Part 9

1.2K 64 82
                                    

After 1 year...

Dean's POV

"Dean, sure ka? babalik kana sa Manila?" tanong sakin ni Ate Nicole, tumingin ako sa kanya at ngumiti

"Yes" sagot ko

"Kaya mo na ba?" tanong nya uli sakin

"Ditch, Okay na ako, kaya ko na.." sabi ko sa kanya

"Basta kapag nagkaproblem don't forget to call me, okay?" sabi nya sakin

"Okay" sagot ko, nag aayos kasi ako ng mga gamit na dadalhin ko.

"Kuya, gusto mo bang samahan muna kita sa condo mo?" tanong sakin ni Peter

"Hindi na.." sagot ko, tumingin ako sa kanila, "Guys, kaya ko na.. okay na ako.. and thank you sa inyo kasi hindi ko malalagpasan lahat ng yon kundi dahil sa inyo.." sabi ko sa kanila

"Okay, hatid ka nalang namin sa airport" sabi ni Ate Cy, tumango lang ako

Maya maya nagpaalam na ako kila mommy, hinatid naman ako ng mga kapatid ko sa airport.

Ilang oras lang nasa tapat na uli ako ng condo ko.

Huminga ako  ng malalim..

Haayy! After 1 year... nakabalik din...

Binuksan ko yung pinto, pagbukas ko inilibot ko yung paningin ko sa loob ng unit.

Kung ano yung itsura ng unit noong umalis ako ganon parin ngayong bumalik na ako... marami nga lang alikabok...

Ibinaba ko yung bag ko.

1 year na ang nakakalipas simula noong umalis ako dito sa Manila. Ang dami ding nangyare... Ilang buwan din bago ako maging okay ng tuluyan... noong una mahirap, halos hindi na ako nakakatulog dahil sa anxiety, ilang araw din akong hindi makausap ng maayos, pero sabi ko nga kanina okay na ako...

Paano ako naka move on??

Tinanggap ko, acceptance is the key ika nga.. kailangan mong magpatawad, at masasabi kong napatawad ko na si Jema sa ginawa nya sakin, pero hindi ganon kadali yon...

Naglakad ako papunta sa kwarto ko, at tulad ng ginawa ko sa living room inilibot ko yung paningin ko sa kwarto, nakita ko yung mga picture namin ni Jema na naka display, nakita ko din yung ibinalik sakin ni Jema na necklace at ring.

Ang dami naming memories sa condo na to.

Kumuha ako ng karton at isa isa kong inilagay yung mga bagay na may connection kay Jema, pictures, flowers, gifts, at pati na rin yung neclace at ring.

Naglinis na din ako ng condo ko at inabot ako ng gabi dahil sa kakalinis.

Maya maya nakaramdam ako ng gutom.

Naligo muna ako, pagkatapos kong maligo at magbihis napagpasyahan kong sa mall nalang ako kakaen.

At dahil nasa bahay nila Bei yung car ko nag grab nalang ako papunta ng mall.

Habang naglalakad ako sa mall may mga tumitingin sakin, may mga nagpapapicture din, pinagbigyan ko naman sila.

Matagal din kasi nila akong hindi nakita, hindi na din kasi ako naging active sa social media.

Nang makahanap ako ng restaurant na pagkakainan ko agad akong umorder.

Habang hinihintay ko yung order ko biglang nag ring yung phone ko.

Si Bei.. 

Agad kong sinagot yung tawag nya. 

"Zup??'" sagot ko

Little ThingsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt