VIII. SECOND MOM

839 31 0
                                    

JEMA'S POV

Simula nang opisyal na maipakilala ang mga lalahok sa SOTY Competition ay naging busy na si Dean. Sa totoo nga niyan ay namimiss ko na ang kakulitan niya. Isang buwan lang kasi ang nakalaan na preparasyon nila. At puspusan na ang ensayo ni Dean. Nalalapit na din kasi ang pagsisimula nang naturang kumpetisyon.

Andito lang kami sa room ngayon dahil hindi pa nagiistart ang klase kaya naman naisipan kong tumambay sa may bintana.

"Jisikaaaaa!"

Sigaw ni Dean mula sa field, kumakaway at tumatalon talon ito na parang bata. Nakakatuwa din ito si Dean, para siyang walang pake sa maaaring sabihin nang mga nakakakita sa mga ginagawa niya ngayon.

Kumaway na lang ako saka

"Fighting" I mouthed kasabay nang pagyukom ko nang aking kamao. At nakita ko namang tumango ito saka muling bumalik sa practice niya.

Ang napiling Kategorya nang SOTY Competition for this year ay sports lamang, which Jho and our friends believe na strength ni Dean.



DEAN'S POV

Ngayon ang unang araw nang kumpetisyon, andito na ako sa kwarto kung nasaan ang mga athlete upang maghanda.

"Hi, Dean" bati nang isang kalahok, tinignan ko lamang ito

"Who would've thought that it's you I am going up against... again" he said.

And smirked.

"Mukhang star student nga si Miss Galanza based on Sir Buenaventura" dagdag niya

"Hanggang ngayon ba naman ganiyan ka pa din kadumi maglaro?" Sagot ko sa kaniya habang diretsong nakatingin pa din sa kaniya

"We all had our dirty little tricks, Wong" nakangising sagot nito

"Masaya ba lumahok nang walang threat sa'yo? Sabi ko naman sa'yo... enjoy it, while it lasts" sagot ko sa kaniya

"Ano kayang pakiramdam na maging seatmate si Ms. Galanza? She's pretty, I bet she's smart too"

Napatayo naman ako at nilapitan siya, mata sa mata

"Don't you dare touch her... Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo"

May diin ang bawat salitang binitawan ko sa kaniya ngunit hindi ito nagpapatinag. Bigla naman siyang tinawag ni Mr. Buenaventura

"De Jesus, magsisimula na" tawag nito kay Elly, ngumiti ito sa akin nang mapangahas sabay tapik sa aking balikat at naglakad na palabas


Si Elly De Jesus. Ang sisira nang araw mo, ang huling taong gugustuhin mong makita.




JEMA's POV

"Ready na ba kayo mapanuod ang mga atletang hinahangaan ninyo?!!" Malakas na sigaw nang Emcee sa mga estudyante kasunod nito ay ang nakabibinging hiyawan nang mga manunuod na susuporta sa mga kalahok.

Isa isa nang tinawag ang mga Kalahok at...

"Elly De Jesus! from IV - St. Victoria!"

Malakas na hiyawan ang dumagundong sa pagkatawag nang isang atleta. Nakita ko pa itong kumaway kaway sa kaniyang mga taga suporta. At nang magtagpo ang aming mga mata ay nakita kong ngumiti ito at kumindat pa sa akin na labis na kinakunot nang aking mga noo.

"Sino ba yung feeler na yon sa kabilang section?" Tanong ko kay Jho na nakaupo sa tabi ko, ni hindi siya pumalakpak sa naging pagpasok nang lalaking yon.

51ST CONFESSIONWhere stories live. Discover now