CHAPTER 17:

3.9K 89 1
                                        

Kinabukasan..muling pumasok sa Unibersidad si Giana...inihatud s'ya ng kanilang driver...nagpaskil s'ya ng ngiti sa kanyang mga labi ng mamataan agad si Zack.

"Morning!"masayang bati ng binata.

"Morning din!'ganting bati ni Giana..

At sabay na silang pumasok sa kanilang classroom.

Lunchbreak..niyaya ni Zack na mananghalian si Giana...pumayag naman ang dalaga..sumakay sila sa kotse ngnbinata..upang kumain sa isang restoran...may isang oras sila para matapos ang lunchbreak..

Masayang nagkuwentuhan ang dalawa..hindi naman kasi boring na kasama si Zack..palabiro ito..laging nakatawa...kaya hindi din mapigilan ni Giana ang hindi mangiti sa bawat pagbibiro nito..
...

May lunch meeting noon si Levy....sa isang kliyente..at gagawin iyon sa isang restoran...masayang nakikipagkuwentuhan si Levy ..tumatawa pa nga ito...kakaupo lang nila sa pinareserve na table sa restoran na iyon...ng biglang baling ni Levy sa kabilang table..nagulat s'ya..dahil ang babaeng masayang nakikilag-usap sa kasama nitong lalaki..ay walang iba kundi si GIANA..

Kitang kita ni Levy na humahalakhak pa ang kanyang asawa...mukha talagang nag-eenjoy sa kasama..may pagtapik pa sa braso ng lalaki..bigla ang pag-iinit ng ulo na kanyang naramdaman...

"Levy,! Levy,may problema ba?'tanong ng kliyente ni Levy..paano..kanina pa nya ito tinatawag..hindi nasagot..wari ay may pinagmamasdan.

"Ha, a e.oo naman!'sabi ni Levy na nagulat..nawala ang kanyang konsentrasyon dahil sa nakita..

Nagsimula ng iserve ang pagkain nina Levy..nagsisimula na din si Levy na ilahad ang kanilang proposal para sa kliyente...ngunit wala na sa konsentrasyon si Levy..lagi na ay panakaw ang ginagawa nyang tingin sa asawa at sa kasama nito...parang gusto nyang..PUMATAY ng mga karas na iyon...

Tapos ng magluch sina Giana at Zack..pabalik na muli ang dalawa sa Unibersidada..inalalayan pa ni Zack na makatayo si Giana...at masayng nilisan ang naturang restoran..

Napahigpit naman ang hawak ni Levy sa kutsara at tinidor..nakita nyang may paghawaka pa sa likod ng asawa nya ang lalaking iyon..at masaya pa ang ASAWA nya ha!!....nawalan na ng ganang kumain si Levy...tinapos lang nya ang proposal sa kliyente.at nagpasya na siyang bumalik sa opisina.

...

Uwian na nina Giana..magkasama pa din sila ni Zack..ewan ba ni Giana..bakit buntot ng buntot sa kanya ang kaklase...sabagay..nag-eenjoy din s'yang kasama ito..palabiro kasi...

Nasa gate na sila ni Zack..masayang nakakatawanan..ng mapansin ang susundo sa kanya..walang iba kundi si LEVY..lumabas pa ito ng kotse..nakita nyang wari ay salubong ang kilay nito..agad s'yang nagpaalam kay Zack.

"Paano,nadyan na sundo ko. Bukas na lang ulit."wika ni Giana.

'Cge,bukas ulit! Ingat ka ha!'wika naman ni Zack..

"Ikaw din! Bye!"kumaway pa si Giana..habang naglalakad palapit sa kotse ni Levy..

Nang mapatapat sa kotse ng asawa.agad nyang binuksan ang pinto kung saan s'ya uupo....iiling-iling naman si Levy...hindi man lang s'ya nagawang batiin nito..nagdadabog na pumasok na din sa ng kotse..-kapagdaka ay agad na pinaharurot.

'Himala,ikaw ang sumundo sa akin!"wika ni Giana..nagulat s'ya ng makita ang lalaki na naghihintay sa kanya.

'Bakit? Sino ang gusto mong maghatid sundo sa'yo? Ang lalaking iyon?'bakas ang galit sa tinig ni Levy.

"Sino? Si Zack? Kaibigan at kaklase ko s'ya."sabi naman ni Giana.

"What the hell are you doing?"galit na tanong ni Levy.

"Ako? Anong ginawa ko?'maang na tanong ni Giana.

"Ah! KAYO!"sabi pa ni Levy.

'Teka nga,deretsuhin mo na nga ako!'sabi ni Giana.

"Masarap ba ang pagkain sa restoran na iyon? Mukhang ang saya saya mo ah!"sabi ni Levy..mahihimigan ng KUNG ANO sa tinig nito..

"Sinusundan mo ba ako?"inis na tanong ni Giana..paano nito nalaman ang restoran?

"Why should I? Nagkataon na may meeting ako. Bakit ka umaakt ng ganoon? Pano ku g may makakita sa'yo na kakilala ng Mama? Paano kung isumbong ang nakitang PAKIKILAGLANDIAN mo sa lalaking iyon?'sigaw na ni Levy.

"Ako? Nakikipaglandian? Kaibigan ko lang s'ya?'sigaw na din ni GIANA.

'Kaibigan? Lalaki ako,kaya alam ko kung kaibigan o hindi ang pakikitungo ng lalaking iuon sa'yo?"wika ni Levy.

"Ah! Sabihin mo nga? Pareho ba kayo ng nararamdaman ng LALAKING tinutukoy mo sa akin?'taas kilay na tanong ni Giana.

Natigilan ng bahagya si Levy...ngunit agad ay nakabawi.

"Wag kang mag-isip ng kung ano! Hindi ako MAGKAKAGUSTO sa isang tulad mo!'wika naman ni Levy..

Nasaktan si Giana sa narinig..ngunit hindi nagpahalat...galit na nagsalita.

"Then stop acting na akala mo ay may relasyon talaga tayo! Ginagawa ko ang parte ko,hindi ba pedeng maglibang kasama ng mga kaibigan?'sigawni Giana...galit..pinagtatakpan ang sakit bunga ng narinig kay Levy.

"Iba ang intensyon ng lalaking yun!'nakikipagtalo na si Levy.

"Tumigil kana! Gagawin ko ang gusto ko as long as hindi ako gumagawa ng mali."sabi pa ni Giana...

Lalo namang nakaramdam ng galit si Levy..sumalita na lang ng sumalita si Giana..wari ay hindi nauubusana ng sasabihin..nakita ni Levy na RED LIGHT..kaya huminto s'ya..ngunit ang bunanga ni Giana ay patuloy pa din...napatingin s'ya dito..

Walang sabi sabi..hinawakan ni Levy ang batok ni Giana..at siniil ng halik ang labi nito..

Nanlaki naman ang mga mata ni Giana..pilit na itinutulak ang lalaki..ngunit matibay si Levy..lalo pa itong lumapit kay Giana..ang pagpipilit na makawala ay unti-unting nababawasan..hanggang sa tugunin na ni Giana ang halik na iyon ni Levy...

Naging masuyo ang halik....maya maya ay naging maalan...wari ay sabik....ilang minutong magkahinang ang kanilang mga labi...walang gustong bumitaw...

Tooooooooooootttttt

Toooooootttttttt

Tooooooooooooootttttt.

Tunog ng sunod sunod na busin ang mga kotse..nasa kalagitnaan ang kotse nina Levy..green light na pala...napalingon ang dalawa..mahaba na ang traffic na dulot ng pagkakatigil nh kotse nila sa gitna..

Agad ay pinaandar ni Levy ang kotse..nanginginig ng bahagya ang mga kamay...si Giana...gusto na talaga nyang bumuka ang lupa at lamunin na s'ya...ang mukha ay pulang pula sa hiyang inabot...

Walang salitang namutawi sa dalawa..ibinaling ni Levy ang paningin sa pagmamaneho..samantalang si Giana..pilit na itinatago ang mukha sa binata..sa labas ipinokus ang paningin...hinihiling na makarating na sila sa mansyon...sa lalong madaling panahon....

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Where stories live. Discover now