Chapter 5

3.4K 250 118
                                    

Ipinalibot ni Dri ang tingin sa paligid. Mataas na mataas ang tubig at halos hindi na makakilos ang nakararami. May ilang tuloy pa rin ang buhay lalo na ang mga nagtitinda sa gilid ng kalsada.

Kahit mahirap lumusong, sinubukan ni Dri na umalis ng condo kung saan sila nag-stay ni Yara.

Dalawang araw na ang nakalipas, pero hindi pa rin ito nakauuwi ng probinsya. Bukod sa mataas pa ang baha sa ibang lugar, kanselado rin ang ilang biyahe pauwi sa probinsya.

Umuwi rin muna si Dri sa apartment niya para kumuha ng gamit. Sinabi naman nina MJ at Mika na ayos lang na mag-stay muna sila sa condo ng mga ito dahil wala rin namang booking, isa pa, alam niyang ayaw ni Yara na sumama sa kaniya sa sariling bahay. Iniwanan din muna ni Dri ang sasakyan sa condo at naglakad na lang hanggang sa makahanap ng posibleng sakayan.

Inaasahang parating na rin ang mata ng bagyo, pero marami na ang apektado. Hindi na magkandaugaga ang mga tao at nagpa-panic na lalo sa area ng Marikina, Rizal, at sa ilang mababang lugar. Wala pa ang bagyo sa Manila, mataas na ang baha.

Bago makarating sa condo, dumaan na muna si Dri sa isang supermarket para bumili ng pagkain. Puro na lang din kasi noodles ang kinakain nilang dalawa ni Yara at oo, dalawang araw na silang magkasama.

Walang problema dahil mas madalas naman silang hindi nag-uusap. Yara was busy reading a book and she was trying to divert her attention to stop overthinking. Mabuti na rin iyon para kay Dri dahil napapansin niyang mas napadadalas ang paninigarilyo nito kapag malalim ang iniisip.

Si Dri naman ay minsang umaakyat sa condo nina MJ para hindi mairita si Yara sa kaniya. Napapanis na rin kasi minsan ang laway niya dahil hindi man ito nagsasalita. Ayaw naman niyang maging makulit.

Pagbukas niya ng pinto, naabutan niya si Yara na nanonood ng TV. Nakapatong ang baba nito sa tuhod habang hawak ang remote.

Tumingin ito sa kaniya at ngumiti. "Uy, mataas pa ang tubig sa labas?"

"Oo, eh." Ibinaba ni Dri ang mga plastic sa lamesa. "Maliligo lang muna ako, nabasa ako. Nakabili rin ako ng mga pagkain at possible na ulam. May damit na rin diyan para sa 'yo, kaso malalaki."

Tumango si Yara at tumayo para ayusin ang grocery na pinamili ni Dri. Nahihiya na siya dahil mas madalas na ito ang bumibili ng pagkain nila, lalo na at wala siyang pera. Nag-message na rin siya sa magulang at mga kapatid sa probinsya para makahingi ng kaunting tulong dahil walang-wala na siya. Nagtatanong na rin si Yara sa ilang kaibigan kung may puwedeng matuluyan.

Mayroon naman at walang problema sa mga ito, ang kaso lang, walang madaanan dahil sa tubig baha. Sinabi na rin niya kay Dri na puwede na siya nitong iwanan, pero hindi ito umaalis. Mabait naman ito, nagkakasundo naman sila ilang bagay lalo na sa views sa buhay, pero nahihirapan pa rin si Yara na makibagay.

She was trying . . . so hard.

Nakita niya na may manok itong binili kaya naman naisipan niyang magluto ng arrozcaldo. Sakto naman na hinahalo niya iyon nang lumabas si Dri mula sa banyo habang tinutuyo ang mahabang buhok.

"Marunong ka palang magluto niyan." Ngumiti si Dri.

"Tingin mo naman sa akin." Umirap si Yara at dinampot ang kapehang nasa lababo. "Nagpainit ako ng tubig, gusto mo ng kape?"

Tumango si Dri. "Puwede naman, misis."

"Hala, ang gago!" Sumama ang tingin ni Yara at nangasim pa nga dahil sa sinabi ni Dri. "Maupo ka na lang doon bago mo ako mainis."

"Ay ang misis, naiinis."

"Tangina, Adriano," singhal ni Yara at mahigpit na nakahawak sa mug. "Tumigil ka kundi ibubuhos ko 'tong kape sa 'yo."

No DistancingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon