5

346 8 0
                                    

- Jhoana -

"Jhoana, anak, alam namin that you wanted to have a family of your own. We just didn't expect na you wanted it this early. Paano ang pag-aaral mo?" —Papa

"Hindi ko din inexpect, Pa. Hindi ko alam gagawin ko Ma, Pa. May games pa kami this season."

"Jho, anak. Hindi ka na pwedeng maglaro at training. Paano na ang dinadala mo? Baka makasama yan sa pagbubuntis mo."—Mama

"Alam na ba ito nila Pareng Elmer, Bea?"—Papa

"H-Hindi pa po, Tito. Pero sasabihin na din naman po namin sa kanila." —Bea

"Ano ba ang ineexpect nyo, John? Pinagsama nyo sila Jho at Bea sa iisang bubong. Mapupusok ang edad nila."—Mama

"Sorry, Ma. Sorry, Pa." Naiiyak na sabi ko sa kanila.

"Wala na tayong magagawa. Nandyan na yan. Ano ba ang plano nyong dalawa?" —Mama

"Pakakasalan ko po si Jho bago sya manganak." —Bea

"Pumapayag ka naman ba sa plano ni Bea, Jhoana?"—Mama

"O-Opo." Sagot ko kay Mama. Alangan naman tumanggi pa ako eh buntis na nga ako.

"Mabuti naman kung ganon. Kelan nyo sasabihin kila Det at Elmer? Para naman kayo ang makapagsabi sa kanila bago kami mag-usap usap tungkol sa pagpapakasal nyo."—Mama

"After po dito, doon po kami didirecho."—Bea

"Bea, masungit ang anak ko at alam kong dodoble pa ngayong buntis sya. Sana ay alagaan mo nga sya. Sana din ay habaan mo ang pasensya mo. Ikaw, Jhoana, alagaan mo din ang sarili mo dahil tandaan mong dalawa na kayo sa katawan mo. Hindi lang ikaw kundi pati na ang anak nyo." —Mama

"Opo, Ma. Thank you Ma, Pa." Sagot ko at saka niyakap sila Mama at Papa.

"Thank you, Tito, Tita." Pagpapasalamat din ni Bea.

"Hayyy nako. Mag-iingat kayo ha? My princess is now a grown woman. Magkaka-apo na ako. Excited na ako, mga anak. Mag-iingat kayo papunta kila Balae."—Papa

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos namin magpaalam na aalis na. Para akong nabunutan ng tinik dahil wala naman naging violent reaction ang mga magulang ko. Alam at ramdam ko namang nadisappoint sila sa binalita namin dahil alam ko rin na hindi nila inaasahang mabubuntis ako ng bwisit na Bea na to. Pano ba naman eh lagi kaming nag-aaway nito. Sino mag-aakalang mabubuntis ako ng hayop.

Tahimik lang ang byahe namin papunta sa bahay ng mga De Leon. Mukhang kinakabahan din si Bea dahil butil butil ang pawis nya kahit na naka-aircon itong sasakyan. Naiintindihan ko ang kaba nya dahil ganon din siguro ang kaba ko kaninang papunta kami sa bahay namin kaya naisipan kong hawakan ang isang kamay nya para malaman nyang nandito lang ako.

Tumingin sa akin si Bea at ngumiti kahit na mukhang kinakabahan pa din sya. Magkahawak kamay kami ng magdoorbell sya sa bahay nila.

Hindi nagtagal ay may nagbukas ng gate. Maganda sya. Mukhang mahinhin. Maputi. Sexy. At napangiti itong gunggong kong kasama. Malamang ay babae nya to. Kaya naman binitawan ko ang kamay nya. Hinayupak na to, nandito na ako maghaharot pa.

"Bakit?" Nagtatakang bulong sa akin ng hayop na babaedor.

"Wag mo ko mabakit bakit. Yan ngitian mo dyan sa katulong nyo napakalagkit. Nakakalimutan mo atang kasama mo ako."

All So SuddenWhere stories live. Discover now