Ashley
Nakatulala lang ako sa harap ng computer ko. Wala akong ganang mag trabaho. Di ako makapag concentrate dahil lageng bumabagabag sakin ang mga sinabe ni Karl. Di ko narin namamalayan na umiiyak na pala ako.
"Ashley, inom nalang tayo" sabe sakin ng office mate ko. Tumango nalang ako, tama iinom ako.
Pagdating namin ng bar, agad akong umorder ng alak. Uminom lang ako ng uminom. Di rin nila ako pinipigilan dahil nga broken hearted ako ngayon. Pumunta ako sa may mini stage at tsaka kumanta ng Someone Like You by Adele.
Sa sobrang kalasingan ko, pinigilan na nila ako.
Karl
Lage paring pumapasok sa isip ko kung tama ba yung ginawa ko kay Ashley. Nakakasawa narin kasi. Kailangan muna namin ng space.
Pumunta muna ako ng barbpara uminom. Gusto ko munang mapag isa."Never mind I'll find someone like you!" Napatingin ako sa kumakanta. Si Ashley, halatang sobrang lasing na sya kasi pinipigilan na sya ng mga co workers nya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya "Ikaw!" Tinuro nya ako "Pano mo to nagawa sakin ha?!" Iyak nya tapos biglang tatawa.
"Ako ng maghahatid sa kanya" sabe ko sa mga katrabaho nya. Agad kong binuhat si Ashley at sinakay sa kotse ko "Mashaket!" Sigaw nya habang tinuturo ang dibdib nya. Hay Ashley.
Nang mahatid ko na sya, umalis na ako agad. Pinabilin ko narin sa ate nya na wag sabihin na ako ang naghatid sa kanya.
