Part 1

3.7K 74 50
                                    

After 3 years...

Dean's POV

"Guys! okay na ba lahat? wala ng nakalimutan?" tanong ko sa mga kaibigan ko

"Wala na.. hinihintay nalang natin si Jema" sabi ni Ced

"Huy! papunta na daw si Jema dito sabi ng guard!!" natatarantang sabi ni Kyla

"Sshh!! wag kang maingay!" saway sa kanya ni Angel

"Ay! sorry!" sabi ni Kyla sabay nag sign ng peace

"hahaha! natatawa ako sa inyo, talagang nakiusap kayo sa guard na sabihan kayo kapag nandyan na si Jema ha.." natatawang sabi ni Pangs

"hahaha syempre! para surprise talaga!" sabi naman ni Jho

"Guy! bilisan nyo na! magtago na kayo! patayin nyo na din yung ilaw!" utos ko sa kanila

Pinatay ni Bei yung ilaw pagkatapos nag tago na kami. 

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano.. pano ba naman kasi, yung mga kasama kong mag ayos dito meron ng bitbit na plato habang hinihintay si Jema.

Maya maya narinig kong tumunog yung door knob, napatingin sakin si Tots kaya sinenyasan ko sya na wag maingay.. 

Nang bumukas na yung ilaw agad kaming lumabas at sumigaw ng.....

"SURPRISE!!!!!" halatang nagulat si Jema dahil sa sigaw namin, pinaputok na din ni Tots yung confetti poppers

"OMG!" sigaw ni Jema, "A-Ano to?" tanong nya habang nakangiti

"Happy Anniversary GaWong!!!" sigaw ng mga kaibigan namin, mas lalong napangiti si Jema, nakita ko din yung kislap sa mga mata nya.

Kinuha ko yung sunflowers sa gilid at naglakad ako palapit sa kanya. 

"Happy Monthsary B... surprise!" sabi ko sakanya habang nakangiti, tinanggap nya yung flowers at yumakap sakin pagkatapos hinalikan nya ako sa lips pero smack lang

"Ohh! tama na yan! nagugutom na kami eh!" sabi ni Bei habang nakanguso, meron na din syang hawak na plato at kutsara. 

"Hahahah Ang tagal mo naman kasi Jema, nagugutom na kami, itong boyfriend mo ayaw manlang magpakaen kahit yung shanghai manlang! kakaloka!" reklamo ni Kyla, natawa naman ako

"Hahaha sorry na guys! wag kayong mag alala, kakaen na tayo, gusto ko lang magbigay ng message kay Jema" sabi ko

"Dalian mo na Deans, hindi pa ako nag lunch dahil dito..." sabi naman ni Pangs

"Si Pangs makareklamo kala mo naman nakatulong... eh maghapon ka ngang nakaupo dyan!" irap sa kanya ni Mich

"Bakit? Naging taga abot naman ako ha?" sabi ni Pangs kay Mich

"Ssssshhh! guys quiet na!" saway sa kanila ni Bei pagkatapos tumingin sya sakin, "Bro, go na..." sabi nya sakin, tumango naman ako at tumingin kay Jema.. 

"B, Love, baby, Asawa ko..." tawag ko kay Jema, natawa naman sya at halatang kinilig kaya natawa na din ako

"Aaayyiiieee!!! hahah!" asar ng mga kaibigan namin, nakapalibot kasi sila samin at nakatingin habang nag vi-video

"First and foremost syempre gusto kong magpasalamat kay God kasi binigay ka nya sakin... uhm, thank you B kasi hindi mo ako sinukuan, kahit na sobrang daming nagdududa sa pagmamahalan natin pinapatunayan parin natin sa kanila na nagkakamali sila..." sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya, nangingilid na din yung luha ko, "Thank you kasi sa mundo ko na sobrang gulo at ingay, sa mundo ko na ang daming nanghuhusga, bash dito, bash doon, fake news dito, fake news doon, hindi mo ako iniwan... nag-stay ka parin kahit na ikaw yung inaaway ng mga bashers at fans ko..." dagdag ko pa, tumingala si Jema para pigilan yung luha nya, pinunasan nya din yung gilid ng mata nya, "B thank you kasi ikaw yung nagsisilbi kong pahinga at katahimikan sa tuwing napapagod at naiingayan ako... ikaw yung nagbibigay ng lakas sakin kapag gusto ko ng sumuko.. kontento na ako basta nandyan ka lang sa tabi ko... B, ikaw yung pinakamagandang blessing na binigay sakin ni Lord...thank you.. Happy Anniversary and I love you!" sabi ko sa kanya

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon