CHAPTER 22:

3.8K 88 1
                                        

Araw araw na ngang hatud sundo ni Levy si Giana...masaya naman si Giana..ngunit napapansin nyang parang naiwas na sa kanya si Zack..ngunit hindi na lang nya pinansin...ang mahalaga...masaya s'ya ngayon sa sitwasyon nila ni Levy..ang kanyang ASAWA...

Walangbpasok noon si Giana...umungot s'ya sa asawa na mamasyal sila kasama ang kanilang Mama...na pinagbigyan naman ni Levy..nagsimba ang tatlo..nagpasalamat sa paggaling ng lubusan ng Mama...at ang maayos na relasyon ng mag-asawa..

Namasyal ang tatlo..walang kasing saya ang nararamdaman ng Mama dahil sa nakikitang maayos na samahan ng mag-asawa....napakasweet ng dalawa...pareho pang maaalalahanin...kitang kita sa mga mata ng dalawa ang pag-ibig na inaalay para lamang sa isa't-isa...

Nasa mall sila noon..kumakain ng biglang maaring ang phone ni Levy..agad nya itong kinuha at tiningnan ang caller..biglang namutla ang mukha ni Levy..sa nakitang pangalan na nakalagay na caller..at iyon ay walang iba kundi si CHLOE!,..

'Ok ka lang?'tanong ni Giana sa asawa..nakatingin lang kasi ito sa phone..eh kanina pa tumutunog.

"Ha! A oo!'wika ng bahagyang nagulat na si Levy.

'Bakit ayaw mong sagutin ang phone mo?'tanong naman ng Mama.

"S-sasagutin ko na nga po."wika ni Lev..sabay pindot ng answer botton.

"Hello!'wika ni Levy.

"Babe! Its me,Chloe! How are you? I'm sory I just call you now! I'm too busy!"wika ni Chloe..

Tumayo si Levy..sumenyas sa dalawang kasama na lalayo muna...napataas tuloy ang kilay ng dalawang babae..

"Hi! Ok lang yun!'naisagot ni Levy kay Chloe.

"Ahhh! Thank you,Babe sa pag-intindi mo sa akin ha! I missed you so much,! I love you,Babe!'wika pa ni Chloe.

Napalunok si Levy..hindi nya nasagot agad ang sinabi ni Chloe...magsisinungaling s,ya kung magsasabi din s'ya ng I LOVE YOU TOO dito..

'Babe,are you still there?'tanong ni Chloe ng hindi magsalita si Levy.

"Y-yes! N-nasa meeting kasi ako ngayon eh!"pagsisinungaling ni Levy.

'Im sorry,Babe! Ok ibababa ko na ang phone. My pictorials pa din ako. Ingat ka lagi Babe. I Love You!'sabi ni Chloe..

"Ok,bye!'sabi ni Levy..pinatay ang phone...nagulat naman si Chloe...ni hindi nya narinig kay Levy ang mga salitang madalas nitong sabihin noon sa kanya..may kabang dumapo sa dalaga.hindi kaya may iba na ang kanyang nobyo??

Bumalik si Levy sa pwesto nya..napansin nyang pinakatitigan s'ya ng dalawang babaeng kasama.

"Sino yung kausap mo?'tanong ng Mama.

'Kliyente po!"tugon ni Levy.

'Kliyente? Bakit kailangan mo pang lumayo sa amin ni Mama?'taas kilay na tanong ni Giana.

"Maingay kasi yung katabi natin kanina,di ko marinig yung sinasabi niya."palusot pa ni Levy,.

Sabay na nagtaas ng kilay ang dalawang babae....maingay ba talaga kanina?..hindi nila matandaan..

"Ayyyy! Tigilan nyo nga akong dalawa sa mga tinging iyan ha!"wika ni Levy..pilit na pinasaya ang tinig...sabay pa nyang pinisil ang ilong ng dalawang babae...

Napatawa na lang ang dalawa...ngunit sa loob loob ni Giana..may kakaiba s'yang kutob..maya maya lamang ay umuwi ng ang tatlo..panay ang tawanan nila.ngunit sa loob ni Levy..may kung anong gumugulo..higit sa kanyang puso..

...

Simula ng araw na iyon..ng tumawag si Chloe...lagi ng malalim ang iniisip ni Levy..lagi na itong nakatulala...bakit nga ba?..panay kasi ang padala ni Chloe ng mga sweet msg sa kanya...na hindi nya magawang sagutin..dati..s'ya halos ang mapadala ng mga sweet msg dito..ngayon..bakit hindi na nya magawa?..bakit sa tuwing magtitipa na s'ya ng mensahe..naninigas ang kanyang daliri...

Gulong-gulo ang utak at puso ni Levy..hindi nya maintindihan kung ano ang susundin?..ang utak na nagsasabing si Chloe ang tunay na mahal nya..at pagkukunwari lang ang nangyayari sa kanila ni Giana..o..ang puso na nagsasabing mahal nya ang asawa..at hindi lang pagpapanggap ang ginagawa nila..kundi tunay..at yun ang tibok ng kanilang mga puso..

Ang pananahimik ni Levy ay hindi nakaligtas kay Giana..malakas ang kutob nya na iyon ay dahil sa tumawag dito noong namasyal silang tatlo ng Mama nila..may kabang bumabalot sa puso ni Giana..kabang unti-unting nagbibigay ng lamat sa kanyang puso..

Nakaupo noon si Levy sa garden..malalim na naman ang iniisip nito..hindi nga nito namalayan na nakalapit na pala ang asawa sa kanya..

'Pedeng makiupo?"tanong ni Giana sa asawa...sa asawang malalim ang iniisip.

"Ha! Oo naman,halika!'wika ng nagulat na si Levy..bahagyang umisod.para makaupo si Giana..

'May problema kaba?"agad ay tanong ni Giana ng makaupo.

"Ha? Wala naman!'tanngi ni Levy.

"Magsisinungaling ka pa ba?"wika ni Giana..tinitigan si Levy.

"Sa trabaho lang! Pero maaayos ko din ito. Wag kanang mag-alala."wika ni levy..lumapit kay Giana..at inakbayan ito..

Naihilig naman ni Giana ang ulo sa dibdib ng asawa...ramdam nyang mas malalim pa doon ang problema nito....ngunit hindi na s'ya nagpumilit pa..ano man iyon..hihintayin nyang ito mismo ang magbukas sa kanya.

Napapikit naman si Levy habang yakap ang asawa...masaya s'ya sa piling nito..walang kasing saya..ngunit paano si Chloe?...kailangang gumawa na s'ya agad ng desisyon..kailangang sa lalong madaling panahon..alam nyang may masasaktan s'ya..ngunit gusto lang nyang bigyan ng kasiguraduhan ang kanyang nararamdaman...nalilito s'ya...inaamin nyang MAHAL NA NYA SI GIANA!,...kaya ngayon..gusto nyang siguraduhin kung ano ang nararamdaman nya para kay Chloe..

At isang desisyon ang napagpasyahan ni Levy...at doon nya malalaman kung ano na para sa kanya si Chloe...kung mas matimbang pa din ito..o..si Giana na!!

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Where stories live. Discover now