Chapter 9

501 13 0
                                    

"...Ang ganda rin ng pag-ibig, no? You will move heaven and earth just for that one person. A personified version of an urge to change for the better because a life without them is lifeless. Gagawin mo ang lahat para sa kanya dahil ayaw mo siyang mawala sa buhay mo. Ipaglalaban mo siya..."

Other words the maid of honor has been saying faded out. An urge to change for the better because a life without them is lifeless.

Ipaglalaban mo siya.

I can feel my heart beating rapidly, up to the point of it becoming a heavy feeling. It felt suffocating. Parang may umaapak sa puso kong gusto kumawala sa nananakit. Am I having a breakdown? In the middle of a fucking wedding reception pa nga.

Something about the speech of the woman struck me. Hinahabol ng takot dahil sa mga naging naranasan. Gusto kong sigawan ang babae kasi parang nananadya pero ako lang ang mukhang affected sa kanilang lahat. Even Misha listens attentively.

Napatulala na lang ako sa wine glass na nasa harapan ko, hindi na kinakaya ang mga sinasabi sa harapan. I absentmindedly put my arms over myself, making it look like I am hugging myself.

I can say, without hesitations, na naka move on na ako. We were faced with problems already during the last days of our relationship, that it made it easier for me to let go now. Na kahit humarap ulit ako kay Daniel, okay lang sa akin kahit kasama niya bago niya. Masasaktan ako pero dahil na rin 'yon sa mga nasayang na pinagsamahan namin.

I will hurt for the sake of our time together, the good times. Na-realize ko rin naman na masasayang na rin ang mga luha ko 'pag iniyakan siya, pero ang iyakan ang pinagsamahan namin at ang sakit na naranasan ko? Hindi sayang.

I always cry myself out whenever I break up with them. From Isaiah, to Phillip, to Daniel. I wanted the universe to turn the tables and make them suffer. To give them what they deserve because they hurt me. But I changed the way I think, because what makes me different from the people who hurt me if I want to hurt them too? I reflected on my mistakes na may mali rin naman ako. Hindi naman lagi ako ang tama. At one point in our relationship, nasaktan ko rin sila. May it be their ego or their heart itself.

All my failed relationships ended badly. There's no closure from both parties. Mas mabuti na rin siguro ang ganon dahil hindi ko na rin naman magugustuhan kung pag-uusapan pa ang natapos na. Minsan nga naisip ko rin na sumbatan sila, na mag-message ng napakahabang message na puno ng panunumbat pero ano pa sense no'n? Aside sa mukhang hindi nila babasahin 'yon at baka paikutin lang ulit ako at ang usapan, magmumukha pa akong desperada sa atensyon nila. Kaya 'wag na lang.

Natapos na ang maid of honor magsalita at pinalitan na ng mga magulang ng bagong kasal, tulala pa rin ako. Kung wala lang nag-flash ng ilaw sa harap ko hindi ko na mapapansin ang paligid.

May lumapit na photographer sa table namin para kuhanan kami ng picture para daw sa documentation ng kasal. So pumayag kami at lumapit sa isa't isa para kasya sa picture. Ngumiti ako sa camera pero wala na ako sa sarili ko. Natutulala kapag hindi kinakausap o nakikinig sa iba. I'm in the middle of a party, hindi pwedeng mawala ako sa sarili ko kaya pinilit ko na lang sarili ko makisalamuha ulit kila Misha.

Pagkatapos magbigay ng mensahe ang mga magulang ng bagong kasal, sila Ma'am Amelia naman ang nagbigay ng message nila. Pasasalamat sa pagdalo at pag-witness ng kasal nila.

Something touched my heart when I saw her tear up because she still couldn't believe someone would wed her for the second time. We laughed when she threw a shade towards her former husband, who blamed her before for not conceiving a child.

"Minura ako noon nung gagong 'yon, siya pala ang baog!" She said, even her husband also laughed at her remark. Ang saya nila tingnan. They stare at one another, and something sparks. The way they look at one another and grin as if nothing could possibly make them frown because they are there for one another.

Change of FateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang