Part 26

1.5K 60 8
                                    

Dean's POV

"Bobo!" sabi ni Tots

"Tanga..." sabi naman ni Pangs

"Sayang yun bro.. babae na nag propose sayo oh.." sabi naman ni Bei

"Ang sakit naman sa part ni Jema" sabi naman ni Angel

Kinuwento ko kasi sa kanila yung nangyare.

"K-Kaya nga naiilang ako eh, hindi ko alam kung pano ko uli sya kakausapin" sabi ko habang nakayuko

"Edi magkakailangan nalang kayo nyan?" tanong ni Tots

"Baka hindi naman.. b-baka pag dating nya bumalik kami sa dati.." sagot ko

"Tsk! pinaalis mo si Jema na may iniisip.." sabi ni Angel

"Ayusin mo yan bro... alam kong mahal mo si Jema" sabi ni Bei, dahan dahan naman akong tumango.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ilang araw pa yung lumipas, papunta ako ngayon sa airport para sunduin si Jema.

Nang makarating ako sa airport hinintay ko lang si Jema, maya maya nakita ko na sya.

Nakaramdam nanaman ako ng pagkailang

"H-Hi B.." bati ko sa kanya, bumeso lang sya sakin at binigay sakin yung dala nya, agad ko namang kinuha iyon.

Napatingin ako kay Kyla at nag sign sya ng 'Lagot ka' sa akin.

"Tara na, pagod ako, kailangan kong magpahinga" seryosong sabi ni Jema

Nauna na syang maglakad, lumapit sakin si Kyla.

"Hala ka Dean, ni hindi mo manlang kasi tinawagan... tapos wala ka pang dalang flowers.. eh hindi ka naman nakakalimot non..." bulong sakin ni Kyla

Napahawak ako sa ulo ko..

Shit! Oo nga pala...

Ang tanga talaga...

Nagpaalam na ako kay Kyla at sumunod kay Jema, nang maabutan ko sya iniwas nya yung kamay nya sakin.

Galit sya...

Habang nasa byahe kami nakatingin lang sya sa labas.

Pagdating namin sa condo nagpaalam sya sakin na pupunta sa condo nila Kyla dahil may pag uusapan daw sila, gusto ko sanang sumama kaso ayaw nya akong pasamahin kaya wala akong nagawa.

-----------

Jema's POV

"Nakakainis ba talaga sya! Hindi na nga sya tumawag sakin nitong nga nakaraang araw, puro update lang! tapos kanina nakakapanibago kasi hindi nya naman nakakalimutan yung mga bagay na nagpapasaya saki  eh!" inis na sabi ko, nakikinig lang sakin sila Kyla, Jho, Mich, at Ced, "Ano? ayaw na nya ba sakin?? Sabihin nya naman nang hindi ako umaasa... pangit na pangit na ba sya sakin? Meron na ba syang iba?? ano?? Hindi ko kasi maintindihan eh! Mahal nya pa ba ako??" dagdag ko pa

"Jema relax! alam ko naman na mahal ka pa ni Dean, baka naman naiiling o guilty dahil sa ginawa nyang pagtanggi sayo?" tanong ni Kyla

"Okay na nga sakin yon eh.. naiintindihan ko sya.. pero yung gantong pag iwas nya sakin yung hindi ko maintindihan!" sagot ko

"Intindihin mo nalang.. o kaya pag isipan nyo ng maayos.. mamaya hiwalayan nanamam yung mangyare sa inyo dyan" sabi ni Ced

"Naku! patapusin nyo muna yung kasal ko ha.." sabat ni Jho, "Ikaw naman kasi Jema intindihin mo nalang..." dagdag nya pa

"Ikaw naman kasi, alam mo ng may trau---"

"Ano? palagi nalang bang idadahilan yan?? Pinagsisihan ko na nga diba?? Kung paulit ulit nyang idadahilan yan edi sana hindi na sya nakipagbalikan sakin..." putol ko sa sasabihin ni Kyla, napayuko naman sya

"Oo nga naman.. tama si Jema, kung talagang mahal sya ni Dean kakalimutan nya yung nakaraan" sabi ni Jho

"Pag usapan nyo yan bes, baka kasi kapag pinatagal nyo pa baka mas lalong hindi kayo magkaintindihan" sabi ni Kyla

"Oo nga, basta sa Thursday na yung alis natin papuntang Batangas ha.." sabi ni Jho

Oo nga pala, beach wedding nga pala sila ni Bei.. at sa Sunday na yung wedding nila..

Naging magaan yung pag aayos nila sa kasal nila..

Nag stay muna kami sa condo ni Kyla hanggang hapon, kinahapunan umuwi na din ako, pagdating ko sa condo namin wala si Dean doon.

Nakaramdam ako ng lungkot.

Pumasok ako sa kwarto namin at nakita ko yung nga picture namin na naka display doon, kinuha ko yung isang frame at pinagmasdan ko iyon.

Ito yung araw na nag propose sya sakin sa eroplano..

--------

Dean's POV

Dahil hindi ako sinama ni Jema ngayon, mag isa akong nagpunta sa mall para mag ikot ikot.

Habang naglalakad ako may mga gustong magpapicture sakin, pero tinatanggihan ko dahil baka dumugin ako.

Napadaan ako sa Jewelry store, huminto ako sa tapat non at tumingin sa loob, papasok sana ako pero napagdesisyunan  kong wag nalang.

Kinagabihan bumalik na ako sa condo, pagpasok ko nakita ko si Jema na nagluluto. Napatingin sya sakin.

"K-Kaen.." aya nya sakin

"Uhm, k-kumaen na ako sa labas, m-magpapahinga na ako" sabi ko sa kanya, tumango lang sya, naglakad na ako papunta sa kwarto at nahiga.

Ramdam ko parin yung ilangan naming dalawa ni Jema.

Maya maya pumasok na din sya dito sa kwarto, pumasok sya sa CR para gawin yung night routine nya, halos 30 mins. din sya sa loob ng CR, paglabas nya nagpanggap ako na tulog na.

Naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo, "Good night... I love you.." bulong nya sakin, pero imbis na yumakap sya sakin tumalikod sya.

Maya maya narinig kong humihikbi sya, humarap ako sa kanya at niyakap ko sya.. Habang yakap yakap ko sya nakaramdam ako ng guilt, narealize ko ilang araw ko na palang tinitiis si Jema, at alam kong nasasaktan ko na sya. 
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Dumating yung araw ng alis namin, iisang van lang yung gamit namin, habang hinihintay namin sila Angel lumapit sakin si Bei.

"Okay na kayo?" tanong ni Bei sakin umiling ako at tumingin kung saan nakaupo si Jema

"Wala parin kaming pansinan.. para lang kaming hangin sa isa't isa.." sabi ko

"Deans, tatanungin nga kita.. mahal mo si Jema diba??" tanong nya sakin

"Oo naman.. sobra.." sagot ko

"Pwes, gawin mo yung tama... gawin mo yung bagay na magpapasaya sa kanya" sabi ni Bei sakin, tinapik nya lang ako at naglakad papunta kay Jho

May kinuha ako sa bulsa ko at tiningnan iyon saglit pagkatapos binalik ko uli iyon sa bulsa ko.

Tumingin ako kay Jema, nakita kong kausap nya lang si Ced.

Nang makumpleto kami, agad kaming umalis, magkatabi kaming dalawa ni Jema sa upuan, habang nasa byahe kami lumilipad yung isip ko dahil sa kakaisip kung anong gagawin ko para magkaayos lang kami ni Jema.

-----------------------

Update uli...

Little ThingsWhere stories live. Discover now