THE GIRL IN THE JEEPNEY 1 SHOT

33 1 0
                                    

If you are interested sa audiobook version, ito po, ininsert ko dito para hindi mo na kailangang magbasa, makikinig ka na lang habang naghuhugas ng plato, naglalaba o nagpapahinga. Or you can visit me on my YouTube channel (Amihan Stories) for more stories.

Amihan Stories presents THE GIRL IN THE JEEPNEY. Written by Amihan and Estrella Luz.

"Boss Dos, ilang araw na nating sinusundan 'yan ah. Mukhang tinamaan ka na ata talaga sa kanya. Ano, paparahin na ba natin ang jeep na sinasakyan niya?"

"Wag na, okay lang ako na panoorin lang siya. Ang cute kasi niya lalo na kapag tumatawa siya."

"Oo nga po Boss eh. Love at first sight siguro 'yan ano? Pangiti-ngiti ka kasi d'yan habang nakatanaw sa kanya."

"I don't believe in love at first sight. Pero simula nang makita ko siya. Palagi ko na lang siyang naiisip. Parang ang saya-saya niyang kasama at kausap. Obviously, her friends na nakakasama niya sa jeep are enjoying her company."

"Halata ko nga Boss pati ikaw enjoy na enjoy din eh."

"Masyado bang obvious?"

"Yes, boss! Kaya dapat siguro nagpapakilala ka na sa kanya."

"I don't know if I can. Baka isipin pa niya na stalker ako. By the way, what's the name of that place?" tanong niya kay Gerson habang sinisilip sa bintana ng kotse ang kanto sa kabilang kalsada. Driver at personal assistant niya ito na para na ring isang nakatatandang kapatid.

May sampong minuto na niyang pinapasundan dito ang dalaga na sakay sa isang pampasaherong jeepney. Sa tuwing humihinto ang jeep para magsakay at magbaba ng pasahero ay tumitigil din ang kanilang kotse.

Ilang araw na nilang ginagawa iyon ni Gerson. Ewan ba niya, basta nakita niya ang babae ay para bang agad nitong nama-magnet ang atensyon niya. It's really crazy and cliche pero aliw na aliw siyang panoorin ang dalaga. And it's unbelievable dahil ginagawa niya palaging sundan ang babae hanggang sa makababa ito ng jeep.

"Ah iyan, San Nicholas ang lugar na pupuntahan niyang mga tricycle na 'yan."

"Really? Have you been there?"

"Oo, d'yan kami namamalengke ni misis sa bayan na 'yan. Bakit, gusto mo bang sundan ang babaeng natitipuhan mo?" tudyo nito na inginunguso pa ang babaeng sinusundan nila. Sumasakay na ito sa tricycle. Huminto muna sila saglit sa isang gilid upang ihatid ng tingin ang dalagang natitipuhan ni Dos.

"Maybe in some other time. I have a client meeting later. Let's go, baka bukas makita ulit natin siya na sakay ng jeepney," yakag na niya kay Gerson.

Simula nang makita ni Dos ang dalaga na masayang nakikipagkwentuhan sa mga katabi at kaharap sa bungad ng jeep ay naagaw agad nito ang attention ng binata. Biglang kumabog ang dibdib ni Dos sa unang sulyap pa lang niya sa dalaga. Na-excite siya na hindi maintindihan. Nakasanayan na niyang maupo sa passenger seat. Kahit na boss siya nito ay mas gusto niya na sa unahan maupo. Siguro ang dahilan ay para makita niya ang magandang binibini na iyon na hindi niya inakala na matitipuhan niya sa unang sulyap pa lang. Maybe it was love at first sight nga na gaya ng palaging biro ni Gerson sa kanya.

Nagsimula ang lahat nang isang umagang papasok siya sa opisina niya ay may jeep na sobrang likot magmaneho ng driver, akala ata nito ay mauubusan ito ng pasahero kapag naunahan ng kapwa pampasaherong jeep. Ayaw nitong magpauna sa mga kasunod na sasakyan.

Inis na inis pa nga noon si Gerson dahil kapag nagbababa at nagsasakay ng pasahero ang driver ng jeepney ay hindi ito tumatabi. Mismong sa kalsada talaga ito mabilisang tumitigil. Kaya ang mga pasahero nito ay halos matumba na dahil hindi pa nakakaupo ay pinapaandar na agad ng driver ang jeep nito.

THE GIRL IN THE JEEPNEY 1 shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon