Special Chapter 3

1.2K 60 2
                                    

NAKARATING na sila sa mall at nanatili pa ring nakasunod ang puting kotse sa kanilang likuran. Hanggang sa makarating sa parking lot, nakasunod pa rin ito sa kanila.

"Why is that car keeps on following us, mister?" tanong ni Belle nang makalabas na sila sa kotse. Karga-karga ito ni Seven.

"You're quick to pick up, kid. But just leave it to us," sagot naman ni Seven. Lumapit ito kay Nero at inabot si Belle. "Can you carry her?"

"Okay." Nero carried the kid.

Pumunta naman si Enigma sa likuran ng lalaki habang si Seven ay nasa una. Pinapagitnaan nilang dalawa si Nero at Belle. Nagsimula na silang maglakad papasok ng mall.

Nakayakap si Belle sa leeg ni Nero. Sinandal nito ang mukha sa balikat ng lalaki habang nakatingin sa kaniya. "Miss Ate, people from the white car are behind you."

"How many are they?" tanong niya habang kinakalikot ang bag niyang may mga lamang toy guns.

"Three. And one of them is waving at me," bulong ni Belle sa kaniya at kumaway rin. "I think they are my fan."

"Fans are scary sometimes, kiddo. Don't pay attention to them."

Pumasok na sila sa loob ng mall. Kaagad silang nagtungo sa store na nais puntahan ni Belle. Napangisi si Enigma nang makita ang mga iba't ibang jewelry na nakaparada. Damn. She was tempted to buy, too.

"I'll stay outside," sabi ni Seven. Tumango lang siya bilang sagot habang ang atensiyon ay nasa mga jewelry na.

Hinawakan niya ang kamay ni Nero at kaagad na hinila ang lalaki papasok.

"Whoa! En, mas excited ka pa sa bata," natatawang sabi ni Nero.

"Do you think this will look good on me?" Turo niya sa isang Sunrise Ruby ring na nagkakahalaga ng higit sa isang milyon.

"Hello, Ate. It's should be me shopping," sabi ni Belle at pinagkrus ang mga braso. "But anyway, I like your taste though. I want that necklace, too."

"I think this red color doesn't really fits you much, kid." Pinagmasdan niya si Belle. Bahagya siyang lumayo upang makapag-isip kung anong kulay ang mas maganda sa bata pero iba ang pumasok sa isip niya.

Nero was still carrying the kid. And just by looking at them, a silly little scenario from the future played on her mind.

She chuckled with that thought before tapping her finger on the glass. She pointed the Rockefeller emerald which cost 300,000 pesos. "This will fits you, Belle."

Dumungaw naman ang bata. "You think so? Okay!" Inangat nito ang tingin sa sales lady na nakaabang lang sa sasabihin ni Belle. "I'll buy this one po."

"I'll have this one too, miss." Turo niya sa singsing kanina. May isa pang nakakuha sa atensyon niya. "And this one as well."

Nagtagal pa sila nang ilang minuto sa loob. Inikot nila lahat ng parte ng store bago tuluyang mapagpasyahang lumabas ni Belle. Sakto ring nag-text sa kaniya si Seven.

Seven: It's not looking good here. We need to get Belle home.

Napakunot naman ang kaniyang noo. What was happening outside?

Muli niyang hinawakan ang kamay ni Nero upang hilahin ito palabas. Pero bago pa sila tuluyang makarating sa pinto, may binulong siya sa lalaki.

"You make me want to resign as an agent earlier."

"Huh? Why?" taka nitong tanong. Binaba nito si Belle dahil gusto nitong maglakad pero hindi nito binitiwan ang kamay.

"Nothing." She just smiled at him and hastened their walk.

Agent Series 7: Lady Rogue and the Pandora's Box Where stories live. Discover now