60DBWY 14

4.6K 157 4
                                    

Dedicated To: shanesilva2121

~*~

Still Nadine's Pov

"Hay nako kanina pa nga 'yan nakatulala eh!" sabi ni Shy

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Aj

"She's having nightmares" sagot ni James at sumipsip sa buko niya

Buko! Bakit gustong-gusto niyo yun? Ako nandidiri dun eh!

"Well...gusto mo magpatawag na ako ng psychiarist?" sabi ni Bret

"I'm not in the mood for jokes, Bret" sabi ko ng matamlay tapos tumayo na

Naglakad ako sa seashore at fini-feel ang buhangin. Bakit ba ako nagkaka-roon ng nightmares? Diba panginip lang yun? Kaya hindi yun magkakatotoo. Sino kaya yung tinutukoy ni James sa panaginip ko? Sino si Ericka Villongco? Teka!? Familiar yung name niya ah! Alam ko nakatrabaho ko na siya eh! Sa----sa isang music video! Tama!

"Ang lalim ng iniisip mo ah!" napatingin ako sa nagsalita

Ngumiti ako ng pilit. Alam kong ichi-cheer up niya lang ako pero wala talaga ako sa mood eh. Atsaka pagnakita siya ni James baka magselos na naman si Hayme.

"Bakit ang lungkot mo?" tanong niya

Umupo kami sa buhangin.

"W---wala may iniisip lang, Joseph may kilala ka bang Ericka Villongco?" tanong ko sa kan'ya

Nagbato siya ng shells sa dagat.

"Ericka...Villongco? Hmm.....aha! Siya yung kasama ni Krissy sa mga music video diba?" sabi niya

"Ah...oo kilala mo siya?" tanong ko

"Yep, pinapanood ko nga minsan yung mga music videos nila eh! Magaling naman siya at ayun! Nakasama pa nga si James sa music video nila dati eh!" sabi niya

"S...si James?" sabi ko

"Oo sa don't say you love me na kanta nila" sabi niya

So that's why, pero teka! May naging relasyon ba sila?

"Haha payat pa nga siya dun eh! Tapos ngayun naging hunk actor na tapos magiging isang ama na" sabi niya

Ngumiti naman ako ng bahagya.

"Bagito lang eh no? Haha" sabi niya

Actually at the age of 21 para sa showbiz minor pa yun. Kaso wala tayong magagawa pinakasalan mo na eh! At aminin ko man o hindi masaya ako dun.

"Bagito...haha 21 na kaya siya! Magtwe-twenty-two sa...." nag-isip ako

Ano na ba ngayun? Hmm......

"Ahhh!!! Magtwe-twenty-two na siya bukas!! Birthday niya na bukas!! Ahh!!!" sigaw ko

"Shh...Nadine 'wag kang maingay...shh!!" saway niya

Eh kasi naman sarili kong asawa na kalimutan ko ang birthday, kainis!

"Ang ingay mo!" sabi niya sa akin

"Waaa!! Hindi kaya! Ikaw ah" binatukan ko siya

"Aba! Binatukan pa ako! Humanda ka sa akin...lagot ka!!" sabi niya

"Waaaa!!!" tumakbo na ako

"Hoy! Isang buntis! Lumapit ka dito at babatukan din kita!!" sigaw niya

"Bleh! Try to catch me first! Babye!" nagwave pa ako sa kan'ya

Takbo ako ng takbo. Hanggang sa napagod na ako napahiga na lang ako sa buhangin. Bakit ba ako tumakbo? Mamaya makunan ako nito eh! Lagot ako kay Hayme T_T

60 Days Being With You (A JaDine Fan Fic) 《completed》Where stories live. Discover now