Chapter 7: Blacksmith

39 6 19
                                    

MIA POV:

Natalo man namin ang halimaw na iyon ay still nasa E-Class pa rin kaming dalawa ni Sphere.

Kahit ganon ay ang taas ng naidagdag na Experience points sa aming rank.

Mas mataas pa kaysa sa mga kinalaban naming D-Class na si Dark Boa.

Pero ang ikinatutuwa namin ay nakakuha kami ng tatlong emerald sa natalo naming Gas Skull.

...

Nilisan namin ni Sphere ang Village of Altaria at nakita namin ang puno ng mansanas na ang kulay ay ginto.

Sa gutom namin ay naakit kami dito at mabilis kaming pumunta doon.

Sa kasamaang palad, nahulog kami sa patibong na malalim na balon.

Nahulog kami hanggang tumalbog kami sa isang dambuhalang slime!

Dito ay agad kong pinailawan ang loob ng balon at nakita namin ang isang malaking gulaman!

Sa gutom namin ay kinain namin ang slime na akala ko ay gulaman.

Pagtikim ko ay agad ko itong inilabas dahil ang pangit ng lasa.

...

"Yuck! Lasang kanal!" Sigaw ko.

Dito ay biglang nagsalita ang slime.

"Mga baliw! Hindi ako pagkain, ako si Ekim, ang pinakamalaking slime sa loob ng balon na ito!"

Sa kanyang pananakot ay dito na rin kumilos si Sphere.

Hinati niya sa dalawa ang E-Class na si Ekim hanggang sa pinagpira-piraso nito sa maliliit na pieces.

Bilang pagwawakas ng halimaw na ito ay ako na ang sumira ng kanyang core crystal at siya ay instant na naglaho.

...

Sa loob ng balon na ito namin ipinagpatuloy ang paglalakbay ni Sphere para humanap ng labasan.

Nafigure out namin na ang balon na ito ay talagang natuyo. Tapos, nagulat kami ng mayroon itong madaanan.

Habang naglalakad kami sa looob ng creepy na balon na ito ay nakita namin ang mga dagang nagtatakbuhan.

Nakita namin ang pumapatak na tubig at nakita namin ang isang nakapondong tubig na puno ng carps.

Pero sa gutom namin ay hinuli namin ang nga karpa at saka iniihaw.

Dito kami nanguha ng lakas para makalabas.

Naghanap kami kung saan-saan. Kung saan saan kami pumupunta hanggang sa may makita kaming mga buto ng mga sinaunang halimaw.

Nakita ko ang buto ng Lolongusaurus, Boy Caloocanosaurus at Johnny Sinsaurus.

May buto pa akong kamukha ng isang  malaking ano.

Tapos, isang buto ng basta kabugis lang.

Linampasan nalang namin para wala ng iisipin.

...

Isang oras kaming nagtagal at sobrang lungkot lang dahil nawawalan na kami ng pag-asang makalabas pa sa balon na ito.

Dahil nagutom na naman ulit kami ay nanghuli na naman kami ng isda hanggang sa ito ay aming maubos.

Ipinagpatuloy namin ulit ang paglibot hanggang sa may nakita kaming isang maliit na bahay na tagpi-tagpi.

Sinubukan naming katukin ang pinto kung may tao pero wala naman.

Wala kaming ginawa kundi layasan nalang ang bahay na ito.

Kaso, bigla nalang na may nagbukas.

...

"Yes! Salamat! Salamat! May magliligtas na sa akin. Makakalabas na rin ako dito!"

Matapos kong mapakinggan ang kanyang tinig ay nakita ko ang pandak at matandang kalbo.

Pang senior citizen na ang datingan pero ang laki ng katawan.

Dito ay tinanong ko siya.

...

"Sino ka ba?"

"Ako si Calbo Teteng ang Blacksmith. Ang matagal ng naririto dito sa Lost Well! Kung mailalabas niyo ako dito, palalakasin ko ang inyong magic at armas!"

Dito ay pinagtulungan agad namin ni Sphere na ihagis si Calbo papataas ng balon at nagtagumpay naman kami.

Nakita naming tumalon-talon si Calbo sa taas at habang kami ay nasa loob pa din.

Sa kabila ng aming pag-ahon kay Calbo ay ang isusukli niya, pang-aasar.

...

"Be-be-bi-be-be! Diyan nalang kayo mga panget!" Sigaw niya sa amin.

Sa kanyang kasinungalingan ay agad kong ginamit ang aking non-attack magic.

"Lamp, Light Rod!"

Sa pamamagitan ng aking ilaw ay ginawa ko itong tali.

I know that it brokes the law of physics pero kung magic ang pag-uusapan ay walang imposible.

Itinali ko ang kanyang paa at dito siya nabigla at nakita ko sa taas na nahuhulog na pala siya.

Kumapit siya ng mabuti habang kami ay umaakyat na sa tali.

Nakatungtong kami sa kanya hanggang sa makarating na rin kaming sa ibabaw ng lupa.

Kahit ganon ang ginawa sa amin ni Calbo ay inilabas ko pa rin siya.

...

"Bakit, hindi niyo ako inihulog, ang pangit na nga ng inasal ko." Sabi niya.

Sabi ko naman, "We don't need your manner, we need you being our blacksmith."

Dito ay agad na lumuhod sa amin si Calbo at humingi agad ng paumanhin.

"Oo na, pasensiya na kayo sa aking ginawa, kaya ako naitatapon ng aking customer sa lost well dahil sa ugali kong to."

Pinatawad nga namin Calbo kahit na ganon siya.

...

Dito ay tinupad ni Calbo ang kanyang pangako dahil sa aming pagliligtas sa kanya.

Agad naming ibinigay ang steel sword at saka lamp.

Dito ay agad na gumawa ng isang magic enhancer si Calbo sa aming mga weapons.

Umilaw nalang bigla ang aming weapons hanggang sa nagbago ang mga anyo nito.

Makikita mo talagang lumakas nga ang mga weapons dahil sa maangas nitong pagbabago.

...

"Tapos na ang pag-enhance. Ibinigay ko na ang aking lahat ng aking makakaya para ilabas lahat ng aking mahika. Magagamit niyo na ang Lamp at Steel Sword sa 100% nitong lakas base pa rin sa inyong rank which is E-Class."

Dito ay nagpasalamat kami ng sobra kay Blacksmith.

Sinubukan nga naming lumaban sa mga E-Class Monster sa daan at naramdaman namin ang lakas ng aming mga atake.

Nagugustuhan namin ang pakikipaglaban dahil sa dali nilang mapuksa.

Dito ay unti-unti na naming maabot ang D-Class rank.

Hanggang sa maabot namin pero nag-stay pa rin kami sa E-Class.

Labis ang pagkainis namin ni Sphere dahil hindi kami mapromote.

Iniisip ko tuloy na baka nasira na ang aking book magic.

Pero hindi, dahil pareho ang nangyayari sa akin kay Sphere.

Tinanong namin ang aming problema kay Blacksmith pero wala itong alam tungkol dito.

The Rise of the Perverted Elite WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon