3AM(3)

363 16 2
                                        

Ashley

"Hindi dapat iniiyakan ang mga lalakeng ganyan. Ipakita mo sa kanya na kaya mong mag isa. Na di mo sya kailangan" sabe ni ate. Nag iinuman kami ngayon.

Halos 1 month na kaming magkahiwalay pero di parin ako maka move on "Yun lang yung reason nya. Di naman katanggap tanggap eh" sabe ko "Baka may iba na" napaisip ako sa sinabe nya pero alam ko namang di nya yun magagawa kasi napaka loyal nun.

Kinabukasan, birthday nya. Pinagluto ko sya ng paborito nyang pansit. Pupuntahan ko sya, wala akong paki kahit ipagtabuyan nya ako.

Pagpunta ko sa unit nya, di ko mabuksan ang pinto. Ilang beses kong tinype ang password pero di parin mabuksan ang pinto

Pinalitan nya?!

Iniwan ko nalang ang pansit sa harap ng pinto nya. Malungkot akong umalis. Pasakay na sana ko ng kotse ko pero bigla ko syang nakita na papasok ng building pero may kasama syang babae.

Naalala ko ang sinabe sakin ni ate, na baka may iba na sya. So totoo pala?

Karl

"Pasensya na, malelate pa tuloy tayo" sabe ko kay Sandra habang papasok kami ng building ko. She's my co worker. Bumalik kami sa condo ko kasi naiwan ko yung iba pang documents para sa meeting namin "Okay lang" ngumiti sya sakin.

Pagdating namin sa unit ko, muntik ko ng matapakan ang tupperware na nasa harap ng pinto ko. Kinuha ko yun at tinignan "Pansit" sabe ko.

Alam ko kung sinong nag iwan niyo dito "Bakit may nag iwan?" Tanong ni Sandra "I don't know" sagot ko sabay bukas ng pinto. Nilapag ko ang pansit sa lamesa, may nakapatong ding papel. Mamaya ko nalang babasahin pag uwi ko.

After ng meeting, umuwi ako agad. Paghubad ko ng coat, napansin ko yung pansit. Kinuha ko ang papel tsaka to binasa.

'Happy Birthday Karl! Naisipan kong ipagluto ka kasi paborito mo to. Sana masaya ka ngayong araw na to!'

Pagkatapos kong basahin ang sulat, bumalik lahat sakin ng memories namjng dalawa. Napaisip na naman ako kung tama ba talaga ang ginawa ko kay Ashley.

Napaupo ako sa sofa at napahawak sa ulo ko. may napansin naman akong kumikinang na maliit na bagay sa may bandang tv rack ko.

Nilapitan ko yun tsaka kinuha. Its her ring, ang engagement ring na binigay ko sa kanya. Napaupo ulet ako at nag isip.

She don't deserve this.

3AM [✔️] OSWhere stories live. Discover now