100

98 3 0
                                    

"H-hello," nauutal na bati ko sakanila. Nanginginig 'yung labi ko, pero pinilit ko pa ring ngumiti. Lima silang nakatayo at nakatitig sa'kin kabilang na si Derek at Jek. Halatang katatapos lang nilang mag-training dahil bakas pa ang mga pawis nila sa suot nilang t-shirt.

"Uy! Andito ka rin pala?" Bati ni Jek sa'kin sabay pasimpleng sinulyapan si Derek na nakatayo sa tabi niya.

"Ahh, oo pero paalis na rin kami niyan. Pinanood lang namin 'yong practice ng Double Helix." Paliwanag ko. Sandali akong napatingin sa mukha ni Derek na mabilis nagkunot ang kilay.

"Sige una na ako ha." Mabilis na paalam ko bago ako naglakad palabas ng bahay nila Jek.

Nakahinga lang ulit ako ng maayos nang tuluyan na akong makalabas. Nasa garahe sila Pyper, at maglalakad na sana ako papunta do'n nang biglang may humawak sa braso ko.

"Bitawan mo nga ako!" Singhal ko kay Derek. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at sigurado akong magkakapasa ito.

"What are you doing here?" Madiin at galit na sabi niya. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin. I've never seen Derek this angry toward me. He's always been gentle with me.

Napalunok ako sa takot dahil parang ibang Derek ang nasa harapan ko ngayon.

"It's none of your business." Pilit kong inaalis 'yung pagkakahawak niya sa'kin pero di hamak na mas malakas siya sa'kin, kaya gano'n nalang din niya akong madaling nahila sa gilid ng bahay nila Jek.

"Nasasaktan ako! Ano ba, Derek!"

"Lower your fucking voice, Miranda." His voice sends a shiver down my spine. Kinilabutan ako dahil sa tono ng boses niya.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang biglang umikot 'yong paningin ko. Hindi ko rin matignan nang diretso si Derek at tila may ibang mukha akong nakikita maliban sa mukha ni Derek.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay nila Jek? Are you cheating on me Miranda? Heto ba ang dahilan kung bakit ayaw mong makipag-usap sa'kin?"

Derek is talking, but I can't understand what he's saying. His voice is distorted, and I can't understand a single word coming out of his mouth.

Napahawak ako sa gilid ng ulo ko dahil sa matinding pagkirot nito. Mas matindi pa 'tong nararamdaman ko ngayon kaysa sa t'wing nagkaka-nightmare ako. Ngayon ko lang naramdaman 'to.

"Sagutin mo ko. Sino sakanilang apat?"

"Bitawan mo ako," mahinang bulong ko. Nakahawak na ngayon si Derek sa magkabilang braso ko.

I only came back to my senses when I heard Onyx's voice and his gentle touch on my arm as he stood in front of me to protect me from Derek.

"You're hurting her." Onyx said.

"Back off, dude. This is none of your business."

"This is my business, dahil ako ang nag-invite kay Miranda dito. And I will not tolerate seeing you hurt her."

Derek scoffed. "So, it's you huh," mahina siyang natawa. "Heto ba ang pinagpalit mo sa'kin? Siya ba ang dahilan kung bakit pilit mo akong ginagago at tinataguan?"

"Please tama na, Derek." pagmamakaawa ko sakaniya. I bit ky lower lip to stop myself from crying. "Ako pa talaga? Ako pa ang sasabihan mong nagloloko? You're unbelievable."

"Miranda," bulong ni Onyx at tipid na ngiti lang ang isinagot ko sakaniya.

"You're the one lying blatantly on my face, Derek. You're the one who slept with someone else, and you're the one who ruined us." Tears started pouring down my cheeks.

"Babi, please, let's talk this out. I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya mangyari 'yon. I was just mad because you wouldn't talk to me that day. I didn't mean it to happen. You know how much I love you, right?"

Humakbang papalapit si Derek, pero mabilis na humarang ulit si Onyx sa harapan ko.

"Please naman, Randi." Pagmamakaawa niya, pero sarado na ang puso ko pagkatapos kong marinig ang dahilan niya. I can't believe he will put the blame on me for something he chose to do.

"I-I can't look at you the same way again. I loved you, but this time I will choose to love myself more. Goodbye, Derek."

W H A T Y A S E Y

Such Blatant LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon