Chapter 4: Dark Boa

56 10 35
                                    

MIA POV:

Masama ito, ngayon lang ako nakaharap ng isang D-Class na halimaw.

May pag-asa kaya kami ni Sphere na matalo ang katulad niya?

F-Class palang ang rank namin ni Sphere at mukhang maliit lang ang tiyansang matalo ang ganyang kalakas na halimaw.

...

"Bye, bye, Mia. Bahala ka na sa buhay mo!" Sigaw ng duwag na Sphere. Nakita ko nalang siyang tumakbo papunta sa labasan ng kweba.

Haist totoo ang hinala ko, sabi ko na nga bang duwag siya.

Inaamin kong pogi si Sphere kaso matatakutin. Sayang, nagugustuhan ko na nga siya pero nalungkot ako sa ginawa niya.

...

Dito ay inutusan ko ang Dark Boa.

"Hoy ikaw Dark Boa, harangan mo nga ang labasan!"

Sumagot siyang nainis, "Huwag mo akong inuutus-utusan. Iyan na nga ang gagawin ko eh!"

Tinuluyan ngang hinarangan ng Dark Boa ang labasan.

Sumigaw nga si Sphere ng, "Mommy! Please save me!"

Agad ko siyang linapitan at sinabing, "Oo na anak. Nandito na ako, gusto nanaman kitang sampalin!"

Dito ay lumuhod sa akin si Sphere.

...

"Mia, patawad sa aking ginawa kung gusto kitang iwanan!"

Pinatayo ko si Sphere at naiintindihan ko kung bakit niya ako iniwan dahil gusto niyang iligtas ang kanyang sarili.

Pero, naging makasarili siya at iniwanan niya akong nasa panganib.

Kahit ganon ay kinalimutan ko nalang iyon at naging mabuti kay Sphere.

...

"Huwag kang mag-alala Sphere, isa tayong team diba? Kaya natin siya, magtiwala lang tayo sa ating sarili kaya wala sanang iwanan. Okay?"

"Oo na Mia, I am really sorry talaga."

"Kung uulitin mo pa iyon, lintik ka sa akin sa susunod. Okay?"

Sagot nitong, "Oo, naintindihan ko."

...

Nakita nalang namin na naghihintay ang Dark Boa na matapos ang aming conversation.

"Tapos na ba kayo? Alam niyo, kanina ko pa kayong gustong paglaruan?"

Dito ay sumugod kami ni Sphere ng walang alinlangan sa halimaw na iyon.

Umatake ng mabilis si Sphere at ginamit ang kanyang move.

"Spherical Slash!"

Natamaan nga ni Sphere ang balat nito kaso hindi ito tumalab.

Sa sobrang tigas at kapal ng balat ay nabali ito.

Tinawanan lang ng Dark Boa ang aming mga atake.

Dahil dito ay bumulong sa akin si Sphere at sumang-ayon naman ako sa sinabi niya.

Sa kanyang pagtawa ay may hinugot si Sphere sa loob ng kanyang mga medyas na dalawang dagger.

Tumalon ito ng mataas at agad nitong itinurok ang dalawang dagger sa mata ng Dark Boa.

Dito ay napasigaw sa sakit ang halimaw na iyon.

...

"Aray! Isang kalapastanganan ang inyong ginawa sa tagabantay ng kwebang ito. Hindi ako makakita! Hindi!!!"

Sa pagkakataong ito ay nakaipon na ako ng maraming mana kaya pwede na akong gumamit ng magic.

Unti-unti naming inatake ang mga mahihinang spot ng halimaw.

Ginamit ko na rin ng maraming beses ang aking hanggang ultimate move hanggang sa sabay namin siya tinapos.

Natuwa kami ni Sphere dahil napuksa namin ang napakalakas na halimaw!

...

"Mia, nagawa natin!" Tuwang sabi sa akin ni Sphere.

"Tignan mo, kaya natin diba." sabi ko.

Tapos, agad kong hinalikan sa pisngi si Sphere.

"Para saan naman iyon?" Tanong niya habang nagba-blush.

"Wala. Pasasalamat lang iyon dahil hindi mo na ulit ako iniwan."

...

Pagtingin ko sa aking magic book ay pareho kaming na-promote bilang Class-E ni Sphere.

Ibig sabihin ay hindi na kami beginner kundi nasa average status na kami.

Hindi na rin masama dahil malaki na rin ang aming in-improve.

...

Patuloy nga kaming naglakbay sa loob ng kweba hanggang nakatungtong na kami sa dulo.

Sa dulong ito namin nakita ang isang treasure chest.

Pagbukas namin nito ay nakita namin ang mahahalagang bagay.

Tatlong pirasong nuggets, big mana potion at isang steel sword.

Sobrang tuwa namin ni Sphere hindi lang sa na-promote kami sa rank kundi sinwerte kaming nakakuha ng mga ganitong bagay.

Totoo ngang may ginto dito sa loob ng kweba; ang tatlong nuggets na ito ay pwedeng ibenta sa merchant ng malaking halaga.

Ang big mana potion naman ay agad kong ininom dahil mage na tulad ko ang effective. Pinataas lang naman nito ang capacity ng aking mana.

Habang si Sphere naman ay kinuha ang steel sword.

...

"Mia, akin na itong steel sword, susubukan ko ulit gumamit nito."

"Paano na ang mga daggers mo? Mas magaling ka yata doon?"

"Hayaan mo na, ibebenta ko nalang. Sa totoo lang, mas magaling talaga akong gumamit ng espada. Simula noong nabali ko ang luma kong espada, dagger na ang ginagamit ko. Kaya ngayon mayroon na naman akong espada, ipapakita ko sa iyo Mia kung gaano kagaling gumamit nito."

Dito ay ipinakita sa akin ni Sphere ang kanyang mga moves. Namangha ako dahil sa bilis ng kanyang paggamit ay umiilaw pa ang kanyang pagwasiwas.

...

Pagkatapos non, naisipan naming magpahinga ni Sphere sa loob ng kweba dahil sa pagod.

Itinago ko ring mabuti ang tatlong nuggets para hindi makuha ng mga goblin monster kung meron man.

Hindi ko namalayang tulog na pala si Sphere at pagpikit ko sana sa aking mga mata ay agad akong yinakap ni Sphere.

Hihiyaw na sana ako kaso baka magising si Sphere kaya I feel like I am blushing nalang.

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin.

Yinakap pa niya ako ng mahigpit at nape-press na dibdib ko sa kanya at hinawakan ang aking balikat.

Tapos, narinig ko ang kanyang sleep talking.

"I really like you, Mia. I love you!"

Napaisip nalang ako ng, "Now way, no way, no way!"

I feel like I am hotter and hotter.

Para pigilan ang nangyayaring ito, wala akong nagawa kundi itulak si Sphere kaya nabitawan niya ako.

Buti nalang at hindi siya nagising.

That time I feel like I am really starting to like Sphere.

I don't know why but I think if we always be together in our journey, it is really developing over time like now.

Natatawa lang ako sa aking sarili na ang isa sa mga kinaiinisan kong lalaki noon ay nagugustuhan ko na ngayon. Lintik na pag-ibig to!

The Rise of the Perverted Elite WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon