Chapter 17

1.1K 61 4
                                    

Tatlong araw na simula nang dalhin si Yara sa isolation room dahil nag-positive siya sa rapid test for COVID. Noong araw rin na iyon, nag-perfrom ng swab test at hanggang sa kasalukuyan, wala pang resulta.

Sa tatlong araw rin na iyon, nakahiga lang si Yara at naghihintay ng resulta kung positive ba siya o negative sa swab testing. Hindi naman siya nakararamdam ng kahit ano. Iyong hingal niya noong araw na iyon ay dahil sa anxiety. Wala rin siyang balita kay Dri lalo na at lowbat na siya at walang mapagsaksakan.

Yara was feeling positive that all the results would be negative. Ang weird sabihin, pero ngayon niya hihilinging maging negative sila ni Dri. Gustong-gusto niya itong makausap, pero hindi niya alam kung paano.

Gusto sana ni Dri na magkasama silang dalawa ngunit dinala si Yara sa isolation area malapit sa hospital. Hindi naman alam ni Yara kung nasaan si Dri dahil ayaw sabihin ng mga nurse sa kaniya.

Tatlong araw lang daw ang resulta. Pinaiinom na rin si Yara ng vitamin C pampalakas ng immune system, pinakakain nang maayos, at halos araw-araw tsine-check ng mga nurse kung kumusta ang lagay niya.

Habang tumatagal si Yara sa isolation room, mas lumalala ang anxiety niya. Mabilis ang tibok ng puso, hindi makatulog, hindi makakain nang maayos, at may mga pagkakataong pakiramdam niya, hindi siya makahinga. Gabi-gabi siyang inaatake.

Isa pa, ngayon siya nakaramdam ng lungkot sa pag-iisa.

Kung dati, sanay siya na may Yara lang, iba ngayon. Nasanay siya sa presensya ni Dri na hinahanap-hanap niya ang kakulitan nito. Hindi rin nakatutulong na nag-aalala na siya at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya.

Yara expected na third day na, makukuha na nila ang resulta, pero hanggang sa kasalukuyan, wala pa rin. Dumating na rin ang nurse para sa routine check. Iba ang pakiramdam ni Yara nang i-check siya at hindi sila nagkamali nang makitang may sinat siya.

"Nahihirapan ka bang huminga?" tanong ng nurse sa kaniya.

Bahagyang tumango si Yara. "Medyo, pero baka dahil sa anxiety ko lang 'to. Nag-o-overthink na naman ako. Wala ka bang balita roon sa kaibigan ko? Adriano ang pangalan niya."

Umiling ito. "Naku, pasensya ka na. Baka iba ang nagha-handle sa kaniya. Kapag may nakilala akong Adriano, sasabihin ko kaagad sa 'yo," sabi nito na may inilagay sa daliri niya para sa oxygen. "Okay naman ang oxygen level mo, pero imo-monitor ko ito, ha? Lalo na't medyo may sinat ka. Kapag may iba kang nararamdaman, sabihan mo kaagad ako."

Tumango lang si Yara bilang sagot. Panay na ang patunog niya ng daliri dahil sa kaba. Ni hindi pa niya nakakausap ang magulang niya tungkol sa sitwasyon niya dahil na-lowbat siya. It was actually not her priority dahil kapag naging okay siya, hindi na rin niya sasabihin sa mga ito ang nangyari sa kaniya.

Ang inaalala niya ay si Dri. Wala siyang balita, ni hindi niya alam kung nasaan ito at gustong-gusto na niya itong makausap. Gusto na niyang malaman kung ano ba ang nangyayari, pero walang may alam.

Na-realize rin ni Yara na habang mas tumatagal siya sa isolation, mukhang mas lalo siyang magkakasakit. Hindi dahil sa lugar kung hindi dahil sa pag-aalala. Iba ang pakiramdam na nakakulong.

Kung dati, gusto niya ang pakiramdam na mag-isa na lang siya, iba sa pagkakataong gusto niyang makita si Dri para makausap. Sa hindi inaasahang pagkakataon, hinahanap niya ito. Gusto niya itong makita, makausap, at gusto niyang kulitin siya.

She wasn't even expecting to feel that, but she did.

Ni hindi na niya naisip ang pamilya niya o ibang kaibigan dahil si Dri lang ang gusto niyang makausap sa pagkakataong iyon. Dri knew how to calm her and she needed that.

No DistancingWhere stories live. Discover now