00

447 11 3
                                    

7 years later...

"Randi?" Pyper knocked on my door. "Ready kana?" Tanong niya.

"Yup!" I yelled from the other side of the door and I sling my bag on my shoulder before opening the door.

"Alis na tayo. Baka ma-traffic pa tayo e." Sabi ko kay Pyper.

"Hindi ka ba susunduin ni Derek?"

Umiling ako. "Hindi e. Maaga raw ang practice niya sa basketball. Kanina pa siyang 5 A.M nasa campus."

"Ohh..." tumango-tango si Pyper. "Kung sabagay, hindi ka rin naman talaga niya sinasabay pagpasok." Makahulugang sabi niya.

"Ikaw talaga Pyper, parang hindi ka pa nasanay." Buntong hininga ko. "Alam mo namang sikreto lang ang relasyon naming dalawa."

"Hanggang kailan ka ba magiging secret girlfriend lang ni Derek Le Blanc? Dalawang taon na kayo. Ano yan, forever secret girlfriend nalang ang peg mo porket star player siya ng Lemberg University Basketball team?"

Hindi ako makasagot dahil sa sinabi ni Pyper. Totoo naman ang sinabi niya, pero anong magagawa ko. Kahit naman ako ayaw kong maging secret girlfriend lang ni Derek. Gusto ko rin maranasan na maka-date siya in public. Maka-holding hands siya sa loob at labas ng campus. Gusto ko ring sumigaw ng malakas para i-cheer siya sa lahat ng basketball games niya. At lalong-lalo na gusto kong ipagmalaki at ipagsigawan na boyfriend ko siya dahil sobrang proud ako sa lahat ng achievements niya sa buhay.

But unfortunately, I can't do that. Dahil hindi puwedeng ako lang ang mag-desisyon sa relasyon naming dalawa. Pangalan at career din niya ang nakasalalay dito. At ayaw kong maging dahilan ako nang pagkasira ng mga achievements niya.

Beside, simula nang niligawan niya ako at naging kami, alam ko na sa simula pa lang kung ano ang papasukin ko. Dahil umpisa palang sinabi na niya sa'kin na magiging patago lang ang relasyon naming dalawa at pumayag ako.

"Mahigit isang taon na lang naman. After nating maka-graduate ng college, puwede na naming gawing public 'yong relasyon namin."

"Nako, sigurado ka ba diyan girl?"

"Oo naman." Nakangiting sagot ko. "'Yon ang pangako ni Derek sa'kin at alam kong tutuparin niya 'yon."

All I have to do is trust Derek and his words.

And I know that Pyper is only concerned about me. For the past six years, she has been both my best friend and, for the past three years, as my roommate as well. Since first year college, we've been living under the same roof. Saksi rin siya kung papaano kami nagkagustuhan ni Derek. She's been there for me all the time. Siya rin ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Mom sa mga kaibigan ko.

Nakilala ko si Pyper noong sa Isabela pa kami nakatirang dalawa. Naging magkaklase kami no'ng nag-transfer ako  sa school niya ng high school at simula noon naging mag best friend na kami.

I don't have many friends. Actually, I don't know a lot of people. Following the accident, it was always just mom and I.

Wala akong memorya simula nang magising ako sa hospital 7 years ago. Ang sabi sa'kin ni mom dahil 'yon sa car accident na nangyari sa'kin. Hit and run daw ang nangyari sa'kin. At dahil masyadong malakas 'yung pagkabagok sa ulo ko at dahil doon ay nawala ang memorya ko. Miski ang pangalan ko ay hindi ko maalala. As in totally wiped out ang memory ko.

The doctor said that there's a possibility na bumalik ang memory na nawala, pero dahil pitong taon na ang nakakalipas, hindi na ako umaasang bumalik pa 'yung mga memories na nawala sa'kin.

Mahigit isang taon din akong pabalik-balik sa hospital para maka-recover sa lahat ng injury na natamo ko mula sa aksidente. I had to go physical and speech therapy for months to recover quickly.

Ang sabi sa'kin ni Mom, mahigit tatlong linggo akong comatose sa hospital dahil sa lala nang pagkakabagok ng ulo ko. Ikinwento rin sa'kin ni Mom na may tumulong lang daw sa'king lalaki kaya mabilis akong naidala sa hospital.

"Nahuli po ba 'yung nakabangga sa'kin? Nasa'n na 'yung lalaking tumulong sa'kin? Puwede ko ba siyang makausap para mapasalamatan ko man lang siya sa ginawa niyang pagtulong sa'kin?"

Pilit siyang ngumiti sa'kin bago dahan-dahang umiling.

"Anak..." panimula niya. Mahigit isang buwan na ang lumipas simula nang magising ako, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa t'wing tatawagin akong anak ni mom. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit na anong pilit ko ay hindi ko maalala ang sarili kong nanay.

Nang dahil sa nangyari sa'kin, nawala nang ganon-ganon lang ang lahat ng memorya ko kasama si mom magmula nang bata ako. All those priceless memories disappeared in the blink of an eye. Just because of one person who didn't drive carefully...

"I tried to find the man who did this to you... I did everything to find him and punish him, but I failed. I'm really sorry, anak." Tears started falling down her cheeks, and I reached for her face and wiped them away. Unfortunately, may CCTV kung saan ako nabangga, pero fake lang daw 'yon nung mag-imbestiga 'yung mga pulis.

"Wala po kayong dapat ikahingi nang tawad sa'kin. Ako nga po ang dapat humingi ng tawad dahil hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik ang memorya ko."

"Don't push yourself too hard honey." She cupped both my cheeks. "Masaya at sapat na sa'kin na nagising ka. Hindi importante sa'kin kung hindi mo mabalik 'yung memoryang nawala sa'yo."

Tipid lang akong ngumiti kay mom.

"Ang mahalaga sa'kin anak ay magkasama tayong dalawa. At saka, maari naman tayong bumuo ulit nang mas magaganda at marami pang memorya nang magkasama."

And just like my mom promised, we really made new memories together. Kahit na minsan pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa'kin, hindi 'yon naging hadlang para bumuo ako nang bago at mas magagandang memorya kasama sila.

"Huy!" nagulat ako nang biglang nag-snap ng finger sa harap ko si Pyper kaya napatigil ako sa paglalakad. "Tulaley ka na naman d'yan beh." sita niya. "Lalim nang iniisip natin, ha? Si Derek Le Blanc na naman 'yan no?"

"Hater ka talaga." I rolled my eyes at her and she just giggle.

"Hindi naman. Naiinis lang talaga ako dahil tinatago ka niya. Tapos kapag magkikita kayo parating ikaw pa ang pinaghihintay niya nang matagal sakaniya."

"Konting tiis nalang naman." I slightly nudged her shoulder. "Kaya wag mo nang awayin 'yung bebe ko."

"Oo na. Oo na." pagsuko niya. "Pero kapag talaga after graduation natin at hindi ka pa rin niya nilabas bilang girlfriend niya, malalagot talaga sa'kin 'yang lalaking 'yan."

Natawa ako dahil pati mukha ni Pyper talagang todo react siya.

"Wapakels kung malaki man ang mga biceps niya dahil tambay siya sa gym at court. Pero makakatikim talaga siya sakin ng sakit sa katawan." Kaunti nalang uusok na rin pati 'yung ilong niya dahil sa gigil. Napailing nalang ako at saka siya inakbayan bago kami nagpatuloy sa paglalakad papasok sa klase.

Pyper and I are both Psych students. Si Derek naman ay architecture ang course. Hindi lang masiyadong halata dahil mas kilala siya bilang star player ng Basketball Team ng Lemberg U. At kagaya nga ng sabi ni Pyper kanina, totoong tambay si Derek sa gym at court. Mas madalas pa siya doon kaysa sa classroom.

Pero kahit na gano'n si Derek, hindi niya pa rin pinapabayaan ang pag-aaral niya. Hindi ko rin alam papaano niya naipagsasabay ang pagiging atleta at architecture student niya. Kaya bilib ako sa kasipagan niya at naiinitindihan ko kung minsan halos dalawang beses lang kami magkita sa isang linggo o minsan pa nga dalawang linggo bago kami magkita.

Malapit na rin kasi kaming maging graduating students kaya naiintindihan ko na busy kami madalas. Ilang buwan nalang, 4th year na kami.

He's just too busy, and I don't want to be a burden to him. I don't want him to think that it's his responsibility to meet me every single time. He has a life of his own, and I do too.

After all, everything that he's doing and everything that I'm doing is for our future.

Maaga pa para mag-salita, pero alam kong doon din kami papuntang dalawa.

W H A T Y A S E Y

Such Blatant LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon