CHAPTER 11:

4.1K 93 2
                                        

"Wow,Ate! Ang ganda at ang laki ng bahay!'wika ng mga kapatid ni Giana.

"Oo nga ate,ang ganda!"dugtong pa ng mga ito.

"Saan ka naman nakakuha ng pambili sa ganitong kalaking bahay?"tanong ng Tatay ni Giana.

Napalunok si Giana..hindi nya alam kung paanong sisimulan ang pagkukuwento...hanggang sa isang kotse ang tumigil sa harap ng kanilang bagong bahay..save by the bell..si Levy ang dumating.

"Magandang umaga po!'magalang na bati ng binata sa lahat.

"Teka,ikaw yung naghahanap kay Ate diba?'tanong ng kapatid ni Giana.

"Ako nga!'nakangiting wika ni Levy.

Napatingin naman ang Tatay ni Giana sa anak...napansin naman iyon ni Giana..palihim na siniko ng dalaga ang binata..wari ay nahingi ng tulongbpara ipaliwanag ang lahat.

Nakaintindi namn si Levy..agad itong nagsalita.

"Gusto kompo sanang hingin ang pahintulot nyo na pakasapan si Giana."wika ni Levy.

"Ano???"sabay sabay na wika ng mga kapatid ng dalaga....hindi naman nagsalita ang Tatay ng mga ito.

"Sabi ko na nga ba eh! May kung anong SOMETHING sa inyong dalawa! Kasi hindi nasama sa lalaki si Ate,sa'yo lang!"wika ng pangalawang kapatid ni Giana.

"Ang daldal mo ha!"wika naman ng nakataas na kilay na si Giana.

"Ate,kung mag-aasawa kana! Iiwan mo na kami?"tanong ng pangatlong kapatid ng dalaga.

"Hindi naman ibig sabihin na mag-aasawa ako eh kakalimutan ko na kayo! Patuloy ang suporta ko sa inyo,pero wag kayo mag-alala. Dahi kahit mag-asawa na kami ni Levy,hahanap pa din ako ng mapagkakakitaan!'wika naman ni Giana.

"Hindi,simula ngayon ay tutulungan na kita!"wika nama ni Levy.inakbayan pa si Giana.

Ngumiti si Giana...ngunit nakulo ang dugo..akbayan ba naman s'ya..nananatsing na eh...ngunit nagpigil s'ya..ayaw din nyang makahalata ang kanyang pamilya..hinarap nya ang amang wala pa ding imik...

"Tay,wag po kayong mag-alala di ko po kayo kakalimutan!"wika naman ni Giana...

Ngumiti ang ama..at hinawakan ang kamay ni Giana...

"Kung sa tingin mo ay liligaya ka sa kanya,hindi kami tututol! Wag mo na kaming alalahanin pa. Ako ang padre de pamilya kaya ako ang bahala sa mga kapatid mo!'wika ng Tatay.

"Salamat po,Tay!'wika ni Giana..niyakap pa ang ama...kung totoo lang sana..di sana masaya na s'ya ngayon...

....

Naging mabilis ang paggaling ng Donya..hanggang sa ng labas na ito...at sinimulan ang pag-aayos ng kasal nina Levy at Giana....si Levy ang nag-asikaso ng lahat..kumuha s'ya ng pekeng papel...wala s'yang pakialam sa gagastusin..ang mahalaga ay ang tuluyang paggaling ng kanyang Mama...ang lahat ay peke lamang....

Mabilis naayis ang lahat..hanggang sa dumating ang kasal ng dalawa..isang binggang kasal ang gusto ng Donya.kaya iyon ang nangyari..ang daming bisita na dumating...mga mayayamang kaibigan..hindi malaman ni Giana ang gagawin...ngunit pinapanatag nya ang sarili..kailangan nya lang galingan upang magtagumpay ang araw ng kanilang kasal ni Levy...

Isang magandang bride ang nakita ng lahat..habang naglalakad sa gitna ng simbahan...hawak hawak ng ama ang kamay ng kanyang anak..marami ang nagbubulungan..nagtatanong kung bakit ang katulad nito ang napangasawa ni Levy...ngunit walang anumang salita ang binitiwan ng Donya...kundi..."huwag nyong hayaang manaig ang kung anumang sasabihin ng ibang tao! Don't let poeple ruin your happiness! Hindi sila ang pakikisamahan nyo kundi ang isa't-isa! Ang mga taong marunong magmahal ay s'ya lamang makakaintindi sa inyo!"

Matapos ang mahabang seremonya..iniannounce ng pari ang..."you may now kiss the bride'

Parehas na napalunok sina Levy at Giana...

"Wag mo akong hahalikan!"nakangiti..ngunit bakas sa mata ang pagbabanta..na bulong ni Giana...

"Wala akong balak na halikan ka!"bulong din ni Levy...nakangiti....ng biglang...

'Kisss! Kisss! Kissss!"sigaw ng mga tao..napalingon ang dalawa..nananatili ang ngitng nakapaskil sa kanilang mga labi..ngunit sa mga mata ay nagsasabi ng disgusto...

"Sabi ng wag mo akong hahalikan!'bulong na naman ni Giana,...nakita nyang unti-unti ng inilalapit ng binata ang mukha sa kanyang mukha.

"Anong magagawa ko! Makakahalata ang Mama!'bulong din ni Levy.

"Sisipain kita!"bulong na naman ni Giana.

"Mamaya kana manipa,sa ngayon gusto ko ng matapos ang sandaling ito!"bulong din ni Levy..hinawakan sa batok ang dalaga..sa harap ng lahat..siniil ng halik ang labi nito..

Napagdaop ng Donya ang kanyang dalawang kamay..wari ay kinikilig sa gunawang paghalik ng anak sa kanyang manugang...

Nanlaki naman ang mata ni Giana...."sipa ka talaga sa aking lalaki ka!'wika ng isip nito..

Natapos ang halik na iyon..isang masigabong palakpakan ang arinig mula sa mga bisita..picture dito..picture doon..ngiti dito...ngiti doon...maya maya lamang ay nagpunta na ang lahat sa venue ng kasal..ang mansyon nina Levy..

Halos mapuno ang mansyon nina Levy sa dami ng bisita...nakaupo naman sa isang tabi ang pamilya ni Giana...hindi sila palagay na makisalamuha sa mayayaman..lalo pa at kung tingnan sila ay parang nanunuri..napansin naman iyon ni Giana...may habag s'yang naramdaman para sa kanyang pamilya...

Wari naman ay napansin ng DONYA ang pananamlay ng kanyang manugang....napatingin ito kung saan nakatingin ang manugang..napansin nyang nasa sulok ang pamilya nito..agad ay binulungan ng Donya ang katulong na nakaalalay sa kanya..agad na sinunod ng katulong ang utos ng matanda...dinala nya ang Dinya kung saan naroroon ang pamilya ng ikinasal...

'Bakit nandito kayo sa sulok? Makihalubilo kayo!'wika ng nakangiting donya.

"Mas ok ho kami dito,Ma'am!"wika ng Tatay ni Giana.

'Maam! Balae! Balae ang itawag mo sa akin!'wika ng Donya.

Nahihiya naman ngumiti ang ama ni Giana...napakabait ng biyanan ng kanyang anak.

"Wag kayong mahiya! Wag nyong isipin ang mga taong nakapaligid sa inyo! Parte na kayi ng pamilya namin,kaya ipalagay nyi na ang sarili nyo!'wika pa ng Donya...

Kita naman ni Giana ang ginagawang pag-eestima ng Donya sa kanyang pamilya..nakaramdam s'ya ng kunsensya.bakit kailangang pagsinungalingan ang mabait na Donya...

Busy si Giana sa pag-iisip ng biglang may sumigaw...

"Wala bang pampainit dyan? Kiss! Kiss! Kiss!'wika ng kaibigan ni Levy.

'Kissss! Kissss! Kissss!"segunda ng lahat..bahagya pang pinapalo ang wine glass na nasa kanilang harapan..hawak ang kutsara..gumawa ng ingay para pagbigyan sila ng ikinasal...

Napatingin naman si Giana sa binata,..ganoon din ito..

"Wag kang magtatangka!"banta ni Giana...pabulong...

"Wag kang maarte. Magsipilyo kana lang mamaya tulad ng gagawin ko!'ganting bulong ni Levy.

"Sabi ng wag kang magtatangka!'wika na naman ni Giana...

"No choice,sweetheart! Naghihintay na sila!'wika naman ni Levy..inilalapit ang mukha sa mukha ng dalaga.

'Sisipain kita! Wag mo akong subukan!"wika naman ni Giana..pinagpapawusan na naman.

"Later,sweetheart!'sabi ni Levy..saka muli ay siniil ng halik ang labi ng kanyang pekeng asawa.

Napapikit na lang si Giana...ninamnam ang halik ng ianyang pekeng asawa..

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Where stories live. Discover now