4

396 9 0
                                    

-FLASHBACK-


"Para kayong tanga parehas. Bakit di nalang kayo magbaliwan. Ay balikan pala." Lasing na sabi ni Carly kay Jho at Bea.




"Oo nga. Ikaw dinadaan mo sa asar lagi si Jho. Kala mo naman di namin alam na mahal mo pa sya. Tapos si Jho dinadaan ka sa sungit kasi ayaw din pahalata." Sagot ng isa pang lasing na si Sati.



"Kala nyo ba ganon lang yon? Babaero kaya tong bwisit na to. Eh kung mangbabae lang ulit yan? Edi kawawa na naman ako." Sagot naman ni Jho.



"Hindi nga ako sabi nangbabae non eh. Di ko nga type si Kianna. Ikaw lang gusto ko. Kaso lagi mo akong pinagbibintangan na may babae kaya tinotoo ko na lang nung wala na tayo." Paliwanag ni Bea na lasing na din.




"Ayun naman pala eh! Magbalikan na kayo Ate Jho!" Sigaw ni Carly bago napahiga at nakatulog.



"Tingnan mo to. Sabi nya pagbabatiin namin kayo natulog naman. Antok na din tuloy ako. Babye." Sabi ni Sati tsaka humiga sa couch at natulog.



Nang makatulog ang dalawang kasama ay sinubukan kausapin ni Bea si Jho upang makipag-ayos. Matagal nya din inipon ang lakas ng loob at pinag-isipan ang gagawin. Totoo naman na gusto nya pa rin si Jho hanggang sa ngayon. Ang hindi nya alam ay nag-iisip din si Jho.



Tinuloy nila ang pag-iinom kahit na walang nagsasalita at parehas na din silang lasing. Ilang sandali lang ay nagsalita na si Bea.




"Sorry..."—Bea



"Para saan?"—Jho



"Sorry kung naging babaero ako. Napagod na kasi akong patunayan yung sarili ko. Akala ko kasi enough yung assurance na ibinibigay ko sayo noon."



"So madami ka ngang naging babae after ko?"




"Ano magagawa ko? Pogi ako eh."




"Kala ko naman seryoso na tong usapan natin."




"Seryoso pa din naman ako sayo. Pwede ba kitang ligawan? Hindi na ako mang-aasar. Promise."




"Bakit ka pa nagpaalam eh mangliligaw ka lang pala? Kung gusto mong patunayan na seryoso ka, gawin mo dapat lahat kahit ayaw ko."




"You have a point. Okay. Sige. Mangliligaw ako sayo."



"Okay." Sagot ni Jho. Wala syang lakas makipagtalo o makipagbwisitan kay Bea dahil lasing na lasing sya.




Napatitig naman sya kay Bea na nakakatitig din sa kanya at mukhang lasing na lasing din dahil sa pungay ng mata.




"Jho..."



"Bea?"



Agad naman syang sinunggaban ng halik ni Bea na ginantihan din naman nya. Naghahalikan lang silang dalawa. Hanggang sa bumaba ang halik ni Bea sa leeg ni Jhoana.



"Let's go sa room." Utos ni Bea.



Hindi naman kumontra si Jhoana dahil dalang dala na din sya sa init na nararamdaman.


At pagdating nila sa kwarto nila ay doon na nga nangyari ang nangyari. Kung ano man ang iniisip nyong gawain na pang mag-asawa, ay yun na nga iyon. Gumawa sila ng bata.



All So SuddenWhere stories live. Discover now