65

110 4 0
                                    

Seven years ago...

"Lagot tumatawag na si Dad!" Ali exclaimed and is now panicking.

"Sino bang may kasalanan kung bakit tayo ginabi?" I replied, with my gaze still focused on the road. Gabi na at sobrang dilim na sa labas at hindi pa ako masyadong sanay magmaneho sa gabi.

I just got my driver's licence a few months ago when I turned 17. And this is also the first time our parents let me drive from Manila to Isabela by myself. So, my goal for tonight is to arrive at the rest house. Safely and alive.

"Bilisan mo na kasi mag drive. Ang bagal mo magmaneho e," reklamo ni Ali.

"Ayaw," I briefly glared at him. "Gusto mong ibaba kita sa tabi tapos lakad ka nalang papuntang Isabela?"

Ali chuckled. "Grabe biro lang naman brother. Hindi ka naman mabiro."

"Just put some good music on."

"Yes, boss!"

After another two hours of driving, we finally arrived in Isabela, and after another ten minutes, we were on our way inside the town.

It's almost midnight. Madilim at tahimik na sa labas. Halos wala na ring mga sasakyan sa daan at tanging ilaw na nagmumula sa kotse ko nalang ang liwanag sa daan.

"Onyx may tao!" Ali yelled, and I immediately slammed on the break. My heart is pounding, and my hands start to sweat in nervousness.

Bago pa sumigaw si Ali, nakita ko na ang babae sa daan na kumakaway, pero mas kinabahan ako dahil sa biglaang pag-sigaw niya.

"What the fuck!" Ali cursed. "Sabi ni dad dapat makarating tayo do'n nang buhay at walang napapatay!"

Hindi ko na pinansin si Ali at agad akong bumaba ng kotse.

"Miss? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko.

"Tulong... Parang awa mo na, tulungan mo ako," nanghihina na sabi niya kaya agad akong naglakad papalapit sa babae. Halos hindi ako makapaniwala sa estado at itsura ng babae.

Her clothes are ripped and covered in her own blood. Her face—oh my god, her face—was so beaten. Her eyes and lips were swollen and bruised.

"Miss, anong nangyari sa 'yo?" Agad na tanong ko nang makalapit ako sakaniya, pero hindi na niya nagawang magsalita dahil nawalan siya ng malay sa braso ko.

"Anong nangyari?" Hindi ko namalayan na nakatayo na sa likuran ko si Ali.

"We need to get her to the hospital." Mabilis kong binuhat ang babae at isinakay sa sasakyan ko.

"Hindi naman natin siya nabangga di ba? Anong nangyari sakaniya!" Nag-pa-panic na sabi ni Ali habang maingat kong inihiga ang babae sa backseat ng sasakyan.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "I need you to calm down, Ali. We need to help her. I think... somebody did this to her." Agad siyang tumango. Namumutla ang mukha niya dahil sa takot.

"I-I'm going to call dad." His voice is trembling, just like my hands are shaking in fear, but I can't let him know that I'm scared just like him.

Such Blatant LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon