3

341 7 2
                                    

- Jhoana -





Agad akong nagising dahil sa panaginip ko. Bwisit. Naalala ko pa bigla. Isipin mo yon, ilang buwan kaming magka-MU noon pero di ko nalaman yung nalaman ko kagabi. Bwisit talaga.




Mas lalo tuloy ayaw kong pakasalan yung gunggong na yon at baka magkasakit pa ako sa dami ng naging babae non. Idagdag mo pang baka bigla na lang may lalapit sa amin dahil nabuntis nya. Napaka talaga. Babaero talaga kahit kelan.





Kung nagtataka kayo kung bakit ang tindi ng galit ko don ay dahil nahuli ko yan na may babae. Si Kianna Dy. Dun din natapos ang MU phase naming dalawa. Hinabol naman nya ako pero naiinis lang ako lalo sa kanya dahil napaka mapang-asar. Wala talaga yan ibang alam gawin kung hindi ang mang-asar. Ewan ko nga bakit ba naging mag-MU kami nyan eh puro pang-aasar lang alam gawin para makuha attention ko.





Yung MU phase naman namin alam naman ng parents namin yun at kapatid. Ang totoo nyan, sweet naman si Bea at malambing. Daig pa nga nyan ang bata kung maglambing. Hindi mo mahahalata sa kanya na ganon sya dahil malaki syang tao at mukhang maangas. Wala naman ibang nakakaalam tungkol sa past namin bukod pa sa dalawa kong childhood BFFs na sina Carly at Sati.





..................







"Jhoana!!!!"



"Ate Jho!!!"



"Anong ginagawa nyong dalawa dito?!"



"Dinadalaw ka malamang. Namiss ka namin eh. Kahit maldita kang bwisit ka." —Sati



"Oo nga, Ate Jho. Di mo ba kami namiss?" —Carly



"Namiss ko kayo. Gagi. Pero pano kayo pinapasok? Hello? Di naman kayo dito sa Ateneo nag-aaral."




"Ako sumundo sa kanila and sinama ko dito." —Bea


Agad ko naman niyakap si Sati at Carly at pinakilala sila sa mga teammates ko. Namiss ko talaga ang dalawang to.



"Hey! Bakit sila pinakilala mo sa teammates mo? Pero ako hindi?" —Bea




"Kaya mo na yan. Babaero ka di ba? Ikaw makipagkilala. Bwisit." Sagot ko sa kanya.




Gustong gusto talaga nakikipagkilala sa mga babae ng bwisit na to. Napakababaero talaga kahit kelan!




Tiningnan naman ako nila Carly at Sati nang may ngiting nang-aasar.





"Nagcomeback na ba kayo?" Tanong ni Sati habang may malawak na ngiti.




"OMG! Yung OTP ko! This is it pansit!" Irit naman ni Carly.






"Uyyy! Tama ba narinig ko? Comeback? Ibig sabihin nagkasomething kayo? OMG!" tingnan mo to si Gizelle ang bilis ng pangdinig sa chismis.





"Walag comeback na nangyare at wala rin mangyayare. Tigilan nyo. Ikaw Gizelle ang chismosa ha!" Sagot ko sa kanila.




"So...nagkasomething nga kayo Jho?" Natatawang tanong ni Ate Den. Aba! Marunong na pala sya chumika.





"Wala yun, Ate. Bata pa kami non. Wala pa ako masyadong nakikitang tao kaya akala ko tao sya."





"Weh? Nako ha. Di mo yan nakkwento Jhow Jhow!" —Ate Den





All So SuddenWhere stories live. Discover now