WDYS 4 - Acquaintance Party

31 8 1
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!

Chay's POV
"SIGURADO ka na ba talagang ayaw mo sumama?" Tanong sa akin ni Shairy. Tumango lang ako habang tinitingnan silang dalawa ni Lyka sa salamin. Dito kasi sila nagkakalat sa kwarto ko. Si Francis naman ay buhok na lang ang inaayos. Pormadong-pormado ito sa suot niyang full black-purple outfit.

"Hindi masaya ang buong grade eleven wisdom kapag may kulang kaya huwag ka ng mag-inarte at sumama ka na sa 'min. May isang oras at tatlongput minuto pa namang natitira para makapag-ayos ka," sambit ni Lyka.

"Kapag hindi ka sumama, sigurado ako na malulungkot iyong mga Junior High na nagkakagusto sa 'yo," sambit ni Francis na sinamahan pa ng pagkindat ng mata. Tiningnan ko lang sila habang sige lang sa pagkain ng ice cream.

"Sa isang taon, isang beses lang nangyayari 'to. At baka nakakalimutan mong dalawang taon ka ng hindi uma-attend," paalala ni Shairy na sinang-ayunan ng dalawa. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil biglang sumulpot ang kambal at lumapit sa akin.

"Kuya Chay is it true that you don't want to go to the party?" Lilly asked me and I just nodded. "Why? You should go."

"Yeah, you should go po." Singit ni Lexie kaya nilingon ko ito. "Narinig kong sasamahan ka ni kuya kung pupunta ka. Masama kasi ang pakiramdam ni Ate Amber."

"Ayon naman pala..." agaw eksena ni Lyka sa mapanuksong tono. "May sasama naman palang sikat at guwapong artista saka singer pa... 'yan ang sana all! 'Di ba mga friends?"

"But don't spread it that my brother is an actor and singer," seryosong sambit ni Lexie kay Lyka.

"Masusunod po, Kamahalan," tugon ng tatlo, mga loko-loko talaga.

"Come with us kuya." Yaya ni Lilly sabay hila sa akin. Kinuha naman sa akin ni Francis ang hawak kong cup pati kutsara.

Pagdating namin sa kwarto ng Kuya Kian nila ay bihis na bihis na ito. Naka-fitted black jacket siya at denim jeans. At heto na naman ang puso ko, bigla-bigla na lang bumibilis ang tibok kapag nakikita ko siya. Napakaseryoso at lamig ng titig niya sa akin. Kinilabutan tuloy ako.

Bakit ba parang ang sungit niya tingnan palagi? Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti except sa mga pictures na nakita ko sa internet.

"Pupunta na raw po siya," nakangiting sambit ni Lilly. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata at umiling-iling dahil wala naman akong sinasabi. Basta na lang nila akong hinila papunta rito.

"Yeah! It's true! He wants to go na..." singit ni Lexie at tinulak nila ako ng mahina.

"That's good. Come here, let me help you and find what suits you," seryosong sambit ni Kian. Hinawakan niya ang kamay ko nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at pinaupo niya ako sa higaan niya. Nang lingunin ko ang kambal ay nakangiti sila pareho sabay sabi sa isa't isa ng mission accomplished.

"May attire code ba iyong party niyo?" Cold na tanong ni Kian habang na sa clothing room niya.

"Wala naman pong sinabi sa 'min," sagot ko.

"Kung ganoon... Siguro ito na lang ang isuot mo. Tiyak na kakasya 'to sa 'yo lalo na halos magkasing tangkad lang naman tayong dalawa. Huwag ka ring mag-alala kasi hindi ko pa naman 'to nagagamit."

Navy blue pinstripe suit with light green polo shirt and brown shoes ang inabot niya sa akin. Nagdadalawang isip naman akong isusuot ito dahil nakakahiya lalo na hindi pa pala niya nagagamit.

"Huwag ka ng magdalawang isip, tumatakbo ang oras at kailangan maayusan na kita nang makaalis na tayo." Sabay pinagtutulak ako papunta sa clothing room niya.

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLWhere stories live. Discover now