Habang sakay sa kanyang kotse ay nabighani si Dos sa dalagang namataan niya sa isang pampasaherong jeepney. Kaya naman mula nang araw na iyon ay palagi na niyang inaabangan na sumakay sa jeep ang dalaga. Nalungkot siya nang ilang linggong hindi makita ang babae sa jeepney. Daig pa niya ang nabasted kahit na hindi sila magkakilala. Pero sadyang destiny ata sila, dahil nang dumalaw siya sa bagong bukas niya na restaurant bar ay naroon ang babae sa jeepney. Regular pala itong kumakanta sa sarili niyang bar kasama ang mga ka-banda nito. Sobrang saya niya at napag-alaman niya na Jen pala ang pangalan ng dalaga. Madiskartehan kaya niya si Jen at makuha ang puso nito gayong boss siya ng dalaga?