chapter 4

19 2 0
                                    


Brother

Pagkatapos ko mag muni-muni sa Puno napagpasyahan Kong umuwi na sa baha- I mean Bahay ni Cristel.




inakyat ko ang Puno sa tabi Ng bintana at tumalon mula roon, para makapasok sa Bahay.




Ayokong dumaan dun sa pintuan baka kase may makakita saken.




Pagkapasok ko sa bintana, nagulat Ako Ng bigla nalang may sumigaw.




"Ethel?! Anong ginagawa mo Jan?" Sa gulat ko ay napaupo Ako sa sofa malapit sa bintanang pinasukan ko.




"..." Tinitignan kolang sya habang hinihintay ang susunod na sasabihin nya.




"Speak." Tinignan nya Ako Ng masama kaya napalunok Ako. 'fuck! Bat Ako kinabahan?!'.




Pocker face ko syang tinignan at ininda Ang kaba ko. "Matutulog nako." Maglalakad na sana Ako Ng bigla nyang hawakan ang pulu-pulsuhan ko.




"Kelan kapa natutong talikuran Ako! Ethel speak! Do you really want to test my patience?" 'seriously? What's with the random name?!'




Iritado nya akong tinignan. Napalunok ulit Ako.




"Sa labas. Naglakadlakad lang." Bumuntong hininga sya tsaka Ako binitawan.




"Wag Kang magpapagabi sa labas. Delikado." Hindi ulit Ako nagsalita dahil Hindi ko naman alam Ang isasagot ko.
" Hayst..Nakausap mo na ba si dad?" 'anong sasabihin ko?! Tangina di ko pa tapos tong chapter nato. Ni hindi ko nga alam kung anong susunod na mangyayare eh. May sariling buhay Ang mga characters ko!!'




"No." Yan lang ang naisagot ko habang pilot na pinapakalma ang aking sistema.




"Ethel. How many times do I need to tell you? Call me kuya."




"Tss." -ako.




"Isa.." paghahamon nya. 'Bat feeling ko close kami kahit kakakilala ko lang sakanyay?'




"ok KUYA" I emphasize the word 'kuya' para talaga ma feel nya.




"Ok bunso. Magpahinga kana." Pinat nya ang Ulo ko. Ginulo-gulo nya pa ito kaya napasimangot Ako. 'aishh. Bat ba Ako nagpapahawak Ng Ulo?'.




Pumunta nakong kwarto at naupo Ng kama. Tinignan ko ang kabuuan Ng kwarto ni Cristel. Kulay grey at white ang theme. May book shelves sa tabi ng queen sized bed nya tsaka may mini living room din at sariling Cr tsaka Walk in closet. Pumasok Ako sa walk in closet nya para tignan Ang mga damit. Napangiti Ako Ng makitang puro oversized, sweat pants/shirts, jeans at sapatos ang laman non. 'not bad.'




Natigilan Ako sa paghahalungkat ko ng damit nang may kumatok sa pinto.




"Ethel, kuya moto."- I don't know his name.




"Come in." Bored na sagot ko. Muli akong umupo sa bed.




Matapos nyang isara ang pinto tumabi sya saken sabay tsaka inabotan Ako Ng libro.




" Yan na yung pinapabili mo sakeng libro. Ano bang nagustuhan mo Jan eh title palang muka Ng sad ending."




'I Love You Till My Last Breath' Ang title Nung book at Tama nga sya, mukang tragic Ang isang to. Biglang pumasok Ang isang katanungan sa aking utak..




DARKEST SECRETS [the princess of Death Worlds]Where stories live. Discover now