60DBWY 35 ♡

3.4K 121 5
                                    

Nadine's Pov

"The hell Nadine! Pipili ka o sasabugin ko utak nito?!" tanong ni Albie

Hawak niya kasi si Alex. Kanina pa ako nanginginig at umiiyak.

"Albie...please..huwag si Alex..ako na lang..ako na lang patayin mo" mangiyak-iyak kong sabi

"Na---nadine....d--don't.." mahinang sabi ni James

He's beaten up by Albie's..uhm..friends? Geez..oh my gosh! Andami nang pasa ni James. Tuloy-tuloy pa rin yung luha ko. Gusto ko siyang puntahan na agad pero kailangan ko munang pumili. Pumili ng ikabubuti ng iba.

~*~

Hindi pa rin ako nakakapagdesisyon. Kanina pa kumakabog ang dibdib ko. Pinagpapawisan na din ako. Grabe hindi ko mapigilang umiyak. Dahil kailangan kong piliin ang ikabubuti ng pamilya ko. Kapag pinili ko si Albie, siguradong titigilan niya na kami--I mean sila. Kanina pa ako sinisigawan ni Albie, pero di ko pa ren alam kung anong pipiliin ko.

Sana..sana isang pelikula na lang ito. Madalas naman 'tong nasa mga pelikula eh. Yung mga ganito. Pero ngayun nasa reality na kami..hindi mo siya pwedeng takasan. Maling sabi mo lang pwedeng may mamatay, masaktan.

"Damn it!! Hindi ka pa rin nagdedesisyon, ha?!" sigaw sa akin ni Albie

"Albie..please..maawa ka naman" sabi ko

Tama nga ang sabi ni Mrs. Casino. Na-addict na siya sa droga kaya siya ganyan. I can't believe na ang isang Albie, na minahal ko noon. Ay isang adik na pala. Napaluhod na lang ako at naiyak.

"Nadine!? Iiyak ka na lang ba d'yan o pipili ka?!" sigaw na naman ni Albie

Prine-pressure niya na ako! Di ko na kaya! Please..may tumulong naman sa amin.

*boogsh*

"Hands up!!" sigaw nung police

Automatic na napatingin kami sa kan'ya. Oh thank you so much! Nagsi-kilos na yung ibang mga pulis, hinuli nila sila Albie. At ako naman may tumutulong sa akin na isang medic.

"Ma'am, are you hurt? Are you okay?" tanong nung medic

Tumango na lang ako tapos nahimatay.

~*~

3rd Person's Pov
     Lahat sila sinugod sa ospital. Sila Albie naman ay dinala sa police station. Lahat sila halos sugatan. Pati mga magulang nung dalawa. Si James hindi mapakali kaya naglakas siya ng loob puntahan si Nadine sa kan'yang kwarto. Nang buksan ni James yung pintuan, nakita niya agad si Nadine na natutulog ng mahimbing. Hirap na hirap siya maglakad dahil sa daming pasa sa kanya.

Umupo siya malapit sa kama ni Nadine.

"Wifey..okay na kami..okay na sila pati si Alex. Hope you wake up na agad. May good news ako sa'yo.." sabi ni James

Napapangiti si James tuwing naiisip niya ang good news na iyon.

~*~

Nadine's Pov

Dilat..

Dilat..

Dilat..

Nagising ako dahil sa nasusuka ako. Ewan ko ba, parang naghalo-halo yung mga kinain ko. Kahit hindi pa ako nakain, bumabaliktad yung sikmura ko eh. Nung nakita ko si James sa tabi ng kama, niyugyog ko agad siya.

"Hubby..hubby.." tawag ko

"Hmm..." tugon niya

"Hubby!!!" sigaw ko

"Aahh!! Wifey? Gising ka na? Okay ka lang ba? May nararamdaman ka ba?" tanong niya sa akin

Tinitigan ko lang siya. "What?" tanong niya

"Nasusuka lang ako" sabi ko

Agad-agad naman kinuha ni James yung basurahan..yung maliit lang. Nagsuka ako dun tapos okay na ako. Medyo gumaling na yung mga sugat niya.

"James..gaano katagal na ako dito sa hospital?" tanong ko

"2 or 4----"

"Months?! Grabee para akong na-comatose" sabi ko

Pinitik naman niya yung noo ko. "Hours lang naman!" sabi niya

Grabe, akala ko months..nung una akala ko nga years eh!

"Hubby..asan si Alex?" tanong ko

Binalik niya na yung basurahan. Napansin ko din na naka-hospital gown din siya katulad ko.

"Nagpapahinga pa sa kabilang room" sabi niya

Tumango-tango naman ako.

"May good news ako sa'yo!" sabi niya

Kumunot naman yung noo ko.

"Ano naman yun?" tanong ko

"You're pregnant again" sabi niya

Naghalo-halo yung emosyon ko. Ewan ko ba. May side na happy kasi masusundan na si Alex. May side na inis kasi tataba na naman ako at maglilihi.

"Talaga?...uhm...James?...Err...gusto ko ng blueberry cheesecake" sabi ko

O_____O -- James

"Wifey?! Blueberry pa rin? Nung naglilihi ka kay Alex, blueberry din. Ngayun blueberry na naman?" tanong niya

"Yun yung gusto ng new baby natin eh! May magagawa ka ba?!" Inis na sabi ko sa kan'ya

"Hay nako, tsk! Mood swings..opo masusunod po!" sabi niya

"Good susuno---JAMES!?" sigaw ko

"What?" tanong niya habang natawa

Pinalo ko siya sa braso..hinalikan kasi ako bigla.

"Ang cute mo Wifey!" sabi niya

"Che!!" sabi ko

"Ay! Tampo?" sabi niya

Tumalikod ako sa kan'ya at pumikit.

~*~

Kinabukasan~

Ako lang mag-isa ngayun. Pupunta ako sa police station. Bibisitahin ko si Albie. Mabait naman si Albie eh! Naaalala ko pa tuloy yubg break-up namin.

Flashback~

Nandito kami ngayun sa favorite place namin ni Al. Pinagsama-sama ko na ang lakas ng loob ko para sabihin 'to sa kan'ya.

"Al...I'm tired" sabi ko

"W-wha...are you breaking up with me?" tanong niya

"Y---yes" sabi ko

"Why? Pagusapan naman natin 'to" sabi niya

Tumingin ako sa malayo.

"May mga bagay na kailangan ng explanation, pero sa sitwasyon na 'to. Hindi ko na kailangan mag-explain" sabi ko

Ewan ko ba! Parang di ako naaapektuhan sa magiging break-up namin. Ang casual ko lang sumagot.

"Nadine.."

Umalis na ako sa tabi niya at nagpakalayo-layo.

End of Flashback~

Hindi talaga ako umiyak, nagkulong sa kwarto nung naghiwalay kami. In fact! Nakilala ko si James. At ayun..kinasal kami dahil sa isang fixed marriage and then nagtuloy-tuloy na.

Hinihintay ko na lang palabasin si Albie para kausapin ko. Paglabas niya umupo agad siya sa harap ko.

"Al.." mahinang sabi ko

"Nadine..I'm sorry" sabi niya

And that words from him made me smile.

~*~

A/N: This chapter is edited. I removed every Author's note on the top and here. Except for the dedications, greetings and other stuffs.

60 Days Being With You (A JaDine Fan Fic) 《completed》Where stories live. Discover now