XVI. DARAGANG MAGAYON

935 35 4
                                    

JEMA'S POV

Napapadalas yung pagiging clingy ni Dean sakin, naglalakad kami ngayon ni Dean dito sa hallway dahil pinatawag kami ni Ms. Gagarin at pinagtitinginan kami nang mga estudyanteng nakakasalubong namin. Paano ba naman itong isang to, nakapulupot pa yung braso niya sakin, hindi ko tuloy maiwasang mailang sa mga matang nakatingin samin, pero itong isang to dedma lang.

"Dean, pwede bang maglakad ka naman nang maayos?" sabi ko sa kaniya habang pilit tinatanggal yung kamay niya sa braso ko

"Maayos naman ako maglakad ah" sagot niya pero lalo niya lang pinahihigpit yung pagkakakapit niya sakin

"Hay nako Wong, pinagtitinginan na kasi tayo" sabi ko sa kaniya

"Ano naman? Wala naman tayong masamang ginagawa ah" taas noong sagot niya

"Ewan ko na lang kung masabi mo pa yan kapag nakita na tayo nang mga Teachers dito" sabi ko at sakto namang lumabas si Ms. Peñaflor kaya mabilis siyang napabitaw sakin

"Good afternoon po! Ms. Peñaflor" nakangiti niyang bati, at nang mapalingon siya sakin ay nginisian ko lang siya.


"Tamang tama, Ms. Galanza, Mr. Wong, upo muna kayo dito" sabi ni Ms. Gagarin nang makapasok kami sa Teacher's Office.

"Pinatawag ko kayo dito, dahil kakailanganin ko nang tulong niyo..." nagkatinginan naman kami ni Dean saglit at muling binaling ang tingin namin kay Ms. Gagarin

"Siguro naman ay aware kayo na ako ang may hawak nang Multimedia arts club, gusto ko kasi sanang palawakin pa ang kaalaman nang mga estudyante patungkol sa historya nang Pilipinas thru that Club. I want you to do a coverage sana regarding Region V - Bicol, this weekend with me. I'll be guiding you naman since you are both minors. Uhm... Maaari ko ba kayong maasahan sa darating na sabado't linggo?" sabi ni Ms. Gagarin na akala mo ay dyan lang sa kanto ang Bicol. 

"Also, regarding pala sa Guardian's consent ay magbibigay naman ako sa inyo nang form." dagdag ni Ms. Gagarin

"That will be exciting Ma'am, pero pwede po bang magrequest?" sabi ni Dean kaya napalingon naman ako sa kaniya bigla

"Ano yun?" tanong ni Ms. Gagarin

"Pwede po ba naming isama yung mga kaibigan namin? Mas marami, mas masaya at mas marami din tayong makakalap na information." sabi ni Dean

"Uhm... As much as I wanted to Dean, kaso hindi papayag ang ating School Officials" sabi ni Ms. Gagarin, parang medyo lumungkot naman si Dean

"Okay, ganito na lang... You can bring two more companions pa, ako lang kasi ang makakasama niyo during that trip, kaya hindi ako mapapayagan na magsama nang maraming estudyante. Four students will do, including the both of you" ani Ms. Gagarin

"Okay na po yun Ma'am, as long as may makasama pa kaming iba" sabi ni Dean. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak nito.

"Ms. Galanza?" baling sakin ni Ms. Gagarin na animo'y naghihintay na aking sagot

"Ah, Opo. No problem po, madali lang naman po magpaalam sa Guardian ko" sagot ko

"That's good. Ito ang mga form, apat na yan. Pa-fill up niyo agad sa isasama ninyo. Also inform me agad kung sino ang napili ninyong isama. Okay?" Sagot ni Ms. Gagarin at tumango na lamang kami. Hindi naman na kami nagtagal at lumabas na nang Teacher's Office.


"Jessica, si Bei at Ate Jho na lang ang isama natin, tutal pareho silang reliable lalo when it comes to History. Saka para mabilis kang payagan kasi Ate Jho is coming with you" sabi ni Dean habang naglalakad kami dito sa Hallway pabalik sa classroom.

51ST CONFESSIONWhere stories live. Discover now