Sabi ng isang rookie na kakapakilala lang ni Ate Ly kanina. Si Therese.


"Huh? Di ako girlfriend nyan. Sinong baliw nagsabi nyan sayo?" Sagot ko sa kanya.

"No, I can't be wrong. Ikaw nga si Jhoana Maraguinot, right? Kwento kasi sa amin ni Bea, she chose Ateneo daw to be with her girlfriend." —Therese.

Sira ulong Bea to. Ipagkakalat pang girlfriend nya ako. Di ko na lang pinansin ang sinabi ni Therese dahil hindi naman yon totoo.

"Ikaw, Jho ha! May jowa ka pala di mo man lang nababanggit sa akin. One year na kitang roomie. Infairness, cutie sya."—Kim


"Wag kayong maniwala. Wala akong jowa."


"Baby! Come here! May pinapasabi sila Tito!" —Bea


Agad naman akong lumapit sa kanya para manahimik na sya sa kakatawag sa akin ng baby.


"Di pala jowa pero lalapit din naman. Kilala pa sila Tito ha?" Dinig kong sigaw nila Kim habang papalapit ako kay Bea.


"Pag yan sasabihin mo walang kwenta, sasapakin kita talaga. Tigilan mo din kakatawag ng baby sa akin at kung ano ano iniisip ng teammates ko. Tsaka bakit mo sinabi kila Therese na gitlfriend mo ko?! Bwisit ka talaga kahit kelan!" pagalit kong sabi kay Bea habang hinahampas sya.


"So violent naman ng baby ko! Joke! Sabi kasi nila Tito and Tita, may dinner daw tayo and since nandito na din ako sa Ateneo, sabay na daw tayo pumunta. So, hihintayin kita hanggang matapos ang training mo."


"Kaya ko naman pumunta doon mag-isa. Wag mo na akong hintayin at ayaw kitang kasama."


"No! Ang sabi ng parents mo sabay tayo kaya hihintayin kita. May sasabihin daw silang importante sa atin. Kaya wag ka na magreklamo."


"Bahala ka sa buhay mo. Manahimik ka lang dyan at wag kang mang-iistorbo."


"Yes, baby. I will wait here quietly."


"Tigilan mo sabi ang kakasabi ng baby eh!"


"Jho! Tara! Let's start na!" Sigaw sa akin ni Ate Ly dahil magsisimula na ang training.


"Go na Jho! I will wait here."


Ano naman kaya ang naisipan nila Mama at Papa at kasama pa namin sa dinner sila Bea. Sana naman wag nilang gawin ang kinatatakot ko. Diyos ko! Mauubusan ako ng dugo pag tinuloy nila ang plano nila.

All So SuddenWhere stories live. Discover now