XXIV. WRIST WATCH

1.2K 30 10
                                    

JEMA'S POV

Bilang ako ang nasa top choices ni Mr. Javier na pumalit sa kaniyang posisyon ay madalas ako na ang inaatasan niyang umattend nang mga meeting, I was about to attend a lunch meeting, malapit na ako sa area nang ininform ako ni Mr. Javier na biglang nagmove ang sched nang kikitain naming investor dahil nagkaroon nang personal problem ito. Since nasa mall area na din naman ako, I took the opportunity na magikot ikot na lang muna dito, since Mr. Javier also informed me na I can have the rest of the day since the meeting suddenly got cancelled.

I was just looking around nang bigla akong may nakitang magandang relo, at si Dean agad ang naalala ko nang makita ko ito. I was about to take a look at it closely nang biglang may kasabay akong babaeng nagtanong tungkol rito

"Miss, Can I take a look at this one?" we said in unison

"Oops, sorry." sabi nang isang matangkad at petite na babae

"No, it's okay. I was just looking lang naman" sabi ko pero deep inside ayoko sana i-let go. 

"Ang ganda kasi nang relo, I was reminded by someone special to me nang makita ko" sabi niya

"Same feels" maikling tugon ko at ngumiti na lang

"Let's ask the sales lady na lang if may another stock, since I can see in your eyes na you want it badly din" nakangiting suhestiyon niya kaya tumango na lang ako

"Uhm, miss may another stock pa ba kayo nito?" tanong nung babaeng matangkad sa sales lady

"Sorry po Ma'am, last stock na po iyan, limited edition po kasi yan. Nag-iisa lang po iyan dito sa Pilipinas" sagot nang sales lady na ikanalungkot ko naman

"Ganun ba?" sagot nang babaeng matangkad at parang nag-iisip pa siya kung magpaparaya siya

"I think you should take it" sagot ko na lang, nakita ko din kasi yung price nang relo. Hindi biro yung presyo, very limited edition yung datingan. 

"No, ikaw na lang miss" sagot niya naman

"Hindi, okay lang talaga" sagot ko

"Sure ka?" tanong niya at deep inside gusto ko sabihin na, I want it so bad kahit ang mahal mahal niyan

"Yeah, okay lang" I said in defeat. 

Then she smiled

"Thank you" nakangiting sagot nito

"Let me make it up to you na lang. I'll treat you na lang nang lunch, and I won't take no for an answer, kasi baka hindi ako makatulog neto, I feel really bad talaga" mahabang paliwanag niya at nagpout pa. Napaisip naman ako, free time ko naman kaya

"Sige na nga" sagot ko

"Yey!!" masayang tugon niya, nagbayad lang siya at saka inaya ako sa isang restaurant. Mukha naman siyang mabait although she's a complete stranger. Inangkla niya pa nga agad ang kamay niya sa braso ko habang naglalakad kami patungo sa restaurant na sinasabi niya.

"Oo nga pala, before everything else, what's your name nga pala?" nakangiting tanong niya, andito na kami sa loob nang restau at naghihintay na lang nang mga inorder niya

"Jema, Jema Galanza" nakangiting sagot ko

"I'm Ivy. Ivy-" she was interrupted by a phone message, tinignan niya lang ito nang mabilis bago bumalik uli ang tuon sa akin

"Pasensya ka na , I was interrupted by a text. Kakauwi ko lang kasi dito sa Pinas. Sobrang tagal na since the last time I was here" paliwanag niya

51ST CONFESSIONWhere stories live. Discover now